Present ...
Cindy's POV:
Pauwi na ko ngayon. Tae! Ramdam ko pa rin hanggang ngayon yung init ng mukha ko... pati na yung... pati na yung...
(>///////////////////<) Waaaaaaaah!!
Y-yung la-labi niya!!
KYAAAAAAAAAAH! BAKIT BA KO KINIKILIG NG GANITO HAAAAAAA?
Kilig aside, asan na ba ko?
Teka! Bakit di ko man lang namamalayan na ibang daan na to?! Hala, baka...
B-bakit wala kong maki...ta
---
"Ugh.." pangtutuktok ko sa ulo ko
ANG SAKIT!
Pagbukas ng mata ko. Lumingon-lingon ako sa paligid
Asan ba ko?
Puro puti naman nakikita ko sa paligid. Hindi naman mukhang ospital. Mukhang kwarto eh
"Miss? Gising ka na pala. Andito ka sa bahay ko" napatingin ako sa lalaking kakapasok lang ng pintuan
Kusang kumunot ang noo ko sa nakita ko
"Jerome?" siya yung kaibigan ni Tom
"Yup. The only one" sabay kindat nilapag niya sa mesa nung tray na hawak niya "Kumain ka muna oh" pag-aalok niya sa soup na kulay puti
Pero tinitigan ko lang siya at binigyan ng titig na 'Anong-ginagawa-ko-rito-?'
"Ah! Oo nga pala no hehe. Nakita kasi kita sa tapat ng bahay, ayun nakahandusay. Kaya ipinasok na lang kita rito tutal mukhang may sakit ka. Teka, ano pa lang sakit mo?"
Sakit? Sino? Ako? Wala naman ah..
"Anong sakit? Wala naman akong sakit eh. Akala mo lang yun" pangungumbinsi ko
"Alam mo kase. Nurse ang girlfriend ko, at minsan na niya kong tinuruan kung paano malalaman kung may sakit ba yung tao"
Hindi ako naniniwala...
"Ayaw mo pa ring maniwala? Halika, ipapakonsulta kita sa kilalang doktor sa bayan. Wag kang mag-alala, libre ko. Pambawi lang sa nagawa ko sayo noon"
Nagawa? May nagawa ba siya sakin noon?
"Mukhang wala naman ah, saka kung meron man, pinapatawad na kita" nakangiti kong sabi matapos ay tumayo
Eh wala naman talaga eh
Pagdating sa hospital
Marami silang ginawa saken. May x-ray, mayroon yung papasok ka sa isang malaking capsule na pahiga tapos marami pang examination. Inabot ata kami ng buong araw kung hindi ako nagkakamali
Pagkatapos nun. Hinatid ako ni Jerome sa tapat ng bahay namin. Balahura nga naman oh. Akalain mong sa kabilang kalye lang pala yung nadaanan ko? Tanga lang? HAHA
Malipas ang ilang araw...
Kung pumapasok pa ba ko sa Howard University para sa service? Hindi na. Sa bawat araw kase na lumilipas. Parang 'di ko na kayang pumunta pa roon. Hindi naman dahil sa kiss scene na naganap. Parang nanghihina lang talaga ako. Hay
Wala na nga rin akong balita kay Baste o kaya kay Andrei eh
Si mama naman at si daddy. Nag-aalala na masyado. Nagtataka na sila sa ikinikilos ko. Pero ang sabi ko lang naman lagnat lang kahit hindi naman hehe
Sa Second University naman. Alam nilang may service ako kaya excuse ako. Kaya lang syempre, hindi yung mga lessons na dapat ay inaaral ko
*Ringtone*
Sinagot ko yung tumatawag sa cellphone ko
"Hello? Sino 'to?" unknown number nakasulat sa caller I.D eh
"Si Jerome to. Wala ako sa 'pinas ngayon eh. Pero ipapabalita ko lang na may resulta na yung examinations mo. Punta ka na lang kay dok. Sige, mahal bayad dito eh. Ingat at goodluck!"
*toot toot toot*
Matapos kong malaman 'yon. Tumayo kagad ako at nagbihis. Wala sa bahay sila mama at daddy. Kaya makakatakas ako sa ngayon
Pagdating ko sa hospital
Nakita kagad ako nung dok na nag-examine saken
"Miss Aquino! Thank goodness your here. Halika sa office ko"
Sumama naman ako
Pagdating namin sa office ni Doc Edgar. Yun ang nakasulat sa I.D. nila eh hehe
"Ano po bang meron?" pagtataka ko dahil alam ko naman, na tungkol sa examintions ang paksa
"Tungkol 'to sa examinations mo, hija"
"Sabi ko na senyo eh. Wala kong sakit" pilit kong itinatago ang lungkot na nadarama ko ngayon. Tingin pa lang ni dok eh. Alam mo ng may mali
"I'm sorry to tell you this but... you have a brain tumor" bakas din sakanila ang lungkot
"Brain tumor? Dok, pano nangyare yun?"
Ang alam ko talaga. Malakas ako. Healthy ako, na wala akong ni isang sakit
"Wala ka bang naaalalang naaksidente ka o kaya nasugatan man lang?"
Huh? Pinagsasabi ni dok? Wala naman ah. Maayos ako simula pagkabata. Wala akong natatandaang nasugatan man lang ako
"Wala po. Wala naman po" paniniguro ko
"That's a sign na umaapekto na ang brain tumor sayo. Maraming bagay kang hindi maaalala. Katulad na lang ng tahi sa likod mo"
"Tahi? Meron ba kong tahi, dok?"
May pinakita siyang picture saken
"Tignan mo to oh. Ito ang tahi mula sa pagkakabaril sayo. While this, eto naman ang saksak sayo. Madali itong makita dulot na rin nung klase ng tahi"
Napakunot-noo ako
"Eh wala naman akong maalala eh"
Weird naman ni dok. Eh ni minsan nga hindi ako naaksidente eh
"Nag-diet ka ba?"
Nagdiet ba ko? Hindi naman ah
"Ha? Hindi po"
"Eh ang sabi rito sa documents mo. Kulang ka sa calories tapos anemic ka pa. Masyadong maraming nabawas sayo"
"Eh di naman po ako nag-diet eh" totoo naman ah
"Hija, hindi ako pwedeng magkamali. Sa edad mong yan, masyadong mabilis kung ang laki ng binawas mong calories"
Eh hindi nga--
"UGH! A-ARAAAAY!" tukoy ko sa ulo ko
ANG SAKIT! TAE NAMAN OH!
---
Pagmulat ng mata ko
Alam ko nasa hospital pa rin ako. May dextrose kasing nakalagay sa pulso ko
"Miss Aquino..."
"Dok? Pasensya na kung in-denial pa ko samantalang ramdam ko na, na may mali saken"
"It's okay. So, ano ng plano mo? Hija, ayokong madaliin ka pero kailangan mo ng malaman ng mas maaga. Bilang na lang ang mga araw mo. Kailangan mo ng magpaalam sa mga taong nagmamahal sayo. Maging na rin sa mga taong espesyal para saya bago pa mahuli ang lahat"
Pagkasabi nyan ni dok
Tae! Yung luha! Ayaw tumigil sa pagpatak. Eto oh. Daloy lang ng daloy..
BINABASA MO ANG
The Malas Girl
HumorGenre: Humor, Romance, Teen-Fiction and many more :) The Malas Girl Parts Completed: Part 1 - Certified Panget Completed: Part 2 - An Ugly Cindy turns into A Swan Cinderella?! Completed: Part 3 - The Magandang Bulas Girl Completed: Part 4 - A Fake G...