MTW's POV:*Flashback*
"Ohmygosh! Andrei! You alright?" paghyhysterical ng mommy niya pagkakitang-pagkakita sakanya
Nasa hospital ngayon si Andrei. Ngunit di niya mawari kung bakit.
Niyakap kagad ng mahigpit ni Mrs. Gladys Nicolas(ina ni Andrei) si Andrei
"My poor baby. Are you hurt? Did they hurt you?"
Doon naman nahimasmasan si Andrei. Naalala niya ang batang babae. ANG BATANG BABAENG SINALO ANG BALA NA DAPAT SAKANYA!
"I...I n-need t..to s-see her, m-mom" nahihirapang pananalita niya. Dulot na rin ng trauma
"Who, baby?"
"T-that g-girl w-who sa..ved m-me.." pinipilit niyang umupo pero tila pati pangangatawan niya ay namanhid na
"Ssh. Shh. We can find her later"
LATER? SERYOSO? KAILANGAN KO SIYANG MAKA-USAP AT DAPAT NGAYON NA! sa isip niya
Kaya nagkanda-gulo-gulo ang mga nurse pati na ang kanyang mommy dahil pilit niyang itinatayo ang kanyang sarili kahit di naman niya talaga kaya
Dumating na ang nurse na may dalang pampatulog (injection) at itinurok sa dextrose ni Andrei
"N-no....."
Samantala...
"Cindy! Cindy! *sobs* K-kasalanan ko to. Kasalanan ko" pag-iiyak ni Mrs. Sophie Aquino sa batang nasa kama at mayroong tubo sa bunganga upang makatulong sa paghinga nito
"Sophie, hindi mo kasalanan ang nangyare sa anak naten. It's all just an accident" paghihimas ni Mr. Joel Aquino sa likod ng kanyang maybahay
Suminghot muna si Mrs. Sophie saka uli nagsalita
"Just an accident!? Joel! We should've not kidnapped this little thing! She's in coma for pete's sake *sobs* I can't live without her *sobs*"
"Shut up Sophie! She'll hear you!" sigaw ni Mr. Joel. Dahil aminin man niya o hinde ay napamahal na siya sa batang si Cindy
"Wala akong pakielam. Ibalik.. *sobs* na natin siya sa kanila"
Nagitla si Joel sa narinig mula sa kanyang asawa
"S-sophie? I-ikaw ba yan? Hindi mo na ba naaalala na ikaw ang may pakana sa pagnanakaw natin sa batang iyan" turo ni Joel sa tulog na tulog na si Cindy
"I know. I know.."
*Year 1998* (A/N: Two years old si Cindy sa taong ito. Nasa USA siya)
"Aww. Such a cute baby" pagsisilip ni Mrs. Sophie sa batang si Geil na natutulog sa kanyang bisig
"Naku, mare. Dapat parate kang bumibisita rito kung ganyan ka kahumaling sa anak kong si Geil" tuwang-tuwang saad naman ni Mrs. Jill Howard sa kanyang bestfriend na si Sophie
'Oo nga e. Sana nga anak ko na lang siya' sa isip ni Sophie
Pagka-uwi ni Sophie mula sa mansyon ng kanyang bestfriend sinalubong kagad niya ng yakap at hagulgol ang kanyang asawang busy sa pagtingin ng mga dokumento ng kanilang maliit na kumpanya
"Anong problema, mahal?"
"*sobs* I want that kid, Joel. She's so adorable and cute and charming. All in all. I want her as my daughter" may utos sa pananalita nito
Ang kwento kase. Hindi sila magka-anak dahil baog si Joel. Pati na nalalabi na rin ang taon ng kanyang magbahay dahil may heart disease ito
At dahil mahal na mahal ni Joel ang kanyang pangarap ay hindi na siya nag-atubili pang sagutin ito
"Okay. Do you have any plan?"
Nagliwanag ang kanyang mukha at isinaad ang kanyang buong plano
Dahil bestfriend nga ni Sophie ang donya ng mansyon ay madali nilang nanakaw ang bata. Kunware ay magpapaalam na ang mag-asawa para mang-ibang bayan dahil kailangan nila ito para sa kumpanya. Pero ang totoo'y isinabay na rin ni Joel ay pagkuha sa natutulog na si Geil at inilagay sa kanyang bagahe.
Hindi ito napapansin ni Jill dahil pina-inom siya ni Sophie ng pampatulog. Maging ang asawa nito na si Gerbert ay tulog na tulog din. Wala namang kamalay-malay ang mga katulong dahil busyng-busy sila sa nalalapit na pasko.
Ngunit sa iilang hakbang na lang bago sila makalabas ng malaking pintuan ay ang pagpasok din ng mga lalaking naglalakihan at lubhang nakakatakot
"Asan ang tagapagmana?!" tukoy ng pinaka-gurang este lider ng grupo kay Geil
Walang nagsasalita ngunit dahil na rin sa ingay ng mga nagpapangitan na ito ay umiyak ang bata na nasa bagahe.
Pilit na itinatago ng mag-asawa ang bata ngunit sila'y nabigo. Kinuha ng mga nagpapangitan ang mag-asawa pati na ang kawawang walang malay na bata
Pagdating sa hide out ng mga pangit
"Magaling! Magaling! *claps* Hindi nahirapan ang aking mga alagad sa inyong ginawa. Anong gantimpala ang nais niyo?" saad ng mastermind sa mag-asawang Aquino
"Wala kaming nais. Palabasin mo na kami rito. At pauwiin kasama ang bata" Joel
"Please! Nagmamakaawa ako! Pakawalan niyo na kami! Kailangan na ko ng magiging anak ko *sobs*" hindi na napigilan ni Sophie ang pag-iyak. Muntik na. Muntik ng siya'y lubusang maging masaya
"Nah-uh. Not that easy. You have to do me first a favor before obtaining your bigger favor" the mastermind evil smirked
Isang buwan. Isang buwang naging alipin ng mastermind ang mag-asawa. Ngunit di pa rin sumuko ang mag-asawa
Matalino ngang talaga sila dahil na-saulo nila ang buong paligid ng hide out at siya ring naging dahilang upang makagawa sila ng paraan upang makatakas.
At nagawa nga nila. Sa oras na lahat ay tulog ay nagawa nilang makatakas kasama ang bata.
Umuwi na ng Pilipinas ang mag-asawa. Pinalitan nila ang pangalan ng kanilang magiging anak ng 'Cindy Aquino'. At upang sila ay makatakas sa mastermind pati na rin kanila Mrs. Jill at Mr. Gerbert ay pinalitan nila ang lahat ng kanilang background. Nagmukha silang anak ng magsasaka ngunit dahil may pamana silang natanggap ay nagkaroon ng 'kaya'.

BINABASA MO ANG
The Malas Girl
HumorGenre: Humor, Romance, Teen-Fiction and many more :) The Malas Girl Parts Completed: Part 1 - Certified Panget Completed: Part 2 - An Ugly Cindy turns into A Swan Cinderella?! Completed: Part 3 - The Magandang Bulas Girl Completed: Part 4 - A Fake G...