Chapter 23

3K 39 7
                                    

One night, Gerald and Sarah were preparing to go to sleep.  She just finished brushing her teeth and went inside the room.  She saw him by the window, looking out.  Sarah approached him and hugged him from behind, leaning her face on his back.

“Baaabe?”  Sinabi ni Sarah na may paglalambing... “Tahimik ka ha?”

He took her hands and guided her in front as he wrapped her in his arms.  He said, “Iniisip ko lang kase kung kailan natin sasabihin sa dad mo..Habang tumatagal kase, baka maging mas komplikado.  Kung mahihirapan tayo, simulan na natin ayusin...at least, baka mas maaga maging maayos..”

“I’m just trying to think of the best way to approach him ...””

“Ayan ka na naman sa diskarte mo babe ha?  Ready ako na kausapin dad mo anytime.  Kahit bukas, kaya ko gawin ‘yon.  Wala naman akong masamang intensyon and kahit di pa niya ako matanggap ngayon, in time, I’ll prove myself..”

“Okay, okay...this weekend? Uuwi ako on Friday sa bahay para ma-good shot ng konti.  Tapos usually, after his clinic on Saturdays, he comes home to prepare for his golf game.  So, mga around 2 pm, I’ll talk to him..”

“Pupunta ako sa inyo...2pm, nandoon ako, no arguments na okay?”

“Makakatanggi pa ba ako niyan?  Tara na nga, tulog na tayo” Sarah said pulling Gerald towards the bed.

“Sigurado kang tulog lang? Ha? Ha? “ Gerald teased her and started to tickle her sides.  Sarah gamely ran towards the bed, Gerald pursuing her. 

    __________________________________________________

Umuwi si Sarah Friday night.  Naabutan niya si Yaya Novie na nag-prepare ng dinner niya.  Her dad had Friday Club regularly with his colleagues so she didn’t expect him around.  Ngunit nagulat siya to see that there were 2 sets of plates on the dining table. 

“Hello sa pinakamaganda kong yaya!!!” Bati ni Sarah habang  niyakap ng mahigpit ang kanyang nanay-nanayan.  “At ang bango pa!  Amoy Tatiana!! Hahahaha!!”  She asked her.

“Ikaw talaga, sinumpong ka na naman ng kapilyahan mo.  Parang iba ang hitsura mo ngayon anak...may glow ka.  Sino ba ‘yang may bigay niyan sa ‘yo?”  tanong ng kanyang yaya..

“Di ba pwedeng Masaya lang ng walang dahilan?  Hmmm...basta, ipapakilala ko din..ulit. “ She meaningfully told her. 

“Ayieeeee!  Si John ba ‘yan?  Gwapong bata ‘yon!”

“Mas gwapo pa kay John Ya!  At mabait, mapagmahal, matiyaga....lahat lahat na yaya!”

“Nakakatakot naman yan anak...sino yan? Si Gerald Anderson?” tukso ni yaya kay Sarah..”siya lang ang perpekto para sa akin...kaya lang sila na yata ni Jessy.”

Nakalimutan ni Sarah na nanonood nga pala ng mga serye ang kanyang yaya at mahilig sumubaybay sa mga ito gabi-gabi.  Ikinagulat niya na mukhang hinahangaan nito si Gerald. 

“Ay si yaya! Jesrald ka? ..Wag na yun, Ya...May mas nakakakilig na loveteam for real sa dalawang ‘yun!” she gamely retorted. 

“Sino yun anak?  Di ko alam, showbiz ka na ha?!”

“Basta yaya!  Baka mahimatay ka ...handa ka bukas!”  Hamon nito sa kanyang yaya.   “Oo nga pala bakit dalawa yung table set? Nandito si daddy?”

“Ay oo anak...siguro mga pangatlong Biyernes na ito na dito lang siya sa bahay pag biyernes.  Nagpapahatid na nga lang ng pagkain sa kuwarto  o kaya sa study niya at ‘di na bumababa..Nagbabaka sakali lang ako na sabayan ka niya mamaya.  Itatanong ko na lang kase nandito ka naman.”

Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon