[20]Party

1.9K 33 10
                                    

  [20]Party

***20***

CASSEY'S POV

One week narin since last date namin ni Charles. Marami nang naganap at naging busy kaming apat nila Sarah at Juliann. Pina-renovate narin pala yung bahay na tinitirahan namin ni Sarah dito. Actually,pati kay Juliann pina-renovate din kaya super busy kami this week. Pati yung shop din pala,iniiba na yung designs. Pang summer na.

So ngayon,since tapos naman na kami mag-paka busy,nagpa-party si Cherie kasi nga diba nag rank 3 yung branch ng 7/11 na mina-manage namin so nagpa-party siya. Pa-thank you daw,ganun. Nandito nga kami sa pool side ng bahay ni Cherie eh. Ang daming tao dito. Yung iba mga kaibigan ni Cherie na nag-mamanage din ng kahit anong pwedeng i-manage. Malay ko ba kung anong minamanage nila,basta ang sabi ni Cherie manager sila. Yung iba naman friend din ni Cherie na mga anak ng mayayaman. And then mga crews and guards ng shop. Tapos kaming tatlo nila Julian at Sarah.

Ang bongga nga ng set up eh. 5 loud speakers yung nakapalibot sa pool area tapos may malaking upuan dun sa gilid na pang Queen. So siyempre,kay Cherie yun. Ang Ambisosya talaga kahit kailan. HAHA! joke lang. Meron ding napakalaking disco ball sa gitna ng pool. Malamang waterproof 'to kasi kanina pa nababasa pero hindi parin sira. Yaman talaga! Tapos may mga bar-tenders dun sa gilid. Ang daming Liqour,beer at gin. Buti nalang merong juice doon sa kabilang side dahil kung hindi wala talaga kaming maiinom ni Sarah.

"Huy! Tara na,Sarah. Palit na tayo ng swimm-suit doon sa loob!" Pangugulit ko sa kaniya.

Nakatambay lang kami dito sa bench habang umiinom ng juice at pinapanood yung mga tao. Ang saya diba? Yung mamatay ka sa sobrang boring? Hayss. Ilang araw naring ganito 'to si Sarah. Parang laging takot sa tao. Ang KJ masyado.

"Mamaya na." Aniya sabay inom nanaman sa mukhang wala ng lasang juice niya dahil sa tunaw na yelo.

"Sarah,pwede magtanong?" Saka ko dinungaw yung mukha niya.

Nilingon niya ako ng nakataas ang kilay. "Pwede naman,basta ilayo mo lang yang mukha mo sa mukha ko. Baka magkapalit pa tayo."

"May sakit ka ba? Bakit ilang araw ka nang ganiyan? Parang lagi kang takot sa tao tapos napaka KJ mo lagi. Nakakulong ka lang dun sa kwarto lagi tapos ngayon gusto mo dito lang tayo sa gilid? Anong problema natin,'tol?" Mahaba kong sabi.

"Wala akong sakit. Ayoko lang talaga nung mga trip mo pati pake mo ba?" Masungit niyang sabi sa akin.

"Wala lang naninibago lang ako. Tara na kasi! Magpalit na tayo!" Pagpupumilit ko.

"Mauna ka na! Excited ka masyado." sabay inom nanaman niya sa juice. May lasa pa ba talaga yun?

Para malaman ko siyempre inagaw ko yun sa kaniya at nilagok. Pagka lagok ko tiningnan ko agad yung baso ng juice."Grabe! Juice pa ba 'to,Sarah?"

"Oo naman! Akina nga yan!" saka niya kinuha sa kamay ko yung baso.

"Seryoso ka ba? Bakit parang tubig nalang yan? Hindi ka ba nagsasawa sa tubig? Teka anong flavor pala niyan?" Tanong ko.

"Bubble gum."

"Weh? Bubble gum yan? Kala ko water flavor." OA kong sabi.

"Ay nako! Magpalit ka na nga dun! Pati walang Water Flavor noh! Tss!" aniya saka uminom nanaman ng juice daw niya.

Tumayo na ako at dinala yung swimm-suit ko. "Ay oo nga pala. Hehe. Sige palit lang ako ng damit."

Inirapan lang niya ako kaya lumakad na ako papasok. Hay nako! Ang wierd talaga niya ngayon. Actually,hindi lang ngayon. Nung mga last last last day pa. Lols! Haha!

I'm Inlove With Mr.Sungit [EDITING]Where stories live. Discover now