[15]Stroll Out With Him

1K 20 5
                                    

LONGEST CHAPTER SO FAR


***15***

SARAH'S POV

"Oh,nandito na sila."

Sabi ko kay Juliann ng maaninaw ko ang kotse ni Charles. Mags-stroll kasi kaming tatlo nila Cassey. Buti nga napapayag ko itong tigreng ito 'e. Nung una napaka choosy pa niya. Tapos sasama rin pala sa huli. Tss.

Tumingin si Juliann sa direksyon ng sasakyan ni Charles. "Nandiyan si Cassey?" Tumango lang ako sa kaniya. "Saan sila pumunta?".

"Aba ewan ko." Sabi ko sa kaniya at tumayo na. Nasa terrace kasi kami ng bahay na tinutuluyan niya dahil mas expose ang terrace dito kumpara sa amin. Hinihintay lang namin si Cassey.

"Tss." Tumayo narin siya at lumabas na kami doon.

Biglang bumukas ang pintuan ng kotse at lumabas si Charles at umikot para pag-buksan ng pinto si Cassey. What a gentleman.

"Thanks." I heard Cassey murmured.

Dumapo ang tingin nila sa amin ni Juliann.

"Oh,nandito pala kayo. And,oh!" Nag-palipat lipat ng tingin si Charles sa aming dalawa ni Juliann. What the hell!

"Hindi!" Pagtatanggi ko. Jusko naman Charles! Sa dinami dami ng lalaki dito sa Earth!

"Tss." Narinig kong singhal ni Juliann pero hindi ko siya pinansin.

Tumango tango lang si Charles sa akin.

"Uwi na ako,Cassey." Sabi ni Charles kay Cassey kaya ngumiti si Cassey at ganun din siya.

"Sige. Ingat." Sabi ni Cassey.

Bakit parang palangiti si Cassey ngayon? I mean,lagi naman talaga siyang nakangiti pero iba yung ngayon 'e. May something.

Ginulo ni Charles ang buhok ni Cassey kaya hinampas siya ni Cassey sa braso. Napatingin naman ako kay Juliann pero bored siyang nakatingin sa dalawa.

Pumasok na si Charles sa loob ng kotse niya at bago pa makaalis ay itinigil ulit niya ang kotse niya at binuksan ang bintana. "Good night,Cassey." Sabi niya at kumindat at namula naman si Cassey. Uyy,anong ibigsabihin nito?.

Tuluyan ng nakaalis ang kotse ni Charles kaya tumingin na si Cassey sa amin. Abot tainga ang ngiti niya.

"Best birthday ever!" Saka niya ako niyakap ng mahigpit. What the f! Hindi ako makahinga,Cassey!

"Aray! Bitiwan mo ako!" Sabi ko habang tinatapik ang braso niya. Naririnig ko naman ang pag ismid ni Juliann sa tabi ko.

Humiwalay na si Cassey sa yakap sa akin at napalingon sa bahay namin. "Wala na sila?" Tanong niya.

Nakasarado na kasi yun at saka nakapatay ang ilaw dahil nga aalis kaming tatlo.

"Oo. Umuwi na sila." Sabi ko sa kaniya at inayos ang nagulo kong buhok. Tsk!

"Let's go." Simpleng sabi ni Juliann

Tumingin sa kaniya si Cassey at nag-unat ng braso na sinabayan din ng hikab niya. "Kayo nalang. I'm tired." Saka siya nag martsa papunta sa bahay namin.

Ano? No way highway!

"Hah? Cassey!" Hinabol ko siya at hinawakan sa braso. Naramdaman ko naman si Juliann na sumunod din sa amin.

"I'm tired,Sarah. Magpapahinga ako. Kung gusto niyo,kayo nalang muna." Sabi niya sa amin. Hindi pwede!

"I think it's not bad kung dalawa nalang tayo ang mag-stroll." Singit ni Juliann.

I'm Inlove With Mr.Sungit [EDITING]Where stories live. Discover now