Invited?

661 12 0
                                    

"Hi Dy" he winked

"H-hello"

Bakit ba bigla na lang akong binigyan ni Tom ng nickname?

Di kaya... Gusto niya ko?!! O__O

Ay tanga Cindy! Nasabi na niya sayo yun!

Pero baket? Di ako maganda o ano.

Hays. Ewan. Ka-haggard mag-isip. Bahala na

May biglang pumitik sa harap ko

"Oh. Cindy. Tulala ka nanaman"

Ahh? Haa?

"Aahm. Sorry?"

"Okay lang yun. Tara, pasyal tayo" ngumiti siya at ninakaw nanaman ang kamay ko

Hilig kasi manguha ng kamay ng iba tapos hindi pa nagpapaalam -___-

Pero kilig ka naman, daw.

Sino bang hinde? hihihihihi

"Saan ba tayo pupunta Tom?" pagtataka ko

"Basta..." walang gana niyang sagot

May sakit ba siyang mood swings? Di ko magets kung gusto niya ba tong ginagawa niya o hindi. Ay ewan!

Pinagtataka ko na nga lang. Simula ng mahalikan at mahawakan niya ang kamay ko. Inaabangan ko parate yung 'DugTugDugTug'. Pero wala, as in wala talaga

*Ringtone*

Saan kaya nanggagaling yun?

*Ringtone*

Aah. Kaya pala eh

"Uhm, Tom? May tumatawag sa cellphone mo" turo ko sa bulsa niya

"Ganun ba" binitawan niya ang kamay ko saka sinagot yung tawag

Lumayo siya saken kaya di ko na siya marinig

"Eto ba yung sinasabi mong may jowang pogi? Kadiri naman siya. Pano kaya natitiis nung guy halikan to?"

*Sad smirked*

Sabi na nga ba eh

'Pag wala si Tom sa tabi ko. Yung mga bagay na dapat bulong naaabot ng tenga ko (-___ - ")

Umupo na lang ako sa bench habang hinihintay si Tom

[After an hour]

Antagal naman niya (-  3  -)

Dumikit na yung pwet ko sa upuan tapos wala pa rin siy--

"CINDY!"

"CINDY!"

Hinanap kagad ng mata ko yung tumatawag

Si Jerome?

Ano naman ginagawa niya dito?

Paglapit niya. Pagod na pagod siyang umupo sa tabi ko

"Kilala mo na ko diba?" hingal na hingal na sabi niya

Sino bang hindi? Bestfriend kaya siya ni Tom. At stalker ako ni Tom -__-

"Oo naman, Jerome" slight akong napangiti

"Good. Oh!" may inaabot siyang malaking box saken

Binigyan ko siya ng Ano-yan-look

"Ah eto. May party kasing gaganapin. So, gusto ka naming imbitahan. Ang concept ng party ay tungkol sa mga sikat na cartoon heroine sa hollywood. At etong ibibigay ko palang sayo" inabot niya sakin yung box at kinuha ko naman "Costume yan. Kaya kailangan mong pumunta. Tandaan mo Cindy, ikaw ang pinaka-inaabangan ni Tom sa party" he smiled at agarang tumakbo paalis

Ano kayang costume to?

Haaay. Dibale, hindi naman siguro ako mapapansin kasi lahat pupuntang naka-costume

Pero... Makikita pa din yung mukha ko

Ikaw ang pinaka-inaabangan ni Tom sa party

Ikaw ang pinaka-inaabangan ni Tom sa party

Ikaw ang pinaka-inaabangan ni Tom sa party

Okay! Kailangan kong gawin to kay Tom. Matapos niya kong ipagtanggol sa mga bruhang yun. Kinakailangan ako din! Kailangang patunayan ko na kaya kong gampanan ang maliit na bagay na gusto niya

       \(^_____^)/

"Parang sira oh. May shooting ba?"

"Wala naman ah. Baka timang na panget lang"

Haaay. Dapag siguro bawas-bawasan ko ang pagiging center of attraction ko

       (-_____-   ")

The Malas GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon