Nahanap nga ba ni Andrei si Cindy? Isang malaking HINDE! Kung bakit nga ba hinde, sa kabila ng karangyaan nila? Dahil may SAGABAL! Opo! Tugma ang nasa isip niyo at nasa utak ko. Ang ina nga ni Andrei ang sagabal. Si Gladys Nikolas.
Matagal na niyang alam kung sino at ano ang nangyayare sa babaeng nagligtas sa anak niya. Marunong din naman itong magtanaw ng utang na loob dahil inaalay niya ang isa sa naglalakihang kumpanya para sa mag-asawang Aquino
Kung tinanggap ba ng mag-asawa ang alok nito? HINDE ulet! Ayaw nilang mahanap sila ng mga Howard's kaya tinanggihan nila ang malaking alok nito na siguradong makakapagpabago ng buhay nila
[ Commercial ]
Sino nga bang pinaka-mayaman? Ang Howard ba? Ang Nikolas? o Ang Aquino?
Gagawa tayo ng bullet :
Pinaka-MAYAMAN:
● Howard (SIYEMPRE!) - nagmamay-ari sila ng 109 buildings na may 40th floor. May 83 villages. May 200 kumpanya na parating nasa takilya. May income na P90B a month AT! May 5M Born Again Christian Church sa iba't ibang panig ng mundo... etc Aba! Diyos na ang nagpapayaman sa kabutihang ginagawa nila ;) BLESSING YOWN!
● Nikolas (Oo ah!) - sikat ang pamilyang ito. At baket? Ikaw ba naman magkaroon ng mga anak na NAPAKAGWAPO? Tapos kahit na 'di artista eh parating na-fe-feature. Eh yayaman at yayaman ang mga ito kahit walang ginagawa. Kusa ba naman kaseng lumalapit ang grasya. Lalo na't si Andrei ang best lucky charm ;) Pero sa totoo lang, mayaman talaga ang mga angkan ng Nikolas. Magmula kase sa mga ninuno nila ay nagpatuloy hanggang ngayon ang kanilang karangyaan
● Aquino (Hmm) - ang totoo niyan kase. Hindi naman ganun kayaman ang mga Aquino. Kumbaga, nadaan lang sa sikap at tiyaga kaya minsan silang naging marangya.
[ End of commercial ]
Malipas ang anim na taon nahanap ni Andrei si Cindy. Katorse(14) si Cindy sa edad na ito at siya nama'y dise-sais(16)
Naglalakad-lakad siya noon upang masanay sa bagong lugar na titirhan niya pansamantala. Nahagilap niya ang isang babaeng... uh, pano ba to?
Hm. Babaeng mataba, maitim at kulot ang buhok pero kapansin-pansing maganda ito
Napakunot ang noo ni Andrei
Nakita ko na ba siya?
At sa iilang segundo ay biglang nagbalik ang pangyayare anim na taon na ang nakakalipas
Ang batang babae!
Nilapitan niya ito. Akala niya eh manggugulo ito dahil na rin sa hawak nitong kahoy kaya sinalo niya ang hampas nito
Magmula sa araw na iyon. Ni minsan ay 'di na nawala sa isip niya ang babae. Ang totoo niyan, ni minsan, ni kahit anong oras. Simula ng siya'y iligtas nito ay di na nawaglit sa panaginip niya ang babae
"Sa wakas! Nahanap rin kita!"
Kung obssession ba ang tawag sa pagiging stalker ni Andrei kay Cindy? Siguro nga,obssessed na siya sa babaeng ito. Nagpakuha pa nga siya ng secret detective para lang malaman lahat ng tungkol kay Cindy. At siyempre, dahil nga secret. Itinago niya ito pati na sa mom niya
Malipas ang isang buwang pag-iimbestiga. Nalaman niya ang lahat ng tungkol kay Cindy. Magmula sa pagkabata niya, kung sino ba talaga siya at kung ano ba ang nangyare kung bakit napunta siya sa iba
At simula nga ng malaman ni Andrei ang lahat, nagsimula na rin siyang tawagin ang babae sa tunay nitong ngalan na "Geil"
Sa labis at di maintindihang pag-aalala. Hinanap niya si Geil na kasalukuyang nasa summer vacation. Gusto niyang manuntok sa eksenang nasaksihan niya
"Hindi ka dapat ginaganito. Sht! Isa kang Howard! Tagapag-mana! Ugh!"
Sinundan lang niya si Geil hanggang sa 'di inaasahang kaganapan. Doon na nga. Doon na nga mas umusbong ang pag-ibig na akala niya'y utang na loob lamang
---
A/N: Haaaaayiieee! :)
Nightmare?? up to next ;)
Swipe mo na daliii! (^/\^) *claps*

BINABASA MO ANG
The Malas Girl
HumorGenre: Humor, Romance, Teen-Fiction and many more :) The Malas Girl Parts Completed: Part 1 - Certified Panget Completed: Part 2 - An Ugly Cindy turns into A Swan Cinderella?! Completed: Part 3 - The Magandang Bulas Girl Completed: Part 4 - A Fake G...