No. This is the end

725 14 1
                                    

Kinabukasan...

"Hala Cindy! Pinapak mo ba ang mansanas buong gabi at ganyan kapula ang mukha mo?"

Hindi ko pinansin si Andrea. Sa halip ay dere-derecho lang ako sa paglalakad

"Nanood ka siguro ng nakakaiyak na Korean Novela no? Eyebags at sipon ang natamo mo eh" si Sara

Kung manghuhula lang naman sila dapat yung sakto na. Dibale, sa UGLY kong to wala akong karapatan na umiyak sa isang lalaki na ni minsan di naman naging akin

Assuming lang talaga ako

Kagaya nga ng ika nila "Hindi masamang magka-crush. Ang masama ay kapag umasa ka na may maibabalik siyang atensyon sayo"

"Tol, si Cindy oh" narinig kong bulong ni Jerome

Papunta na kasi kami ngayon sa gym para mag-line

Tinatamad akong magsalita o kaya makipag-usap man lang. Ewan, sa tingin ko kasi nasasaktan at nagdadalamhati pa rin ako hanggang ngayon

Nang makita ako ni Tom agaran naman siyang naglakad at hindi pinansin ang sinasabi ni Jerome

Panigurado, di yan nakokonsensya. Pinaasa niya ko't lahat tapos sasabihin niyang 'I don't like you. Your ugly and that's the truth' ?

Shemes. Naiiyak nanaman ako

Makapag-line na nga lang

---

"Ma'am, may I go out?" tanong ko kay ma'am na nasa desk nila

Tumango lang sila habang may inaayos sa notebook nila

Lumabas naman ako at dumerecho ng Girl's CR

Pagkatapos kong makipagbusiness sa kalikasan ay lumabas na ko para maghugas at titigan ang sarili sa salamin

"Ang panget nga indeed" pinitik ko ang pisngi ko "Bakit ba ang kapal mo? Magising ka na Cindy! Hindi ka magandaaaa!" tinatapik tapik ko ang pisngi ko

"Your pretty"

"Ah! You scared me!" napatakip ang kamay ko sa mata ko dahil sa gulat

"Did I?" he giggled "I'm sorry"

Nang matanggal ko na ang kamay ko. Wala naman akong nakita ni isang tao sa paligid

Hala! Baka may multo rito

Brrr. Kaya pala malamig pa kanina eh

Pero seryoso?! Meron?!

"Ano bang ginagawa mo?"

Nagulat nanaman ako. Bakit ba parati akong nagugulat?

"T-Tom...?" I stammered

"Para kang sira" papasok na siyang CR ng boys ng pigilan ko siya

Hinawakan ko ang braso niya

"Bakit mo nagawa yun?"

Naiirita naman siyang humarap sakin at tinanggal ang pagkakahawak ko sa braso niya

"Ang alin?"

Nakayuko lang ako. Kung saan ko nahugot tong lakas ng loob na makipag-usap sakanya ng harapan? Ewan ko. Nalilito nga din ako sa sarili ko eh. Basta ang alam ko, nasasaktan ako

"Alam ko, pangit ako, mataba, hindi marunong mag-ayos at lahat na. Pero Tom, am I that loathsome? Ganun na ba ko kadiri para paglaruan at paasahin mo-"

Alam kong tinititigan na niya ko ng masama ngayon kahit na di ko siya matitigan ng maayos sa mata

"Ah! So tingin mo pinaasa kita. Bobo ka ba?"

*Shoot!*

Aray! Ang sakit namang magsalita ng taong to

"Hindi nga kasi ako matalino kaya pwede bang pakipaliwanag sa bobong to kung bakit mo ko niloko?" napapairap tuloy ako ng wala sa oras

-___-

"Hindi mo naman kailangang maging matalino para maintindihan mo ang pinapaasa sa umaasa. Dahil kung tititigan mo lang ang repleksyon mo sa salamin. Malalaman mo na kung ilang mukha ang pagitan natin"

And it stucked in my head. Yung nasabi niya

Ah! So pangit pala talaga ako sa paningin niya. Eh bat sumang-ayon pa siya kay Jerome! Tangna! Naguguluhan ako!

"Aah. Ganun ba" I was speechless at yan lang ang nasabi ko sakanya

Bago pa siya pumasok sa CR ng boys ay may sinabi pa siya

"Just accept it. Your unfortunate and a bad luck being"

Cindy, malas ka diba. Diba yun nga yung una mong sinabi sa sarili mo. The Malas Girl and you'll never compared to The Swerte Girl

...The End...

The Malas GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon