IIWMS 14 [Edited]

951 26 0
                                    

IIWMS 14 [Edited]

SHIANN'S POV

Pagbalik ko sa table namin ni Nemie ay wala na siya. Nilibot ko ang aking paningin para hanapin siya pero hindi ko mahanap sa dami ng tao. Nasaan na kaya 'yun? Baka kumukuha ulit ng pagkain?

Sila Blaine,ayun at mukhang palakas ng palakas ang tama. Mukhang enjoy na enjoy pa silang dalawa ni Sam sa mga babae na pumapalibot sa kanila habang nagsasayawan. Biglang nawala si Curthe? Baka umalis na o baka nililimitahan ang sarili niya dahil nga diba,may girlfriend na?

Oh,well.

Pinapanood ko lang ang alon ng tao. Andami nang knock-down. Mukha na silang lahat zombie at may kaniya kaniyang eskandalo. Hindi mo na nga mapapansin na nag-eeskandalo sila dahil sa malakas na sound system eh. Grabe! Wild kung wild! Naku,kapag ako pwede na talagang uminom hindi ako iinom ng higit pa sa kaya ko.

Bumalik ang tingin ko kay Blaine. Palapit na siya sa akin ngayon. Zigzag ang lakad. Nakangisi at mapupungay ang mata habang nakatingin sa akin. Baka hindi na talaga kaya.

"Shiann!" Tawag niya sa akin at bakas ang pagkalasing sa boses niya. Agad niya akong niyakap pagkalapit niya. Nagulat tuloy ako!

"Argh! Ano ba,Blaine! Ambaho mo! Amoy alak ka!" Pinipilit ko na maalis siya sa pagkakayakap sa akin pero ang lakas niya.

"Hmm! Don't...push me." Nakasandal ang ulo niya sa batok ko at tumawa pa. Confirm! Lasing nga! Lakas ng amats!

"Blaine!" Pilit ko siyang tinulak at mabuti naman at hindi na siya yumakap sa akin.

Pero mas nabigla ako sa sunod niyang ginawa. Hinalikan niya ako sa pisngi at ngumiti habang nakatingin sakin ang singkit at mapupungay niyang mata.

"Argh! You're drunk! Stop it!"

Tumawa lang siya at kinurot ang pisngi ko. Kinuha ko nalang yung kamay niya at inakbay sa akin at lumakad na. Uuwi na kami. Nasaan ba kasi ito si Nemie! Kainis naman!

"Saan tayo pupunta?" Husky ang boses ni Blaine.

"Uuwi na tayo. Lasing ka na at hindi mo na alam ang ginagawa mo!" Mas binilisan ko pa ang lakad at hinahanap si Nemie.

"Anong lasing? Hindi ah! Tara,sayaw tayo 'dun." Bigla pa niya ako hinatak pabalik pero hinatak ko ulit siya kaya muntik na kami matumba. Bigat mo Blaine! Aaaah!

"Kulit mo! Pag mag lalasing ka sisiguraduhin mo na kaya mo ah! Ako pinapahirapan mo e!" Patuloy parin ako sa paghahanap kay Nemie.

"Opo." Hinalikan nanaman ako sa pisngi! Arghh!!!! Kakainis ka Blaine!!!

Kinurot ko na sa tagiliran.

"Stop it! You're not funny anymore!"

Tumawa lang siya at nanahimik. Ako,patuloy parin sa paghahanap haang akay akay si Blaine. Pasalamat ka talaga,Blaine at pinapalampas ko ang mga pinaggagawa mo ngayon dahil alam ko na lasing ka! Humanda ka sakin kapag natauhan ka na.

Nakita ko na si Nemie at nakita niya narin ako na hirap na hirap kay Blaine. Kasama niya si Damiel. Kaya naman pala nawala e! Hay nako!

"Oh?! Anong nangyari?" Tiningnan lang ako ni Nemie.

"Nalasing malamang." Umirap ako.

Dumating na si Damiel.

"Lasing si Blaine?" Kinuha niya ang kabilang braso ni Blaine at nilagay sa batok niya para akayin.

"Oo e. Lasing na lasing. Sobra!" Lumakad na kami.

"Ganun? Ihahatid ko nalang kayo." Sabi ni Damiel at pinapasok na si Blaine sa loob ng kotse niya.

I'm Inlove With Mr.Sungit [EDITING]Where stories live. Discover now