Introducing Panget

1.2K 19 0
                                    

"Okay class, introduce yourself at the front. Tell me and your classmates what's your hobby and ambition. Let's start at the first row, vertically"

Nye. Tatlong tao lang tapos ako na? Di ako prepared ma'am T____T

Pano ba sasabihin ko sa harap?

Hay! Bahala na. God will Provide :)

"Next!"

"Hi. I'm Cindy Aquino. 12 years old. Isang certified panget. Nagmula sa lugar kung saan wala ni isang panget. Ang ambisyon ko ay maging aso. Ang parati kong gawain ay makipaglaro sa mga ka-edad ko pero di ko kauri. May bigat na 83 kilos at may waist line na 36. Mayroon ding akong dalang kasabihan na 'Panget man ako sa inyong pakiramdam ... Well, the feelings are mutual' Nice to meet your beautiful faces classmates" hindi na ko ngumiti kasi nga walang karapatan ang mga pangit na ngumiti basta nakatayo lang ako sa harapan nila at hinihintay ang 'Next!' na pangkaraniwang sinasabi ni ma'am

Napatitig sila sakin. At sa paglipas ng limang segundo...Lahat sila naghalakhakan

"HAHAHAHA.. 83? Men! Mas mabigat ka pa sa mama kong baboy eh! HAHAHA"

"36? Ano ka? Baboy? HAHA Oo nga pala, baboy ka! HAHAHA"

"Aso? Ambition? Meganun?! Eh bat di na lang baboy, hayop din naman yun ah. Saka ikaw din naman yun, wag ka na mag-ambisyon! HAHAHA"

Pinagtanggol ko naman ang sarili ko

"Eh anong masama sa ambisyon kong maging aso? Ang aso, cute. Bakit bawal bang mag-ambisyong maging cute man lang? Pati yun ba, isinama na rin sa batas?"

"HAHAHAHAHAHAHAHA XD"

Lahat ng mga mata, halakhak at buong paggalaw nila... Puro lait, mga lait na masasakit. Mga lait na maaaring makadurog ng kahit na sinementadong batong puso

Masakit... Sobrang sakit... Ginusto ko ba? Ginusto ko bang maging ganito kapanget? Sino bang may gustong laitin ka ng lahat ng tao? Sino bang may nais na tunawin ka sa pagtitig ng panlalait?

Di ka iiyak Cindy. Hindi ka pwedeng umiyak. Mas nakakahiya kung ipapakita mong mahina ka

"QUIET! NEXT!" si Ma'am. Di ko akalain na kahit pala respetadong guro, nagagawa ring manlait ng sarili niyang estudyante. Tsk

The Malas GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon