IIWMS 12 [Edited]

986 21 1
                                    

IIWMS 12 [Edited]

NEMIE'S POV

"Ewan ko. 1 hour siguro 'yan papaikutin." Kumamot pa ako sa ulo ko.

Nagtatalo kasi kaming tatlo nila Blaine at Shiann kung gaano namin katagal papaikutin itong washing machine. E diba nga hindi 'rin kami marunong maglaba? Hindi naman kami makapag search sa google kasi hanggang ngayon hindi parin naaayos 'yung wifi. Kaya heto,gulong gulo kami kung paano. Puro hula hula nalang. Hahaha!

"Hindi. Baka 50 hours lang." Opinyon ni Shiann.

"1 hour nga!" Aba! Ipaglalaban ko talaga 'yang 1 hour ko noh.

"2 hours kasi 'yan." Biglang nagsalita si Blaine. Napatingin naman kami sa kaniya ni Shiann.

"Ha? 2 hours? Ilang salang pa 'yung gagawin natin tapos 2 hours? Baka maghapon tayong maglaba niyan." Si Shiann.

"Bahala nga kayo." Hindi na ulit nagsalita si Blaine.

"1 hour,deal?"

Tumingin naman si Shiann sa akin ng nag-aalangan....

"O sige na. 1 hour na kung 1 hour." Umirap pa. Dukutin ko mata nito e.

Inikot ko na 'yung timer into 1 hour. Pinanood ko muna ang pag-ikot ng mga damit sa loob ng washing machine habang sina Blaine at Shiann ay lumabas na ng laundry area at nagtungo sa salas. Nang maboring na ako sa panonood ay sumunod narin ako sa kanila.

"Anong movie 'yan?" Sabay upo ko sa tabi ni Shiann.

"Wicked Witch." Focus lang si Shiann sa Panonood.

Si Blaine nagbabasa nanaman ng magazine. Tinutuloy siguro ang binabasa niya kanina. Anong magazine kaya ito? Hindi ko nalang ito pinansin at nanood nalang ulit.

Nakuha ang atensyon namin ni Shiann ng biglang tumunog ang phone ni Blaine na nasa ibabaw ng center table. Nakita ko 'yung screen doon at ang nakalagay na pangalan ng caller ay 'Alliyah'. Dinampot niya iyon at bago sagutin ay sinulyapan muna kaming dalawa ni Shiann. Nag focus nalang ulit kami sa TV ni Shiann. Sino kaya 'yung Alliyah? Girlfriend niya?

"Hello,Alliyah?" Hindi ko parin maiwasan na marinig si Blaine. Lakas ng boses e. "Yes,Pwede naman...What? No! Not now! We're doing laundry...Of course...Hey,kahit naman ikaw hindi marunong so don't talk to me like you know how to...Anytime you want but not this day...okay,I'll end the call. I'm reading a magazine..Men's magazine. Not your business by the way....I don't care. Bye." Ayun na nga. Tapos na siya makipag usap. Halos dumugo ilong ko sa pag-uusap nilang dalawa. Dami english ah.

Patuloy parin kami sa panonood ni Shiann at si Blaine naman ay nagbabasa parin ng Men's magazine daw sabi niya. Lols. Hahaha! Nacucurious ako kung anong meron sa Men's magazine. Sa 20 years of existence ko hindi pa ako nakakapagbasa ng Men's magazine. Hindi naman kasi ako mahilig sa magazine e. So ano kayang meron dun?

Baka naman puro babae na sexy ang mga nasa pictures? 'Yung mga halos nakahubad na. Meron 'din ba na mga pic ng mga Celebrities na hot din? Hmm? Wow,curious na curious,Nemie ah.

Bigla naman tumunog ang phone ni Shiann na nasa bulsa niya lang. Mabilis niyang kinuha ito at sinagot...

"Wazzup,Alliah..."

Dahil sa sinabi niya ay naoatingin tuloy ako kay Blaine na ngayon ay nakatingin sa kaniya ng weirdo na naiirita. Ay ewan. Basta ayun. Tapos tumingin naman ako kay Shiann na mukhang nabigla 'din sa sinabi niya at nakatingin kay Blaine. So ayun,nagtinginan silang dalawa.

"...beshy. Napatawag ka?" Ah! Si Alliah! Yung isa pa naming bestfriend! "Oh,okay lang ako!...Si Nemie? She's fine,don't worry about her...Yeah,malakas parin siya kumain." Aray ah!

I'm Inlove With Mr.Sungit [EDITING]Where stories live. Discover now