IIWMS 5 [Edited]

1.3K 36 2
                                    

IIWMS 5  [Edited]

SHIANN'S POV

Nag-aayos kami ngayon nila Cassey at ni Mr.Sungit-este Blaine ng mga gamit dito sa titirahan namin pansamantala. Kasama dapat namin si Manang Badeth ngayon kaso nasa covered court daw. Tumutulong siya sa pag-aayos 'dun para sa liga bukas kaya hinayaan na namin siya. Kaya naman naming tatlo ito eh.

Dinampot ko yung basahan saka pinunasan 'yung divider kung saan nakalagay 'yung TV. Sakto naman na dumaan si Blaine kaya sinadya ko na patamain sa kaniya 'yung dulo ng basahan. Napatigil naman siya kaya nilingon ko siya at saka nginitian. Naka poker face lang naman siya.

"Nananadya ka ba?" Seroso niyang tanong sa akin. Ay,bobo lang? Hindi niya ba napansin na sinadya ko talaga 'yun?

"Sa tingin mo?" Saka ko tinaas 'yung isa ko na kilay. "Hindi ba obvious na sinadya ko talaga 'yun? Ano? Shunga-shungaan?"

"Hindi. Alam ko na sinadya mo talaga 'yun. Hindi ko lang binasag 'yung plano mo na magpapansin sa akin." Sabay taas ng gilid ng labi niya at nilagpasan na ako. Hindi naman siya assuming,noh?

Nilingon ko pa siya saka inirapan ulit. Ang assuming niya lang masyado. Akala niya naman gusto ko na magpapansin sa kaniya e gusto ko lang naman na asarin siya. Hayss,mga tao talaga. Tinapos ko nalang 'yung pagpupunas ng divider saka umalis na 'dun para dumiretso sa kusina. Naabutan ko naman na nanghuhugas parin ng mga plato si Nemie. Aba! Kanina pa ito dito ah.

"Hoy! Ano? Pamilya mo na 'yang mga plato pati kutsara't tinidor diyan?" Pamimilosopo ko sa kaniya.

"Pwede 'rin naman." Saka siya ngumiti. "Yung parang sa Beauty and the Beast. 'Yung nagsasalita sila."

"Alam mo may saltik ka 'rin pala e 'noh? Bagay kayo magsama ni Blaine. Ewan ko lang kung magka-intindihan pa kayong dalawa."

"Alam mo ang KJ mo 'rin madalas e." Inirapan pa niya ako.

"O sige na,manghugas ka na diyan. Baka mamayang hating-gabi ka pa matapos eh." Sabi ko sa kaniya kaya tinuloy na niya 'yung panghuhugas niya.

Dinaldal ko lang siya ng dinaldal 'dun habang nanghuhugas siya. Nakita ko 'rin kung paano siya manghugas. Kaya pala napaka tagal nito kase pagkatapos niyang sabunin 'yung isang plato babanlawan na niya tas' sasabunin ulit. Tinanong ko pa siya kung bakit ganun siya manghugas tapos 'yung sinagot lang niya para daw malinis. Ay nako! Gawaing alien talaga. Napatigil naman ako sa kakadaldal ng biglang pumasok si Blaine sa kusina at nagsalita.

"Sana 'yung kadaldalan mo nakakatulong sa paglilinis ng bahay." Utas ni Blaine at binuhat 'yung kalan na junk na at lumabas ulit ng Kusina. Umirap nalang ako sa hangin saka hinarap si Nemie.

"Bahala ka na diyan sa mga pamilya mo'ng pinggan pati kutsara't tinidor. Nang-aano nanaman si Mr.Sungit e." Sabi ko at tinapik 'yung balikat niya. Tumango naman siya kaya umalis na ako.

Nakita ko si Blaine na binubuksan 'yung box ng bagong kalan. Ewan ko kung saan niya nakuha 'yun basta nakita ko nalang siya na binubuksan 'yung kalan. 'Standard' pa nga 'yung tatak e.

Nagulat naman ako ng kaunti nang bigla siyang nagsalita. "Ano? Tutunganga ka nalang diyan habang pinapanood ako na nahihirapang magtanggal nito? Tulungan mo'ko,aba!"

Inirapan ko siya at lumapit para tulungan siyang magtanggal ng kalan sa box. Hinawakan ko 'yung mismong box habang siya ay tinatanggal 'yung tali nito gamit 'yung cutter. 'Nung nabuksan na niya 'yung box ay sabay kaming tumayo kaya nagkauntugan kaming dalawa.

"Aray!"

"Ouch!"

Sabay naming angal dalawa habang nakahawak sa mga ulo namin. Bwiset na Blaine 'toh. Ang tigas naman ng ulo! Ang sakit tuloy ng bunbunan ko.

I'm Inlove With Mr.Sungit [EDITING]Where stories live. Discover now