IIWMS 7 [Edited]

1.2K 28 3
                                    

IIWMS 7 [Edited]

SHIANN'S POV

Tumayo ako at dumiretso nalang sa kusina dahil sa panunukso-I mean,pang-aasar ni Blaine sa akin. Eww lang,he's accusing me na tinititigan ko daw 'yung abs niya. Tiningnan,Oo,pero tinitigan? Hell,no! Bahala siya diyan. Paniwalaan niya kung anong gusto niya paniwalaan basta hindi ko tinititigan 'yung abs niya. *choked*

Narinig ko pa 'yung malakas na tawa ni Nemie kaya mas lalo akong nainis. Humanda talaga 'to sakin si Nemie pagkalabas ko. Ang lakas lakas pa ng tawa niya,akala mo wala na'ng bukas. Grr!

Hindi ko nalang sila pinansin at sinimulan 'yung paghahanda ng pagkakainan namin. Kumuha ako ng tatlong plato at inayos iyon sa ibabaw ng lamesa. Kukuha pa sana ako ng mga baso na'ng madaanan ng mata ko ang isang rat killer. Napatigil naman ako at napatingin 'dun. Naisip ko tuloy na lasunin nalang si Blaine para mawalan na ng peste dito.

Ay,erase erase,Shiann. Don't do that crazy thing. You're here to recover your memory,not to kill pests. That's not the purpose,okay?

Napailing ako at tuluyan nang kinuha ang mga baso. Inayos ko 'din ito katulad ng ginawa ko sa mga plato. Nakaramdam naman ako ng init kaya nagtali ako ng buhok. Kaya pala naghubad ng damit 'yun si Blaine dahil mainit dito e. Tsk tsk.

Pinatay ko ang ilaw para makabawas ng init. Okay lang 'din naman dahil kahit papaano ay maliwanag parin naman dahil sa liwanag na nanggagaling sa bintana.

Kinuha ko na 'yung bowl na naglalaman ng mga turon at inilagay sa center. Inumpisahan ko na 'din ang pagtitimpla ng juice at pagkatapos ay pinatong na ito sa lamesa. Nang okay na ang lahat ay lumabas ako na ako ng kusina para sabihin kay Nemie na pwede na kaming kumain.

"Psst,Nemie! Kain na." Tumigil ako ng sandali. "Tawagin mo na si Blaine."

"Huh? Bakit ako? Ikaw na." Pagtanggi niya kaya pinandilatan ko siya ng mata. "Oo nga,sabi ko nga ako na tatawag." Saka tumaas na siya.

Pumunta na ako kung saan nakalagay 'yung lamesa at umupo na. Hinintay ko nalang silang dalawa habang pinaglalaruan ko 'yung baso. Ilang minuto na ang lumipas pero wala parin sila. Ang talagal naman!

"Nemie!" Sigaw ko.

"Coming!" Sigaw niya pabalik at nakarinig ako ng mga yabag pababa ng hagdanan.Pagpunta dito ni Nemie ay hindi niya kasama si Blaine kaya nagtaka ako.

"Ang tagal mo." Angal ko. "Nasaan si Blaine? Akala ko ba tinawag mo?"

"Pababa na." Aniya at bigla naman na dumating si Blaine na nakadamit na.

Nagpretend ako na parang walang nangyari kanina at parang normal lang at hindi naiilang. Joke. Hindi naman talaga kase ako naiilang. Bleeh!

"Oh nandiyan ka na pala. Pa-VIP ka ah. Ano? Grand entrance?" Pamimilosopo ko kay Blaine.

Hindi naman niya ako pinansin at tuloy tuloy lang sa pag-upo. Hmmp! Sungit neto! Sarap hambalusin ng walis. Grr!

"Let's eat!!" Masayang sabi ni Nemie at kumuha ng turon at nilagay sa plato niya. Ganun 'din naman ako pati si Blaine.

"Ang dami nito. Mauubos kaya natin ito?" Tanong ni Blaine sa amin.

"Oo naman. Baka nga kulang pa kay Nemie 'yan e." Sabay tawa ko at tiningnan si Nemie. Tiningnan niya naman ako ng 'oh-really' look.

"Hindi ako ganun katakaw,okay?" Sabi niya. "Saka mamaya niyo na nga isipin kung anong gagawin natin sa matitira,pwede?"

"Okie." Sabi ko at nag thumbs up. Kumindat pa ako. Si Blaine naman ay tahimik lang na kumakain.

I'm Inlove With Mr.Sungit [EDITING]Where stories live. Discover now