IIWMS 10 [Edited]

1K 38 1
                                    

IIWMS 10 [Edited]

NEMIE'S POV

"Paano ba ulit gawin iyon?" Sabay kamot ni Shiann sa ulo niya.

Nandito kami ngayon sa kusina at tinatry namin na magluto ng tanghalian. Menudo 'yung napiling lutuin ni Shiann. Ang sabi niya alam niya daw gawin iyon dahil tinuruan na daw siya ni Kuya Chris. Kaso 'nung mag-uumpisa na kaming mgluto nakalimutan daw niya. Hay nako!

"Ikaw kasi e! Sabi ko sinigang nalang. Menudo ka ng menudo hindi mo pala alam kung paano lutuin." Pagsisi ko sa kaniya. Tiningnan naman niya ako ng masama.

"E gusto ko ng Menudo,may magagawa ka ba 'dun?" Pambabara niya.

"Mag search ka nalang kaya sa internet."

"Aryt!"

Nagsearch siya kung paano lutuin ang menudo. Pindot lang siya ng pindot sa cellphone niya hanggang sa bigla siyang napa-ungol sa inis.

"Anyare?" Tanong ko.

"Nawalan ng internet. Hindi pa ata nababayaran." At pinakita pa niya sa akin 'yung phone niya.

"Hays! Ayan na,wala na talagang pag-asa para maluto ang Menudo na pinaka aasam mo." Pang-aasar ko na nagpanguso sa kaniya. Tiningnan ko siya ng mabuti dahil mukha siyang bata.

Ilang segundo pa ay narinig ko na nagsalita si Blaine habang pumapasok dito sa kusina.

"Anong niluluto niyo?" Tanong niya at tiningnan ang mga sangkap na hiniwa na namin. Napatingin tuloy ako kay Shiann at ganun din siya.

"Huh? Anong niluluto niyo?" Tanong ulit ni Blaine pero hindi kami sumasagot. "Huy! Natahimik kayo?"

Napakurap si Shiann at kumamot pa sa batok niya. "Ano...uhm,M-menudo." Hindi siya mapakali.

"Menudo? E nasaan ang bell pepper?" Tanong ulit ni Blaine sa amin. Hinayaan ko nalang silang mag-usap at di na sumabat.

"Wa-wala. Ewan ko. Kailangan ba 'nun?" Si Shiann ang sumagot.

"Did you know how to cook menudo?" Mapanghamon nitong tanong kay Shiann.

"Yes." Simpleng sagot nya.

"I think no." At natawa pa si Blaine.

"Mukha nga." Tumawa din si Shiann.

"Ako na ang magluluto. Lumabas na kayo." Sabi ni Blaine. Halata naman sa mukha ni Shiann ang pagkagulat.

"Huh? No. Kami na." At kinuha ni Shiann ang hawak ni Blaine na knife pero hindi ito binigay ni Blaine.

"Ako na nga. Dun na kayo."

"Sure ka?"

"Sure."

"Okay."

Lumabas na kami ni Shiann ang kusina at pumunta ng kuwarto. Pagkapasok namin ay agad nahiga si Shiann. Tumabi naman ako sa kaniya.

"Anyare dun?" Simple niyang tanong.

Nagkibit balikat ako at tumingin sa kaniya. "Malay ko. Siguro nasa mood na."

"Baka. Pero bakit biglaan?"

"Ewan." Sabi ko. "Ayaw mo 'nun magiging okay na kayo?"

"Pinagsasabe mo? Hindi naman kami nag-away e."

"Hindi. I mean,babalik na kayo sa dati."

Nagkibit balikat siya at bumuntong hininga. "Ewan ko!"

Tumayo siya para mag-ayos ng buhok at mag-ayos ng sarili. Nagpulbos pa siya. Wow,nag-ayos. Wait! May nasesense talaga ako. Feeling ko talaga inlove si Shiann kay Blaine. Feeling ko lang ah. 'Wag tayo pakasisigurado,madlang pips.

I'm Inlove With Mr.Sungit [EDITING]Where stories live. Discover now