"CINDY?! ISTHATYOU?!"
"OH-MY-GEE!"
"You look..."
2 months before the first day of Junior Year
"Ma! Ano to?!" takbo kagad ako kay mama at ipinakita ang hawak kong bote
Nasa kusina sila, naghihiwa ng gulay
"Yan ba. Ewan ko, ang sabi kasi pag ininom yan, gaganda ang kahit na ano" nagkibit-balikat sila
"San niyo to binili?" medyo iritado kong tanong
Buti na lang at di ko pa to iniinom baka mamaya kung saan pa galing ang boteng to eh
"Sa Quiapo, ibibili pa nga sana kita ng bato para mas mabisa yang imahinasyon mo kaya lang mahal eh, can't afford"
Yung dugo... Umaakyat pataas sa mukha ko >\\\\\\\\<"
"Ma! Sinasabi niyo bang imahinasyon ko lang na papayat ako?! Saka bakit andali niyong maniwala sa mga pinagsasabi ng ibang tao samantalang ako wala kayong tiwala? It's unfair you know!" nagsisisigaw na ko sa harap ni mama pero parang nakaheadset lang sila -_____-
"Alam mo kase anak, mas kapani-paniwala ang mga taga-Quiapo kase may instructions pero ikaw..." tinignan ako saglit ni mama "..paano ka papayat kung hawak-hawak mo yang isang galon ng ice cream?" umiiling-iling si mama
O_____O Hoh? Bakit may hawak akong isang galon ng ice cream?
"Hala, di ko to alam. Saka di ko naman kinaka-"
"Hija, may patak ng ice cream sa bibig mo"
Nang hawakan ko ang bibig ko, may ice cream nga O____Oa
Bakit wala man lang akong malay sa ginagawa ko? Bakit ko ba hawak tong ice cream na to? Saka paano ako gaganti sa ginawa ng Tom na yun kung di ko man lang mapigilan sarili ko?
Wala na talaga akong pag-asa -____-
---
"Cindy! Bumili ka nga sa tindahan ng toyo at suka!" utos ni mama
Nanonood lang ako ng Korean Novella
"Ma, ikaw na! Busy ako!" nakakatamad eh, tatayo at maglalakad ka pa papuntang tindahan -____- Nakakapagod kaya yun
*Tunog ng tumatakbong tao*
"Cindy! Gusto mong pumayat diba?" nang tignan ko si mama
Oh, ano nanaman nagawa ko at nanlilisik mga mata nila?
"Oo naman, ano bang klaseng tanong yan ma?"
Lumapit pa si mama sakin saka pinukpok sa ulo ko yung sandok na hawak nila
"AW! Ano ba ginagawa ko senyo ma!!!" sigaw ko
"Buong araw ka ng nakahilata jan tapos inuubos mo pa yang canton na ihahanda nextweek! Pano ka papayat aber?" nakapameywang na si mama
Hala! Bakit may hawak nanaman ako?
"Tumayo ka jan Cindy Mendoza Aquino!"
Tumayo naman kagad ako. Delikado si mama, baka mamaya hindi na sandok ihampas sakin eh >____<
"Simula sa araw na to. Pag may ipapabili ako sayo, bibili ka. At bilang parusa, hindi ka bibili sa harap ng bahay. Sa kabilang kanto, naiintindihan mo ba ko?!" ang sakit sa tenga manigaw ni mama T____T
"Opo" labas sa ilong at halatang pilit na pilit na saad ko
"ANO?!"
Automatic, umayos ako ng tayo.
"Opo Ma!"
Naknang. Mukhang mababawasan ang taba ko ah -____-
Habang maaga pa. Paalam na, mga iilang bilbil na mawawala T_____T Mamimiss ko kayo
Sabay yakap ko sa tiyan ko

BINABASA MO ANG
The Malas Girl
HumorGenre: Humor, Romance, Teen-Fiction and many more :) The Malas Girl Parts Completed: Part 1 - Certified Panget Completed: Part 2 - An Ugly Cindy turns into A Swan Cinderella?! Completed: Part 3 - The Magandang Bulas Girl Completed: Part 4 - A Fake G...