IIWMS 2 [Edited]
NEMIE'S POV
Nagising ako sa ibabaw ng kama ni Shiann katabi niya. Grabe! Nagugutom nanaman ako! Paano ba naman ako hindi magugutom e pinipigilan ako ni Shiann kagabi na kumuha ng pagkain sa ref nila. Ang binigay lang sa akin ay 10 pirasong cookies na ginawa daw ni Kuya Chris at dalawang yogurt lang?! Sige nga,paano ako hindi magugutom niyan?! Enakoooo!!-_-///
Bumaba na ako habang tulog pa si Shiann para kumain ng almusal. Baka hindi nanaman ako pakainin ng lukaret na 'to eh.
Pagkababa ko tumambad agad sa akin yung masasarap na luto ng mga katulong nila. Shet! Ang daming pagkain! Ang bangooo! Mas lalo tuloy ako nagutom.
Nagtaka naman ako dahil ang daming pag-kain. Anong meron?
"Good morning po."^_^
"Good morning rin po,ma'am Nemie. Gutom na po ba kayo?" Sabi sa akin ng pinakang head ata ng kusinera nila Shiann kase siya lang yung naka toque eh.
Magsasalita na sana ako ng 'Oo' kaso pinutol niya. "Halata naman po. Hehe."
Aba! Loko 'tong kusinerang 'to ah! Ganun ba ka-obvious na gutom talaga ako? Ayy,siguro nga halatang gutom na ako. E kasi naman si Shiann eh!
Ngumiti lang ako ng peke (parang ikaw,peke.) "Anong meron po ba? Bakit ang daming pagkain?"
Nagpapatuloy parin siya sa pag seserve ng pagkain habang dinadaldal ko siya. "Siguro po nag-assume kayo na para sa inyo 'to noh?"
Aba!...
"Para po kase ito kay Sir Chris--I mean para po ito sa mga magulang nila Ma'am Shiann. Dadating po kase sila ngayon." Kitang kita ko ang pamumula ng pisnge nitong babaeng 'to habang nag-hahanda ng mga plato. Ang landeee!
Ay wait? Pupunta daw sila Tita Cassandra dito? Bakit?.....Ay! Oo nga pala! May plano nga pala silang ginawa kasama ako. Ayan! Pati yung mahalagang plano nakakalimutan ko dahil sa kagutuman.
Tumango nalang ako sa kanila. Tumayo ako para pumunta sa kwarto. Pagkapunta ko dun nakita ko paring natutulog si Shiann kaya pinilit ko siyang gisingin.
"Shiann! Gumising ka na!"
"..."
"Shiann! Uyy! Gising na!!"
"Hmm..."
"Gumising ka na ngaaaa!!"
"Kung nagugutom ka,don't disturb me! Kumain ka sa baba,kahit ubusin mo pa pati ref namin okay lang. 'Wag mo lang ako istorbohin!"
Kita mo'to! Partida mas maaga pa 'to matulog kagabi kesa sakin ah.
"Ang OA mo! Hindi ako gutom." Hindi nga ba? "Gumising ka na diyan dahil dadating ang mommy mo!"
Napabangon siya na dilat na dilat ang mga mata. "Really? Dadating sila Mommy?"
"Oo kaya sige,matulog ka lang diyan." Tinutulak tulak ko pa siya para humiga pero agad niyang binigwasan yung kamay ko.
"Tabi! Don't touch me nga. Maliligo na ako." Saka siya pumasok sa CR. Hahaha!
Real-quick!!!!...
Humiga naman ako sa kama niya para tawagan si Ate Clarissa.
"Hello? Ate Clarissa?" Sabi ko pagkasagot niya ng telepono.
"Yes?"
"Gising na siya. Pwede na po kayo pumunta."
Narinig ko naman na sinabi niya iyon sa mga kasama niya. Rinig ko rin na naalarma na sila...
"Hello,Nemie? Sige papunta na kami. Bye." At ibinaba niya ang linya.
YOU ARE READING
I'm Inlove With Mr.Sungit [EDITING]
Teen FictionLanguage:TagLish Author:@trisha_mae_mae Tittle:I'm Inlove With Mr.Sungit Main Characters: Blaine Maximino Servacio. Shiann Nicole Patrianca Lofranco Damiel Punzalian Nemie Vey Sevillana