Sapatos na Gutom

1.1K 22 0
                                    

Second day. Lunch Time

"Tara Cindy! Lunch tayo sa park!" aya ni Ken

Kahit din naman papaano may naging masasabi ring acquaintance ako

"Sige ba" kinuha ko yung bagpack ko sa arm chair at sumunod na sakanila

Mga lima kaming magkakasabay sa lunch

Si Ken na bading, si Sara, Andrea, at Jelly ay magkakaibigang matalik. Kumbaga, in-extra lang ako

*Munch Munch Munch Munch*

Pagkatapos namin maglunch. Ako ang pinaka-nabusog siyempre. Sa laki ba naman ng lunch box ko eh. Kahit kaming lima pa ang kumain ng baon ko

Nagpahinga muna kami saglit bago naisipang maglaro bago mag-time

Aakma na sanang mag-iislide si Ken ng mapatingin siya sakin

"Cindy, ikaw. Kaya mo bang magpadulas sa slide na to?"

Ang klase ng tunog ng pagnanalita ni Ken hindi tama eh. Parang ang dapat na tanungin niya ay 'Cindy, ikaw. Kasya ka ba sa slide na to?'

Kaya siyempre, dahil si pride, umeksena. Di din ako magpapatalo. Kailangang patunayan ko na mas malaki ang padulasan ng slide keysa sa pwet ko

Nang makaakyat na ko

Aatras na sana ako at wawalisin na lang ang basurang pride ko, kaya lang itinulak ako ni Ken na dahilan naman para madulas ako ng malakas at parang dahasan pa

"Aaaah!"

Parang sinusunog pwet ko sa bilis ng pagbaba ko

Ayan na! Kailangan masakto ko ang pagbaba ko----

"Aaaw"

Napasubsob ang mukha ko sa lupa. Mukha ring may nangyaring certified panget sa paa ko

Umupo ako at pinunasan ng panyo ang mukha ko

"Ugh. Ang sakit naman oh"

Sila Ken and friends? Wala. Nakatitig lang, pigil na pigil ang pagtawa

Nang aakma na kong tatayo, napaupo uli ako

Sabi na nga ba eh

Tinignan ko ang paa ko

Shit! Mukhang may pilay ata ako

---

Dismissal...

Sa wakas! Uwian na!

Medyo okay na din yung paa ko, nabigla lang siguro dahil sa impact ng pagkakahulog ko kanina mula sa slide

Lumabas na ko para maglakad palabas ng school at gate ng may narinig akong bulungan na halata namang sigaw

"Yuck! Private school tapos ang suot na sapatos cheap? Pano kaya siya nakapasok? And look oh, kahit na nakatalikod, halatang-halata na napakapanget"

Ang ganda mo ah. Nahiya naman ang langit at lupa pati na impyerno sa kagandahan mong ikaw lang ang nakakaalam -______-

God knows na gustong gusto ko ipamukha at sabihin yan sa mukha niya pero hinayaan ko na lang. Ang bilin kasi ni mama hayaan ko na lang daw na si God ang magparusa sa mga tulad niya

So, God? Bahala ka na sa bruhang nasa likod ko ha? Salamat...

"Girl, yung sapatos mo oh. Gutom"

Sana naman kung ipapaalam niya sakin wag ng pasigaw. Naknang naman oh -__-

"HAHAHAHAHAHAHAHA!"

"Pakainin mo na yan!"

"Gutom na daw uy!"

"Niye. Niye. Niye. I'm hungry Miss Panget. Feed me. Feed me. HAHAHAHA" pagpoportray ng isa kong lalaking kaklase na kunware siya yung sapatos ko. Naku sana nga ng maamoy mo ang walang wagas na kahirapan :/

Hanggang sa pag-uwi ka paika-ika ako. Mas gugustuhin ko pa atang mapilay keysa sa magpanggap na pilay dahil itinatago ang sira at gutom na sapatos -_____-

The Malas GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon