Poging Nakakapagpalaway

710 13 0
                                    

Mabatukan nga uli

*Batok!*

"Aray! Sadista ngang talaga. Aish!"

Ugh! Nakakaasar kasi tong lalaking to. Nasugatan, nabatukan na't lahat nagawa pang tumawa at ako pa talaga tinanong kung okay ako?

"Ako pa tinatanong mo?! Sira ka ba? Hindi mo ba nakikita sarili mo? Gusto mo ng salamin?"

Buong buhay ko. Ngayon lang ako naghysterical ng ganito, sa totoo lang at siya may kasalanan nito

Hinawakan ko ang pulso niya at hinila

"San mo naman ako dadalhin?" tanong niya

"Dadalhin kita sa ospital"

May alam akong nag-iisang ospital dito eh

Dahil pag itong poging nakakapagpalaway saken ay natigok ng wala sa oras, ako ang pinaka-nakakaalam. Ayoko pang makulong sa edad na katorse -____-

"Ha? Ayoko!" hinihila niya ang kamay niya mula saken

*Batok!*

"Wag ka ng makulit pogi!" utos ko sakanya

"Oo na..." sumunod naman siya habang hinahaplos ang batok ko sakanya

Pagdating sa Ospital

Lahat ng tao nakatingin samin pero dahil sanay na ko (sa ibang paraan) , di ko na lang pinansin at dumerecho na lang ng counter

"Hala! Miss, anong ginawa mo sakanya?" mukhang may gusto tong nurse kay pogi. Well, sino bang hindi?

Hala! Mukha ba kong mamamatay tao?

Pero ikaw may kasalanan kung bakit nangyare yan sakanya

Oo na! Taena namang konsesya oh.

"May nangyare lang, pwede bang bigyan niyo na siya ng kwarto at nang magamot na ang mokong na to?" walang galang kong tukoy kay pogi

Tinitigan ako ng masama ni pogi

"Hoy! Mas matanda ako sayo ah!"

O____o Ha? Pano naman niya nalamang mas matanda siya sakin?

Hay. Ewan. Halata naman siguro kasi nga mas matangkad siya saken at mas mature ang pagmumukha

Wow-oh-so-mature look

Ugh! Naalala ko nanaman yung walangyang paasang yun -____-

Kalimutan mo na siya Cindy :/

"Oo nga, pero mas may isip ako keysa sayo!" pang-aasar ko kay pogi

"Aba't! Pagkatapos mo kong hampasin at batukan ng maka-ilang uli--" tinakpan ko bibig niya. Buti at abot ko. Andaldal lang grabe. Ke lalakeng tao tsk tsk

"Tumigil nga kayo! Miss, ano ba talaga ginawa mo sakanya? Kung hindi mo sasabihin kung ano ba talaga nangyare, hindi siya magagamot ng maayos" medyo iritado yung nurse na nakatoka sa counter

"Nahampas ko--"

"May humampas sakin at kanina, di niya sinasadyang mabatukan ako"

Kusang napaangat ang ulo ko at napatitig kay pogi

Sinasarhan niya ba ko sa kasalanan ko o totoo yung sinabi niya? Pero... bakeeet? O____O

The Malas GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon