IIWMS 1 [Edited]

3.3K 46 3
                                    

IIWMS 1 [Edited]

SHIANN'S POV

Nandito kami ngayon sa sala nila Kuya Chris at Ate Clarissa at nanonood kami ng TV. Kaming tatlo lang sa bahay lagi maliban sa mga katulong. Sila Mommy at Daddy kase ay laging busy sa Company kaya kumuha sila ng condo malapit dun. Wala na nga sila halos oras sa amin sa sobrang busy nila eh.

"Ate labas tayo mamaya. Shopping tayo,kakayamot dito sa bahay." Pagyaya ko kay ate Clarissa.

"Sige lang. Tapos pa-spa narin tayo para masaya." Sabay nag-apir kami ni Ate. Napatingin naman sa amin si Kuya na parang sinasabing 'REALLY?'

"Shiann,'wag na kayong gumala mamaya. Nahahawa ka lang sa ka-waldasan ng Ate mo." Singit sa usapan namin ni Kuya Chris.

Pinaningkitan naman ng mata ni Ate Clarissa si Kuya Chris. Nangangamoy asaran ah. "Excuse me Christian Manolito Patrianca! Sino kaya sa-atin ang naka-tatlong bili ng kotse this week?! Huh?"

"Wow! Ms.Clarissa Sandy na kaibigan ni Spongebob,matanong ko lang kung sino naman ngayon ang araw-araw bumibili ng Chanel Bag at pati mamahaling sapatos? Pati mga damit at araw-adaw din kumakain sa mamahaling restaurant pero hindi naman tumabataba?!" Pang-aasar ni Kuya kay Ate. Natawa naman ako sa pang-aasar nila sa mga names nila.

Nakakatawa lang yung Christian Manolito. Hahaha! Ang bantot naman talaga kase ng Manolito. Sabi samin nila Mommy,kaya daw Manolito ang naging second name ni Kuya dahil sinunod ito sa pangalan ng Lolo namin. Tapos yung Clarissa Sandy na kaibigan ni Spongebob. Actually,walang nakakatawa sa 'Clarissa Sandy' kaso dinagdagan pa ni Kuya na 'Kaibigan ni Spongebob' kaya naging katawatawa. Ay nako! Makaganti lang talaga eh^0^

Minsan nga napaisip ako kung bakit sa aming tatlong magkakapatid--I mean,sa aming magpapamilya ako lang yung 'S' ang unahan ng pangalan eh.  Shiann Nicole Patrianca kase ako.Yung Mommy kase namin ay Cassandra Patrianca at si Daddy naman ay Carlos Patrianca. Ano kayang naisip ng mga magulang namin at inihiwalay ang Initial ko sa mga Initial nila. Pero okay lang kase wala akong kapintasan na pangalan. Ang unique kaya ng 'Shiann' :)

"Edi ako na waldas." Sabay irap ni Ate kay Kuya. Tumayo lang naman si Kuya at dumiretso sa kusina na medyo malayo sa sala dahil sa lawak ng bahay.

"Don't listen to him,Shiann. Tuloy parin ang spa." Sabay kindat ni Ate. Napangiti naman ako sa kaniya.

"Ge..." Saka nanood na kami ulit ng TV. Ewan ko ba dito sa pinapanood namin.

Parang gago lang kase 'tong pinapanood namin eh. Pambata. Spongebob ba naman. Kaya inaasar ni Kuya si Ate na kaibigan ni Spongebob kase mahilig sa Spongebob Squarepants eh. Haha!

"Hoy Sandy na kaibigan ni Spongebob! Tara nga dito." Sigaw ni Kuya mula sa kusina kaya napabangon si Ate mula sa pagkakahiga niya sa sofa. Napairap muna siya bago pumunta dun.

Natawa nanaman tuloy ako sa pang-asar ni kuya kay ate Clarissa. Naramdaman kong tumigil si Ate kaya napatingin ako sa kaniya.

"Stop laughing."

Ngumiti lang ako sa kaniya at tumango. Ngumiti naman siya ng sarcastic at lumakad na ulit papunta sa kusina. You know what? The best siblings talaga sina Kuya at Ate. Lagi kase nila akong tinutulungan sa kahit anong bagay pag kailangan ko ng tulong. Akala niyo ganyan-ganyan lang yan pero may sweet side 'yan dalawang 'yan.

Lalo na nung nagising ako mula sa pagkaka-comatose. Wala talaga akong maalala na kahit ano nun. Actually kahit ngayon wala parin akong maalala. 'Yun lang talagang mga pangalan nila yung naaalala ko. Miski pangalan ko nga 'nun dati hindi ko maalala eh. (Kalokohan ng author! Ay sus!)

I'm Inlove With Mr.Sungit [EDITING]Where stories live. Discover now