Kind Cindy

664 11 0
                                    

"Di ka ba nagsasawa?"

Kinakabahan talaga ako. Bakit ba kailangan niya pang tumitig sa mukha ko habang nagsasalita?

"H-ha?" nilalayo ko yung mukha ko

Hoo! Salamat naman at umayos na siya ng upo. Pareho na kami ngayong nakatingin sa sunset

"Sa school, sa pang-araw-araw at pati ngayon, sa resort na to. Di ka ba nagsasawa sa mga lait nila?"

Eh bat ikaw? Nilait mo din naman ako ah.

-___- Unfortunate and bad luck being daw eh, dagdag mo pang panget ako. Tch!

Gusto kong sabihin yan kaya lang baka maging awkward. Awkward na nga yung sitwasyon eh

"Hmm" niyakap ko yung tuhod ko "Maybe because, I want to help others?"

"What do you mean?" pagtataka niya. Niyakap din niya ang tuhod niya

Lumingon ako sa paligid kung saan maraming tao

"Kung tititigan mo lahat ng tao sa resort na to, lahat sila magaganda" I smiled kahit na di kita ni Tom "Kanina, nung nilalait nila ko, masaya ako. Alam mo kung bakit?"

Hinihintay lang niya kong sumagot

"Kase siguro kung wala ako, di aangat ang ganda nila. Cliche man pakinggan pero masarap siguro marinig kung sasabihin nilang 'Aah. Atleast kahit papano may mas panget pa pala saken. Maganda pa din ako' Yung ganun ba. Weird ko no? haha"

"Ang weird mo nga" nakita kong napangiti siya sa gilid ng mata ko

Tumayo na siya

"Hmm.. Gabi na pala" inilahad niya ang kamay niya "Tara na" ngumiti nanaman siya

*Blinks*

Kanina pa ko papikit-pikit. Kasalanan ng Tom na to. Sa text ko lang siya nakaka-usap tapos kung makapagsalita siya parang ang tagal naming nagka-usap in person? Siya ata yung sira kase ang weird niya

"Pikit ka ng pikit, baka mahanginan ka" kinuha niya ang kamay ko na nasa buhangin at hinila

Mabigat kaya ako,buti at nakaya niya ko

>_____<

Nang makatayo na ko

"Uhm..." kinakabahang saad niya habang hinahaplos ang kanyang batok

Totoo ba talaga tong nakikita ko?

Si Christian Tom Villasis Soriano? Kinakabahan? Ohnoes! Mytoes! This is not happenin'.

"Kase... Cindy?"

*Blinks*

Speechless ako!!!

"Can I say sorry? I know I've been absurd those days... But..." mas lumapit siya saken

*Gulp*

Ano bang pinaplano ng Tom na to? Kinakabahan na ko ah

"I..."

Ano ba talaga gusto niyang sabihin?

"..think..."

Nakakabitin naman to -____-

"..I like you"

O_____O Teka? Anudaaaaw?!!

Ilang hibla na ngayon ang pagitan namin.

Kelan pa siya umabante? Bakit hindi ko alam? At bakit kailangan ko pang malaman ang bawat kilos ni--

*Tsup!*

O\\\\\\\\\O

*Blinks for nth times!*

"H-hinalikan mo k-ko...sa l-labi?" nahawakan ko bigla ang labi ko

The Malas GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon