Fever's Pov
Napasandal ako sa pintuan ng kwarto ni Rain. I don't know pero masaya ako dahil nasabi ko ang mga detalyeng iyon sa kanya at umaasa na bumalik na ang mga memorya na nalimutan niya pero at the same time natatakot din ako. Natatakot nab aka kapag naalala niya ang lahat mas piliin niya n asana d na niya naalala dahil sa sakit ng nakaraan niya at kasama ako sa mga dahilan kung bakit siya nasaktan.Simula nung una ko siyang makausap sa phone noong tumawag siya sa akin para sa pagtuloy ko sa bahay niya nagtaka na ako. Akala ko noong una nakamove on na siya kasi parang hindi niya ako kilala at wala siyang pake kung sino ako. And then nung makita ko siya gusto ko siyang yakapin pero hindi ko nagawa, nanibago ako sa mga mata niya at alam kong ganoon din sila Thunder at Flood. Yes, kilala ko yung dalawa we're bestfriend before but it all change when we fall inlove with one woman. And that woman is Rain.
After we ate our lunch nagpahuli ako sa paglabas. Gusto ko talaga siyang makausap pero ng magsalita na siya natakot ako. Nang makaalis ako sa bahay niya tinawagan ko si Tito Dexter. Siya nalang ang may contact ako dahil bigla nalang naglaho na parang bula sila Tito Cloud and Tita Sunny pati na rin si Autumn.
Flashback
Nang makaalis ako ng bahy ni Rain agad akong sumakay sa kotse ko at tinawagan si Tito Dexter. Siya lang ang alam kong makakasagot sa mga tanong ko.
Kringggg... Kringggg... Kringggg...
" This is Dexter Franco. Who is this?" sagot nito pagkasagot na pagkasagot sa tawag ko.
" Tito. Si Jake po ito" sagot ko sa kaya. Saglit siyang natahimik sa kabilang linya bago sumagot.
" Jake Fever Peiton? I am right?" nag-aalangan pang tanong nito.
" Yes po Tito" sagot ko dito.
"Bakit napatawag ka?" tanong ni Tito sa akin.
" Gusto ko po sanang makausap kayo"
" Tungkol saan?"
" Tungkol po kay Rain"
Biglang natahimik si Tito sa kabilang linya. Alam kong nabigla siya sa sinabi ko.
"Anong tungkol kay Rain? May nangyari ba sa kanya?"
"Tito anong nangyari kay Rain? Bakit parang hindi niya kami kilala?"
"Nag-nagkita na kayo?" mautal-utal pang tanong ni Tito sa akin.
" opo. Kanina."
"Okay let's meet sa Café Latte" nabigla ako sa pagkaseryoso ni Tito at the same time kinabahan. Ano ba talagng nangyari kay Rain.
Binaba na ni Tito ang tawag kaya naman binuksan ko na ang makina ng kotse ko. Mabilis akong nagdrive papunta sa Cafe Latte.
Nang maipark ko ang kotse ko ay agad akong pumasok sa Coffee Shop na ito. Inilibot ko ang paningin ko sa loob. Nang makitang wala pa si Tito Dexter ay umupo ako sa bandang dulo.
Maya-maya ay natanaw ko na si Tito Dexter . Nakita kong palinga-linga ito sa paligid kaya naman nahulaa kong hinahanap ako nito.
"Tito! Dito po" nakita kong napalingon sa direksyon ko si Tito .
Nang makalapit si Tito sa akin ay pinaupo ko na siya.
"Tito pwede niyo na po bang sabihin sa akin?" inip na tanong ko.

YOU ARE READING
Forgotten Memories
Teen FictionBeing alive is a blessing but having a life like mine is a disaster. Being me as a person is like a puzzle. I will never know who I am not until I solve the puzzle. And the key to answer that puzzle is my Forgotten Memories. A/n: This is my first st...