Heaven's Pov
Until now hindi ko pa rin malimutan yung nangyari kanina. Napahawak ako sa labi ko, feeling ko nandito pa rin yung labi ni Fever sa akin.
Napabangon naman ako sa pagkakahiga saka hinilamos ang kamay ko sa aking mukha.
Dapat galit ako sa kanya! Kinuha niya yung first kiss ko pero bakit ganon feeling ko hindi yun yung unang beses namin kiss?Nagkiss na ba kami dati?
Pinukpok ko ang sarili ko dahil sa kaisipan na yun.Hindi!impossible ngayon lang kami nagkita!!
Tinignan ko ang cellphone ko kung anong oras na, 10:00pm na almost 4 hours na ako dito.Hindi na rin ako nakapagdinner dahil sa ayokong makita yung lalaking yun!
Bukas pala may pasok na siguro naman papatahimikin na ako ni Fever. Makatulog na nga!
"Knock...Knock...Knock..."
Napakunot ang noo ko dahil sa taong kumakatok sa pintuan ng kwarto ko.
Sino naman ang pupunta dito ng ganitong oras?Pagbukas ko ng pintuan ay hindi ko mapigilan manlaki ang mata.
"Fever" Nakangiti naman niya akong tinignan.
"Dinalhan kita ng dinner hindi ka na kasi bumaba kanina baka malipasan ka" doon ko lang napansin ang dala niyang pagkain. Adobong baboy,biglang kumalam ang sikmura ko pero nang maalala ang nangyari ay isnawalang bahala ko nalamang ang aking gutom.
"Busog ako, makakaalis ka na" sasaraduhan ko na sana ang pinto ng mapansin kong bahagya itong napayuko.
"Ganoon ba? sayang ako pa naman ang nagluto nito.Sige alis na ako" lalo naman akong nakaramdam ng pagkakonsensya. Pinagluto niya ako?
Nang makitang paalis na siya ay muli ko itong tinawag."Fever! halika pasok ka" nakita kong nagulat siya kaya naman nilakihan ko ang bukas ng pinto para sabihin na seryoso ako.
Napangiti siya ng malaki at may pasipol-sipol habang pumapasok sa kwarto ko. Napailing nalang ako,ang cute niya no mali ang gwapo niya!. bahagya akong namula sa naisip ko kaya naman pinilig ko nalang ang ulo ko. Sinarado ko na ang pinto at nakita kong nakalagay na yung tray sa kama ko.
Nang makaupo ako sa kama ay agad namang kinuha ni fever yung pagkain. Akmang susubuan niya ako nang kunin ko ang pagkain mula sa kanya.
"Ako na hindi naman ako bata eh" natatawang ginulo niya ang aking buhok kaya naman hinampas ko ang kamay niya.Guluhin na niya lahat wag lang ang buhok ko
"Hindi ka pa rin nagbabago baby" napakunot naman ang noo ko ang mapatingin ako sa mata niya may nakita ako doon na kalungkutan. Bakit?
"Ha? anong sinasabi mo jan?" nakita kong sandaling nawala ang kanyang mga ngiti at bigla itong sumeryoso
"Wala kumain ka na lang jan" pinagkibit balikat ko na lamang ang gumugulo sa aking isipan.
Kumain lang ako ng kumain na para bang ilang araw akong hindi kumain. Ang sarap niyang magluto!Daig pa niya luto ko.
"Hindi ka naman hutom no?hahaha" sinamaan ko lamang siya ng tingin bago sumagot.
"Ang sarap kasi eh" sabi ko pa at napapout bahagyan naman akong napalayo ng bigla niyang ilapit ang mukha niya.
" Wag kang mag pout hahalikan ulit kita" nakangising sabi nito kaya naman binatukan ko siya.
"Manyak mo talaga" nakasimangot kong sabi saka ko tinapos ang aking pagkain
"Pero maiba tayo.I just want yo ask" nagdadalawang isip na sabi niya
"Ano ba iyon?" sumamdal ako sa headboard habang hinihintay ko ang sagot niya.
"Na aksidente ka ba?I mean naaksidente ka ba dati?" nagulat naman ako sa tanong niya. Ayoko sanang sagutin pero pakiramdam ko kailangan kong sabihin sa kanya
"Yeah.Naaksidente ako 2 years ago. Sabi ni Dad car accident daw yung nangyari sa akin" naalala ko na naman yung pangyayari yun at hindi ko namalayan na kinukwento ko na pala kay Fever ang lahat
Flashback
(In the hospital)
Pagkamulat ng mata ko ay puting kisame kaagad ang bumungad sa akin.
Nang mapabaling ako sa aking kanan ay nakita ko ang isang lalaki. Hindi ko ito kilala,nang makitang nakatingin ako sa kanya ay bahagyang nanlaki ang mata nito saka nagmamadaling pumunta sa akin."Heaven salamat at gising ka na" niyakap noya ako ng mahigpit kaya hindi ko mapigilang itanong.
"Sino ka?" Nakita kong natigilan ito saka nagdadalawang isip na tumingin sa akin.
"I'm your dad" i dont know why pero tinanguan ko lang soya. Parang pakiramdam ko hindi totoo ang sinabi niya. Mukhang napansin naman niya iyon..
"Anong pangalan mo?" hindi pa rin nawawala ang pagkabogla sa mga mata niya.
" Im Dexter Franco your dad" napatango nalamang ako. I dont know pero hindi ko talaga gusto ang ideya na tatay ko siya.
" And what was my name?" napangiti naman siya sa tanong kong iyon kaya napakunot ang noo ko.
"Heaven Rain Franco,that your name" huling sabi niya bago siya pumunta sa telepono ang tinawagan ang doctor.
Heaven Rain Franco? is that really my name?

YOU ARE READING
Forgotten Memories
Teen FictionBeing alive is a blessing but having a life like mine is a disaster. Being me as a person is like a puzzle. I will never know who I am not until I solve the puzzle. And the key to answer that puzzle is my Forgotten Memories. A/n: This is my first st...