P.E. t-shirt

1.4K 23 1
                                    

Ako ay Panget. Di ako maihahambing man lang sa isang aso. Dahil buti pa ang aso cute, samantalang ako, trying hard pa na maging pacute.

First day of school nasa cashier ako kasama si mama. Wala pa kong P.E t-shirt kaya kinakailang bumili.

"Miss, small size nga na P.E t-shirt" si mama yan. Nagpasama ako kasi nga panget ako. Nahihiya nga akong tumapak man lang sa sahig dahil sa kapangitan ko, sa mga tao pa kaya na biniyayaan ng naggagandahang mukha?

"Ma, hindi kasya sakin yan, anu ba." bulong ko kay mama

Marami kasing tao sa cahier kaya hiyang-hiya talaga mukha ko

Ewan ko nga kung mag-ina ba talaga kami ni mama o magkabarkada :D

"Kasya to. Eto, subukan mo"

Sinuot ko naman ito. Kahit na doble na suot ko.

Masi..kip

"Hindi kasya no? Teka.."

"Ma-"

Pipigilan ko na sana si mama kaya lang may mga mata ng nakatingin samin. Nahihiya na talaga ang mukha ko T____T

"Miss, ano ba naman 'tong binigay mo. May extra extra extra small ka ba jan? Di kasi kasya sa anak ko eh" sigaw ni mama

Lupa? Higupin mo na ko oh. No, pabukas na lang para ako na tatalon T____T Waaah. Asan na ba mukha ko? Teka, may mukha ba ko? Basura kaya ang meron ako -______-

"Sorry Ma'am. Yan lang po talaga ang meron eh" saglit napatitig sakin yung kahera. Shit. Yung titig nila? Panlalait ang nakabalot eh

Hinihila ko na si mama

"Ma, tama na yan. Lahat na ng mata nakatuon satin oh. Di ka ba nahihiya?"

"Oo na, eto na nga oh"

Grabe. First day na first day. Tumatak ang basurang mukha ko sa mga isip nila. May mas mamalas pa ba dun?

The Malas GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon