Chapter 24

2.6K 42 8
                                    

To my readers: First off, thanks for the reads...I am overwhelmed by the support.  I’m sorry, can’t make the next few chapters “lighter” para naman pampa-GV sana while everything is hanging for us.  It is the part of the story where our characters will be tested.  While reflecting on the story, they’re getting back together should’ve been their ‘right time’ pero siyempre, everything is still not perfect and their happily ever after won’t just drop in their laps.  Hay! Ang buhay nga naman....Rest assured, i’ll try to update often para makarating na tayo sa happy ending natin agad agad.

To mycluelessheart :  waiting with bated breath for your next chapters....

              _____________________________________________________________

Isa si Nurse Mel sa nakakapansin sa kaibahan ngayon ni Doc Sarah.  Medyo matamlay siya at matapos mag rounds sa pasyente, natutulala sa nurse station.

“Doc  S? Tama po ba yung dosage na nilagay niyo dito ng Augmentin? ....” Nurse Mel asked...”Doc S?”

Matagal bago nakasagot si Sarah, “Ha? ...Sorry Mel, may tinanong ka?” Napansin ni Mel na maluha luha ang mga mata nito...

“Richie, break muna ako ha? Ikaw muna dito...Halika Doc!” At hinila ni Mel ang kaibigang doctor papunta sa doctor’s callroom.  Nang makapasok, ni-lock niya ang pinto at iniupo si Sarah sa maliit na bunk bed.  She looked helpless and frail. “Doc, natatakot ako sa inyo...ilang linggo na kayong ganyan. Parang palala ng palala ang kalagayan niyo. “

And the dam broke.  Sarah was crying her guts out.  She kept everything to herself the past 2 weeks.  At night, when she was off duty, she stayed by her father’s side,afraid he’d suffocate with his own blood anytime.  He decided to go through chemotherapy but it only made him weak.  She couldn’t unburden herself with her group mates because everyone was busy as it is and she didn’t want to add to their troubles.  Gerald’s job was also taking its toll on her.  She couldn’t help but look at the tabloids sometimes and would see articles linking him with Jessy....

Gerald, Sweet na Sweet On Set Kay Jessy....Engagement ring daw ang Regalo sa birthday! Galante!

Gerald and Jessy, Nagkukulong daw sa Kotse tuwing Taping ng Bagong Teleserye

Jessy, Handa nang Magpakasal Kay Gerald!

”Ano bang nangyayari? Susme, may nanggahasa ba sa inyo?” Tanong ni Mel habang hinahagod ang likod ng dalaga. 

Pahikbi hikbi niyang sinagot ang kaibigan.  “Si daddy kasi, may sakit...liver cancer...with cirrhosis pa! Ang sakit for me to see my dad...he used to be so strong...and now...” Sarah was overwhelmed once more with her sadness and feelings of helplessness.  “Nag-aral nga akong maging doctor pero wala akong magawa!  May point pa ba ang lahat ng ito?!  Mel, awang awa ako sa kanya...awang awa ako...tapos...tapos..”

“Tapos ano?”

“Si Gerald...ang gulo gulo ng showbiz Mel...Di ko alam kung kakayanin ko.  Nakakadagdag sa inaalala ko yung mga nababasa ko...”

“Alin? Yung kay Jessy?  Naku, di hamak naman na mas maganda ka don Doc no?!  Nabihisan lang yun, naging artista na!...and besides doc, well siguro dapat magpasalamat na din ako sa ‘yo. Naging good friends kami ng handler ni Gerald, si Nhila. At ang sabi niya, tinamaan daw talaga ang alaga niya sa inyo...Hindi na daw magastos sa sasakyan, tapos kung di daw ikaw, basketball ang inaatupag...changed man ang peg ng lolo mo..ay, jowa mo pala! ”

“Ewan ko Mel, baka magulo lang talaga ang isip ko.  Basag na basag ako Mel! Parang lahat ng bagay, napaka-sensitive ko...naiisip ko tuloy kung tama ba na pinasok ko ‘tong relationship na ‘to at this time...puro nega, puro doubts ang laman ng puso’t isip ko...”  Sarah had another fresh wave of tears. 

“Sssssshhhhh...sige, ilabas mo yan friend....” after some time, Mel spoke.  “Mabuti siyang tao doc. Ayoko kayong diktahan pero hindi ka naman nagkamali sa desisyon mo.  Trust your instincts.  Alam niyo doc, idol ko kayo. Napakaganda at napakabait niyo talaga, walang halong echos.  Kaya nung nalaman ko na Masaya na kayo, sobra akong natuwa at nagpasalamat sa Diyos. You deserve every bit of happiness that comes your way.  Ito pong pinagdadaanan niyo, lubak lang ‘yan sa daan.  Pasasaan at maayos din ang lahat.  Basta, magpakatatag ka at ‘pag ‘di mo na kaya, andito lang ako..mga kaibigan mo...”

“Salamat Mel ha? Pero kasi, di pa alam ni daddy yung sa amin at natatakot akong sabihin sa kanya ngayon.  Gusto ko naman din na kahit paano, makilala niya si Gerald.  Lalo na’t....  at ang hirap na kailangan may itago sa kanya...”

“Maghintay ka lang ng tamang panahon. Alam mo, pinalaki ka niya ng maayos.  Maiintindihan niya din lahat at mapagkakatiwalaan niya ang mga desisyon mo....pero ‘wag mo ko i-quote ha!”  Pabirong dagdag ni Mel.

Natawa si Sarah...“Ikaw talaga! Yan ang gusto ko sa ‘yo eh.  Hahahahaha! Biglang kabig ka eh no?!....Thank you talaga, medyo magaan na ang loob ko.”

Narinig ni John ang mga pinag-usapan ng magkaibigan.  He was just outside the doctor’s call room and quickly went to the nearby nurse station pretending to write something in a patient’s chart.  He saw Nurse Mel go out first followed by Sarah after about five minutes.  He decided to go for the kill...

“Sa, wait lang!”

“O John, nandyan ka pala...”

“Bakit mugto ang mata mo?”

“Wala...si daddy kasi eh...have you heard from tito?”  Alam ni Sarah na malamang naikwento na ito ng kanyang ama sa dad ni John, ang kanyang pinakamalapit na kaibigan.

“Actually Sa, nasabi na din ni dad.  Binilin ka nga ni Tito Toto na alagaan ka..”

Sarah disregarded his last sentence, “So yun, medyo mahirap lang tanggapin...akala ko immune na ako sa mga ganitong eksena pero iba pala pag father mo...” 

“Nasabi mo na ba yung sa inyo ni Gerald?  Mukhang kailangan mo munang isantabi yun and focus on him.  You know that stress can aggravate cancer...”

“Yun nga yung isa pang masakit na I see him suffering, and I feel guilty that I’m finally happy...Ang selfish selfish ko....”

“Masaya ka ba talaga?” John asked Sarah intently, which made her more emotional.  At the same time, John saw someone approaching in the corner of his eye.  He knew it was him.  He quickly gathered Sarah in his arms and hugged her tightly.  Feeling sad and confused, Sarah wrapped her arms around him hoping to find comfort. 

                                   ___________________________________________

Gerald saw everything.  Hindi na niya naisip kung ano man rason ang pagkakayakap ng dalawa.  All he thought was that John should’ve kept his arms to himself and Sarah shouldn’t have reciprocated.  Nagdilim ang paningin niya dahil sa selos. He didn’t care if other people saw them.    He closed the distance between him and John, pulled Sarah away and the next thing he knew, they were throwing each other punches. 

Nagkagulo sa 15th floor.  May mga orderly at nurses na biglang tumakbo sa nag-aaway na lalaki.  Si nurse Mel who was about to go inside a patient’s room, quickly went to Sarah’s side as the latter was trying to stop the two. 

They were able to separate the two but held them back as they were still intent on attacking each other.  Gerald pointed his finger at John and shouted. 

“Pare, nakakalalaki ka ha! Hindi mo ba alam kung sino ang boyfriend ng nilalandi mo! YOU were taking advantage of her! Bastos ka eh!...”  Sigaw ni Gerald.

“Bakit?! Insecure ka?!  Kung di ka marunong mag-alaga ng babae mo, kasalanan ko ba yon? Eh busy ka di ba?  Baka naman kasi meron ka ding nilalandi?  O ano? Masakit?” Sagot ni John....

“Ge! John!! Tumigil na kayo! Nakadagdag pa kayo sa problema ko eh!  Pwede ba! This is not about you...” She pointed at John.  Gerald smiled slyly but Sarah turned to him, “...nor is it about you. So please just stop!”  And Sarah quickly left the two men, running towards the stairs. 

Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon