Chapter 13

3.7K 50 7
                                    

Present time:

"What?!!! Bakit 'di mo naikwento ito before? Nakapagtanan ka na pala ng babae?!" Nhila then continued, asking, "So, it seems like you found the girl of your dreams before. Ano nga ba yung song na 'yun na kinakanta mo lagi? It girl? So, what happened?"

"Teka, teka, Ate, isa isang tanong lang...I'm not yet done with our story...it wasn't a fairy tale even though it felt like I was living in one."

Habang nag-uusap ang dalawa, bigla na lang bumukas ang pinto at may sumilip. Napalingon si Gerald. Si Sarah, bulong niya sa sarili. Nanumbalik ang pait at lungkot na naramdaman niya when they parted years ago. Hindi niya napigilang humirit....

"Wow, Sarah! Thank you for gracing us with your presence!" Gerald said in a sarcastic tone.

Pumasok unti unti si Sarah at nagulat sa narinig kay Gerald. Although she expected to be treated this way, iba pa din if you hear it from that person.

"Uhm, sorry na Ge, one of our consultants asked us to go on rounds with him and I couldn't say no."

"Rounds? Ganitong oras? 9pm na ha! Alam mo ba na hinintay kita para sabay tayo mag dinner?"

"Gerald..." Mahinang sinabi ni Sarah habang sumesenyas na may ibang tao sa kwarto. Nahiya ang dalaga na may ibang nakakarinig ng pagtatalo nila.

"Doc Sarah, you can call me Ate Nhila. Ako yung handler ni Gerald. Pasensiya ka na sa alaga ko. Mabait talaga yan, di nangangagat, walang rabies. Blame it on his injury. Kung gusto mo, ipa-refer mo sa Psych para ma-check kung kailangan kuryentehen" Sinabi ni Nhila while silently warning Gerald about keeping his temper in check.

"Hindi mainit ang ulo ko...may ibang tao lang talaga na walang pakiramdam. Hindi nag iisip kung may naghihintay, napapahiya, umaasa..." Nahiga si Gerald at tumalikod, nagkunwaring matutulog.

Sarah cut Gerald short, "Gerald....babalik na lang ako pag kalmado ka na ha? Yung pwede ka nang kausapin ng maayos. Alam mo naman how you can reach me. Ate Nhila, pasensiya na po ha? Alis po muna ako , baka magkasakitan lang kami. Kayo na po muna bahala sa kanya. Ibibilin ko na lang sa co-intern ko at sa nurse on duty." Nangingilid ang luha ni Sarah.

Naawa si Ate Nhila sa maamong mukha ng dalaga. Sa sandaling nakita niya ito, naintindahan niya kung bakit nahulog ang loob ni Gerald dito. Bukod sa taglay niya na kagandahan, may aura siya ng isang taong may malinis na puso. Hindi niya lubos maisip kung ano ang dahilan ng pagkakalayo ng dalawa gayong alam niyang napakabuting tao din ni Gerald. She was resolved to get to the bottom of the story.

Samantala, pagkalabas ni Sarah, di na niya napigilan ang pagtulo ng kanyang luha. Paulit ulit sa isip niya ang mga huling nasabi sa kanya ni Gerald.

"Hindi mainit ang ulo ko...may ibang tao lang talaga na walang pakiramdam. Hindi nag iisip kung may naghihintay, napapahiya, umaasa..."

Napakasakit nito para sa kanya ngunit alam niyang totoo ito. Nahihiya siyang aminin na kinaya niyang saktan ng sobra ang lalaking una at huli niyang minahal.

Nagising si Nhila na bantay that night. She looked at her watch and saw that it was past midnight. Napansin niya na gising pa si Gerald at naghihimutok na nakatingin sa bintana. They were roomed in one of the suites of the hospital and occupied the topmost floor. The view was breathtaking from the room but Nhila knew that he wasn't awake to enjoy the view.

"Ge, gusto mo pag-usapan?"

"Ate Nhila, sorry, nagising ba kita?"

"Hindi, naalimpungatan lang ako..." Nhila said while rubbing her eyes. After a long pause, Gerald answered...

Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon