Am I a Sadist?

713 13 2
                                    

"Cindy! Ibili mo nga tong nakalista sa papel sa kabilang kanto"

Napilitan naman akong tumayo

"Opo.. 'ma"

Inaantok pa ko ( -__- )

Alas-singko pa lang ng umaga ano ba.

Kinuha ko na yung papel saka nagsimula nang maglakad papuntang kabilang kanto

"Yuck oh! Baboy! Haha"

"Oo nga, ambantot pa"

"Eew. Definitely"

Kagaya nga ng sinabi ko senyo sa Part 1, nakatira ako sa lugar kung saan AKO LANG ANG PANGET kaya nga di ko masisisi yang mga taong yan. Dahil kung wala ako, di aangat ang ganda nila -___-

Baliktarin niyo yung angat.. haha

Nakayuko lang akong nilagpasan sila

Medyo pinagpapawisan na din ako. Ngayon ko lang narealize, ang layo pala ng kabilang kanto >  3  < ''

Bago ko naabot ang kabilang kanto, may iilang taong tinititigan ako, syempre maaga pa kaya konti pa fans ko pero hindi dahil sa paghanga, dahil sa pandidiri at pagkaasar sa mukha at katawan ko.

Pagdating ko sa isang maliit na Grocery Store

May lalaking tulog

"Kuya, pabili nga po ng mga 'to"

Hindi siya sumagot

Isa pa...

"KUYA! PABILI PO!" sigaw ko

Sana gumising na to

*Snoring*

Nakakaasar naman. Wag niyang sabihing, mamaya pa ko babalik? Pagkatapos ng mahaba-haba kong nilakad tapos papauwiin niya lang ako? Pwes, bago pa mangyare yun. Gigisingin ko na siya

Nilibot ko ang mata ko

Aha! Yung payat na parihabang kahoy!

*smirk*

Pinulot ko iyon

"Ikaw ha, gusto mo talagang binubulabog ka pa... Pwes, eto para sayo!"

Pumikit ako at ihinampas ang kahoy sa aluminum na malapit sa tenga ni Ku--

"Ahh!"

Ano kaya yun? Bakit parang may nasaktan? Ewan. Baka imahinasyon ko lang.

Isa pa

Hiyaa!--

"Aw!"

Binukas ko na ang mata ko

"Hala!" naitapon ko kagad sa kung saan yung kahoy at agarang tumakbo sa lalaking nasugatan ko

Dumudugo yung sintido niya

Paano na yan...

Binatukan ko nga

"ARAY! Di ka pa ba nakuntento sa dalawang beses na hampas? Sadista ka ba?"

Napatitig ako sakanya

*Blinked*

*Drooling*

Nagtataka siguro siya kaya napatingin siya sakin

"Laway mo oh"

*Blushed*

Sasaluhin niya pa sana nang maisipan kong ako na. Hinigop ko ito. Yuck!

>\\\\\\\\\< Nakakahiyaaa!

"Haha.. Okay ka lang?"

Bakit may gana pa tong tumawa sa kabila nang nangyayare sakanya ngayon?

Bakit ba to nangyayare saken? Dahil ba naging sadista na ko ng wala sa oras o dahil Dejavu?

The Malas GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon