Ika-pito ng Hulyo...
Lumipas ang isang buwan nang nakakahaggard at masakit talaga sa ulo.
At ngayong araw gaganapin ang 'The Visit of Our Lady of Manaoag' sa school. So, walang daily ceremony kagaya ng line o exercises.
"Oh! Ano pang ginagawa niyo dito? Lumabas na kayo at mag-line!" sigaw ng class president
Napilitan naman kaming lumabas ng classroom. Makulimlim kasi kaya nakakatamad lumabas. Para bang anytime, uulan.
Lahat ng estudyante mula sa freshmen hanggang seniors ng highschool ay sinundo ang Our Lady of Manaoag Shrine para ihatid muna sa simbahan bago sa loob ng iskwelahan
Pero nagkaroon ng konting problema kaya nahinto kami mula sa paglalakad at nanatili munang nakatayo habang hinihintay maayos ang kung ano mang problemang 'yon
Kusa namang lumibot ang mata ko sa di malamang dahilan at kusa ring huminto ang mata ko sa isang sapatos
Sapatos na kulay red na may halong white. Parang sketchers eh pero astig, type ko nga eh--
Napadpad ang mata ko mula sa binti pataas sa muk...ha niyang 'Wow-it-is-so-mature' look
*Blush* *Blinked many times* Ang Pogiiiii niyaaa!
Hanggang sa di ko na napapansin tinutunaw ko na pala siya sa titig
Nagkatitigan kami ng ilang segundo
*Blushing* *Naging tuod*
Poker-face lang siyang tumitig at poker-faced lang din siyang umiwas sa pagtitig
"Uy Cindy, ayusin mo na yung line mo"
Saka naman ako natauhan at naalalang di pala ako nananaginip
What was that? Bakit ang weird naman nun? At bakit ang weird ng ikinilos ko?
Naalala ko bigla yung napanuod kong love story sa kung saan
"Kung naging weird ka sa unang pagkakataon at sobrang nagwagwapuhan ka sakanya na sa tingin mo ay attracted ka na. Crush na yan uy!"
Haa? Ang ibig bang sabihin nun may crush ako sakanya? Yung totoo? Crush na itu. Is it real? Dan dan dan?

BINABASA MO ANG
The Malas Girl
HumorGenre: Humor, Romance, Teen-Fiction and many more :) The Malas Girl Parts Completed: Part 1 - Certified Panget Completed: Part 2 - An Ugly Cindy turns into A Swan Cinderella?! Completed: Part 3 - The Magandang Bulas Girl Completed: Part 4 - A Fake G...