IIWMS 13 [Updated]
NEMIE'S POV
Andaming tao na nagsasayawan dito sa malaking bahay—ay mali,mansion pala kung saan ginanap ang birthday ni Punzalian.
Madami 'din ang mga nag-iinom. Parang bar na nga dito e. Mukhang mayayaman ang mga nandito at mga social climber. May mga nakikita pa nga ako na mga artista at ang iba ay mga anak ng negosyante. 'Yung ibang anak ng negosyante dito ay friend ko. Wait,anak ng negosyante? Invited sa Birthday ni Punzalian? Hmm.
"Ang daming tao,hindi na natin makita si Punzalian." Pag-aangal ni Shiann habang nakasuot ng black mask. Pinagsoot namin siya niyan para kung meron mang tauhan ang Formillez dito ay hindi siya mamumukhaan. Nagagalit nga siya sa amin dahil ang ganda daw ng matte lipstick na gamit niya tapos matatakpan lang. Haha!
"Don't worry,kahit hindi natin siya makita,okay lang. Just do what you want." Sabay nilapit ni Blaine sa amin ang tequila na kinuha niya mula sa waiter.
Nasabi sa amin ni Blaine na magkakilala na daw sila ni Punzalian dati pa. Tinatanong ko nga kung paano tapos hindi naman na siya nagkuwento. Basta daw magkakilala na sila.
"Ano 'yan?" Tinuro ko pa 'yung baso na may tequila.
"Tequila." Mas lalo pa niyang nilapit.
"No! Hindi nga kami umiinom. Red wine nalang." Sabay tingin ni Shiann sa mga tao na nagsasayawan.
Umalis naman na si Blaine para ikuha kami ng red wine. Nakinood nalang din ako sa mga tao na nagsasayawan na mukha nang zombies. 'Yung iba nakapikit na sa sobrang kalasingan. Hay naku! Grabe ang mga bituka nito! Walang pasubali kung makapaglasing! Haaayyy.
"Dito ba nakatira sina Punzalian?" Tanong ni Shiann.
"Ewan ko. Baka. Ay,hindi siguro kasi diba lola niya daw si Manang Loleng na doon na nakatira sa tapat ng bahay natin?" Naguguluhan naman ako sa sinabi ko. Ang gulo ko talaga.
"So kanino kaya itong mansion na ito?" Tumingin siya sa itaas para makita ang kabuuan ng bahay.
Tumingin narin ako sa kabuuan ng bahay at nagkibit balikat. "Ewan."
Maya maya dumating na si Blaine dala dala ang red wine namin ni Shiann pati ang tequila niya. Inabot niya sa amin 'yung wine kaya tinanggap namin.
"Kaninong bahay ito,Blaine?" Sabay lagok ni Shiann sa wine. Ako rin ay lumagok na. Matamis.
"Huh? Syempre kila Damiel. Kanino pa ba?" Kumunot pa ang noo ni Blaine habang umiinom ng tequila.
Nagtinginan naman kami ni Shiann. Huh? Kila Punzalian toh? Akala ko ba doon nakatira si Punzalian kila Manang Loleng?
"Eh?" Yun nalang ang nasabi namin ni Shiann.
"Yep. Why?" Curious si Blaine.
"Akala namin 'dun siya nakatira sa bagong tindahan nila Manang Loleng? Kasi diba Lola niya DAW yun?" Paliwanag ko.
"What? No! Dito siya nakatira..." May idadagdag pa sana si Blaine pero may biglang dumating na Babae.
Babaeng maganda...
Sobra...
Feeling ko nga Model siya e. Matangkad. Makinis. Maganda. Sexy. Lahat na! Parang gusto ko na tuloy lumubog dito. Ang ganda niya grabe!
"Hi Blaine!" Sabay beso niya kay Blaine. Si Blaine naman nagbeso din. Pinanood lang namin ni Shiann.
"Hey,Sandra!" Bati ni Blaine. "Long time no see. Kamusta?"
YOU ARE READING
I'm Inlove With Mr.Sungit [EDITING]
Teen FictionLanguage:TagLish Author:@trisha_mae_mae Tittle:I'm Inlove With Mr.Sungit Main Characters: Blaine Maximino Servacio. Shiann Nicole Patrianca Lofranco Damiel Punzalian Nemie Vey Sevillana