THIRD PERSON'S POV
Nakatingin sa sariling repleksyon ang isang babae sa harapan ng salamin. Nakasoot siya ng maganda at magarang pink gown at may tiara na nakaputong sa ulo. Marahil ngay
on ang kasal niya ngunit mistulang hindi siya nasisiyahan dahil sa walang emosyon ang kaniyang mukha.Huminga siya ng malalim saka nilingon ang bouquet ng kaniyang flowers. Naglalaman ito ng fresh white flowers.
Inamoy niya ito at pagkatapos langhapin ang bulaklak ay bigla siyang napa-irap sabay bato nito sa sahig. Tila ba naiinis.
Inabot niya ang kaniyang paanan at saka tinanggal ang kaniyang high-heels. Habang tinatanggal ito ay napansina niya ang pasa sa kaniyang tuhod. Walang emosyon niya itong tiningnan at saka tumingin ulit sa salamin.
Itinaas niya ang manggas ng kaniyang gown at nakita dito ang isa pang pasa sa kaniyang balikat. Tinitingnan niya ito sa salamin at marahang hinahaplos. Wala paring emosyon ang dalaga kahit unti-unting napupuno ang luha sa kaniyang mga mata hanggang sa pumatak na ito. Agad niya namang pinunasan ito at pinigil ang sariling iyak.
Maya-maya ay may pumasok na isang matandang lalaki na naka suot ng magarbong tuxedo. Mabilis namang nabago ang mukha ng babae at ngumiti agad ngunit kita parin sa kaniyang mata ang kalungkutan.
"Is the bride was ready?" Nakangiting tanong sa kaniya ng matandang lalaki.
Tumango siya at mas nilakihan pa ang ngiti. "Yes. I'm ready."
"Good. My son is also ready." Tungon ng lalaki sa kaniya.
Palabas na sana muli ito ng mapansin niya ang mga bulaklak na nasa sahig lamang.
"Wait. What happened to the flowers? Bakit nasa sahig?" Buong kuryosidad na tanong ng matanda.
"Oh! Nahulog lang po,Pa. Don't worry,I'll gonna pick up that later." Sabay ngiti ng babae. Ngumiti rin naman ang lalaki at tumango sabay lumabas na.
Nabalik sa walang emosyon ang mukha ng babae at tumingin nanaman sa kaniyang repleksyon sa salamin. Bumuntong hininga siya at bumulong sa sarili.
"Great pretender."
Niluwagan niya naman ang ribbon na nakakapit sa kaniyang bewang at pati ang kaniyang belo ay itinanggal niya ang pagkakakabit pero nakapatong parin sa kaniyang buhok. Pati ang makintab niyang gloves ay tinaggal niya.
Napatulala siya sa kaniyang repleksyon sa salamin. Unti-unti niyang nilalapit ang kaniyang mukha sa salamin upang mas makita ang gilig ng kaniyang labi. Nanginginig na hinawan niya ang pasa'ng natatakpan ng foundation ng kaniyang make-up. Nag-igting kaniyang bagang kasabay ng pagtulo muli ng kaniyang mumunting luha. Siguro ay napaka lungkot nitong babaeng ito. Tila ba punong puno ng hinanakit ang kaniyang puso.
Napatigil siya sa pagtingin sa salamin ng may pumasok ulit sa kaniyang kuwarto. Nakasuot din ito ng magarang tuxedo. Bata pa ito at kahawig niya.
Agad namang tumulo ulit ang mga luha niya kasabay ng paglapit nito sa kaniya saka siya niyakap.
"Kuya,I'm scared." Aniya sa lalaki.
"Shh. Don't be scared. Makakatakas tayo dito. 'Wag kang umiyak baka mahalata nila tayo." Sabi nito sa kaniya habang hinahagod ang kaniyang likuran.
Humiwalay sila ng yakap at pinunasan ng babae ang kaniyang luha. Lumebel naman sa kaniya ang lalaki at seryosong tiningnan.
"Pag-sinabi na ng organizer na 20mins nalang bago ang ceremony,start na ang plan. Call me first bago mo gawin ang first step natin. Okay?" Hingal na hingal nitong sabi sa kaniya saka Hinalikan siya sa noo. "Sige na lalabas na ako. Wag kang umiyak,mahahalata talaga tayo niyan."
Tumango lang naman siya. Paglabas ng kaniyang Kuya ay inayos niya ang kaniyang sarili. Dinagdagan niya ang kaniyang foundation para hindi mahalata ang pag-iyak niya.
Tumayo siya para hilain ang mannequin na nasa tabi lang kanina at inilagay niya malapit sa kaniya.
Naupo nalang ulit siya at hinintay ang pagpasok ng organizer. Maya-maya ay may pumasok na isang babaeng nakasalamin na may hawak na mga papel.
"Hi,Madam. In 20mins,the ceremony will start. Be ready." Sabi nung nakasalamin at umalis na.
Agad namang tumayo ang babae at saka kinandado ang pintuan. Mabilis niyang hinubad ang gown at isinuot sa mannequin na nilagay niya malapit sa kaniyang upuan. Ngayon, suot nalang niya ay pajama at T-shirt.
Agad niyang kinuha ang jacket at sinuot ito. Dinampot naman niya ang belo na nahulog na at kinabit sa ulo ng mannequin. Huminga siya ng malalim at bumulong.
"We can do this."
Kinuha niya ang kaniyang cellphone at tinawagan ang kaniyang Kuya.
"Hello,Kuya? Start the plan." Aniya sabay binaba ang tawag. Binulsa niya ang kaniyang cellphone at sinuot ang hood ng jacket.
Lumabas siya ng bintana at bumaba kamit ang hagdanan na hinanda nilang magpapamilya bago ang araw na ito. Tatlong palapag lang ang pinanggalingan niya kaya nakababa siya agad.
Pagkababa ay tumakbo siya ng mabilis palayo sa venue ng kasal niya. Nang makarating sa isang abandonadong bahay ay tumigil siya doon at nagtago. Maya-maya ay may dumating na iting na kotse. Agad siyang lumabas sa kaniyang pinagtataguan at sumakay sa kotseng ito.
Mabilis na umandar ang kotse. Bigla namang tumunog ang kaniyang telepono kaya sinagot niya ito.
"Hello,Mom? Kakasakay ko lang po ng kotse....Sige po." Hingal na hingal niyang binaba ang telepono.
"Butler Rod,Stop daw tayo sa Silisi para makasabay natin sila. Pati pakibilisan pa po." Sabi ng babae sa nagda-drive.
"Yes,Ma'am Carolina." Sabay pinaharurot pa niya ang sasakyan.
Umiiyak sa kaba ang babae dahil baka pumalpak sila sa planong pagtakas nila sa kaniyang kasal ngunit malaki ang pag-asa niyang magawa nila ito. Puro dasal ang ginagawa niya habang tumutulo ang kaniyang luha.
Nang makarating sa Silisi ay agad nakita ni Rod ang nanay at tatay ni Carolina pati ang kaniyang Ate at Kuya sa loob ng isang sasakyan. Tumango ang tatay ni Carol hudyat na aalis na ulit sila. Agad itinaas ni Rod ang bintana ng sasakyan at pinaharurot ito.
Sa sobrang bilis nga pangyayari ay bigla nalang nabangga ng isang truck ang sinasakyan nila Carolina. Malaki ang damage nito sa backseat,kung saan nakaupo si Carol.
Unti unting nagdidilim ang paningin ni Carolina habang naliligo sa sariling dugo. Pinipilit niyang huwag pumikit dahil iniisip parin niya na kailangan nilang makatakas. Ang tamging nakita nalamang ni Carolina ay ang kaniyang mga magulat ang ang kaniyang mga kapatid na papalapit sa kaniya bago siya tuluyang pumikit.
Walang nagawa ang kaniyang mga magulang kundi ang isugod ang kanilang anak na si Carolina sa malapit na Ospital. Todo ang pag-iyak nila dahil sa nangyari. Pati si Rod ay isinugod din sa ospital.
Nasabing comatose si Carolina at hindi malaman kung kelan siya gigising. Nais sana nilang iluwas si Carolina sa Pilipinas kinabukasan at doon nalang magpagaling ngunit hindi pa pwede kaya hinintay nilaang pangatlong araw.
Pagsapit ng pangatlong araw ay nailuwas na nila ito sa Pilipinas mula sa Greece. Doon nila cinonfine si Carolina ng halos isang taon. Sa halos isang taon narin na 'yon ay nakapagtayo na sila ng isang kumpanya na mabilis nakilala dahil marami silang pera.
Sa araw mismo ng kaarawan ni Carolina ay nagising siya. Labis labis ang tuwa ng kaniyang mga kapatid at magulang. Ngunit may isang problema...
"Mom? Dad? Ate? Kuya? Nasaan ako? Anong nangyari? Why can't I remember anything?" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Carolina sa kanila.
Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang pamilya nila. Iyak lang sila ng iyak. Hindi naman maintindihan ni Carolina ang nangyayari sa kanila dahil wala nga siyang maalala.
"What's happening? Why can't I remember anything? Even my name?!" Umiiyak na sigaw ni Carolina.
"Shiann..." Pagsasalita ng kanilang ama. Napatigil naman ang lahat at napatingin sa kaniyang Ama. "SHIANN NICOLE PATRIANCA."
"Shiann? Shiann is my name?"
YOU ARE READING
I'm Inlove With Mr.Sungit [EDITING]
Novela JuvenilLanguage:TagLish Author:@trisha_mae_mae Tittle:I'm Inlove With Mr.Sungit Main Characters: Blaine Maximino Servacio. Shiann Nicole Patrianca Lofranco Damiel Punzalian Nemie Vey Sevillana