Reasons (II)

350 2 0
                                    

*Year 2004* (A/N: 8 years old si Cindy rito. Magbabalik na tayo sa eksena ng mag-asawang 'Aquino')

"Pero baket, Sophie? Baket sinasabi mo yan ngayon? Hindi mo na ba papanindigan lahat ng ito?" nanlulumo na si Joel at napa-upo na lang sa sofa habang pinipigilang 'wag maiyak

Tumayo naman si Sophie at nilapitan ang kanyang asawa. Hinawakan niya ang pisngi nito

Hindi naman talaga kagustuhan ni Sophie na ibalik ang 'anak' nila ngunit masyado na, masyado ng maraming naranasan ang kanyang anak sa bisig nila. Isa siyang prinsesa. Matagal na sana siyang naging prinsesa kung hindi lang dahil sa kanila. Naaawa siya sa sinasapit ng kanyang anak

Niyakap niya ang kanyang asawa

"Oo, mahal. Papanindigan natin 'to" Sophie

Itinapon na ni Sophie ang agam-agam na ibalik si Cindy. Dahil ayon sa kanya. Simula sa araw na 'to, hinding-hindi na niya hahayaang may mangyare pang 'di kanais-nais sa kanyang anak

---

(A/N: Hii. Balik naman tayo sa Before the Accident. Kay Cindy tayo :) )

"Ma! Ice cream oh! Bibili ako ah. Wait nyo ko rito" masiglang saad ni Cindy

Patakbo niyang hinabol si manong sorbetero

"Oy! Manong marumi! Ice cream! Bibili ako!"

Haha. Ewan ko ba kay Cindy. Nakasanayan ng tawaging 'Manong marumi' ang sorbetero. Nabasa niya siguro sa cart nito ang 'Dirty Ice cream' :D

*Bells*

Huminto naman si manong sorbetero at inabutan ng ice cream si Cindy matapos nitong magbayad

"Hmm" maliit na bagay lang ang ice cream. Ngunit parang may kakaibang lasa ito na nagpapasaya sakanya

Pabalik pa lang siya sa pizza stall kung saan bumibili ang mama niya ng mahagilap niya ang isang batang tumatakbo

Nagtataka siya kung bakit sila naghahabulan. At bakit anlalaki ng mga kalaro niya

*BANG!*

*BANG!*

*BANG!*

Nagulat siya at nahulog ang ice cream na hawak niya

Napakunot-noo siya sa kanyang naiisip

'Diba ganito yung eksena ng parating pinapanood ni daddy?'

Napangiti siya

"Ililigtas ko siyaa! hihi"

Tumakbo siya hanggang sa mahabol niya nga ang batang lalake

Kakausapin pa lang niya ito ng mahagilap niya ang baril na nakatutok sa ulo ng batang lalaki

*BANG!*

Hindi niya alam kung tama ba ang gagawin niya pero ginusto niya at gusto niyang matulad sa mga action stars na sinasalo ang bala upang mailigtas ang iba

Pagkakita niya sa lalaking niligtas niya. Napangiti siya sa kanyang isip

'Galing mo talaga, Cindy' sa isip niya

"Ok--ay ka...lang?" pag-gagaya niya sa parating sinasabi sa mga action stars na nanliligtas

And it all went black...

Nagsilapitan ang mga tao dulot na rin siguro ng maka-ilang ulit na pagputok ng baril

Lumayas na ang mga mamaril-tao sa takot na baka mahuli

(A/N: After the accident. Nasa hospital tayo ngayon, guys ;) Kay Andrei naman tayo. 10 years old siya rito)

"Ugh!" biglang sumakit ang ulo ni Andrei na dahilan naman para siya ay magising

"Baby!" lumapit si Mrs. Gladys

"M-mom?"

"Yes, baby.." paghawak ng kanyang ina sa kanyang mga kamay

"Please don't call me that. I'm not a baby anymore. And besides, si Angelo ang baby" busangot nitong saad

Pero imbes na magtampo si Gladys ay natuwa pa siya

"Nakakapagsalita na ng maayos ang baby ko" 'di mapigilan ang saya ni Gladys at niyakap ng tuluyan ang kanyang anak

Aba! Pano namang hinde? Kayo kaya turukan ng pampatulog. Tapos ang bobo lang nung nurse para magturok ng 5 days minimum ang epekto? Ay! Tsk tsk!

Pumasok na naman sa alaala niya ang batang babae

"Yung babae, mom" nasasaktan siya sa tuwing naaalala niya ang babaeng iyon

"Sino ba 'yon, baby?"

At ikinuwento nga ni Andrei ang naganap. Magmula nung siya ay makidnap hanggang sa iligtas siya ng babaeng iyon

"Okay. We'll find her"

Naintindihan naman ni Gladys ang sinabi ng anak niya pero wala itong balak na hanapin ang babaeng iyon. Ang rason? Ayaw niya sa mga taong magpapa-alala kung gaano siya naging miserable ng minsang mawala sa paningin niya ang kanyang Andrei

(A/N: Bumalik kayo saken! Bwahaha! dejoke xD)

"She can be dischared. You can take her home by this day"

Masayang-masaya ang mag-asawa sa ibinalita ng doktor. Dahil maging sila ay 'di nila inakala na sa pangatlong araw na coma ng kanilang anak ay magigising na ito

"Tito! Tita! Si Cinz po?" si Baste

"Oh? Baste! Kailan ka ba bumalik galing palawan?" bakas sa mukha ni Sophie ang ligaya

"Kanina lang po. Hindi po kasi kagad kami nakabiyahe dulot nung bagyo. Sorry,tita" nakayukong saad ni Baste

"Naku! Okay lang yun, nu ka ba!" sabay yakap ni Sophie kay Baste

"Pumunta ka na sa loob, Baste. Hinahanap ka na ni Cindy" Joel

"Yey! Opo! Opo!"

----

Author's Note: Hallow Marsh! hihi

I have some clarifications illustrations descriptions at lahat ng 'tions' na dapat malinawan xD

Do you still remember the words Goon & Goons??

Oh. Let me clarify those words :)

Goons → ito yung mga naglalakihang mga unggoy. Ulit ha, unggoy po ang meaning ng goons. Intindi na? ^^

Goon → naalala niyo pa ba yung tawagang "Big Goon=Little Goon"? Kung oo, Goon means Young Master pag asa bansa ka ng Korea. Kaya sana naman, never niyong iisipin na sila Andrei at Angelo ay Goons dahil HINDI PO! HINDI PO TALAGA! NEVAH!

Salaamuuuch at nagets mo na (^___^)

Ge, swipe mo na. Reasons (III) na oh ;)

The Malas GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon