IIWMS 15 [Edited]

1K 31 1
                                    

IIWMS 15 [Edited]

SHIANN'S POV

Nagising ako. Nasa loob parin ng kuwarto ni Blaine at balot na balot ng kumot. Tiningnan ko ang katabi ko pero wala na doon si Blaine.

Teka. Ano ba ulit ang nangyari kagabi?...

Loading....

Ahh! Oo nga pala! Nalasing si Blaine at dahil lasing siya ay hindi na niya alam ang ginagawa niya at dito niya ako pinatulog sa kuwarto niya. Kainis!

Agad nag-init ang pisngi ko! Aaaah! What the eff naman kasi! Natulog kami ng magkatabi! Magkayakap! I can't believe this!

Pinilig ko ang ulo ko at hindi nalang inisip iyon. Erase! Erase! Shiann,erase it! Walang meaning iyon. Lasing lang ang mokong na si Blaine! Ahhhh! Kainis ka,Blaine! Bakit ka pa ba kasi nalasing?!

Bumangon ako pumunta sa kuwarto namin ni Nemie. Wala na siya doon. Nasa baba na siguro. Kumuha lang ako ng damit ko at naligo na. Pagkatapos ay inayos ko na ang sarili ko.

Bumaba ako ng hagdanan at rinig na rinig ko ang boses nila Blaine at Nemie na nag-uusap at nagtatawanan. Ginapangan ako ng kaba. Gah! Shiann,relax ka lang,okay? Inhale. Exhale.

Natigil ang usapan nila ng sumulpot ako at tiningnan lang nila ako. Pati tuloy ako napatigil at tiningnan ko sila ng nakakunot ang noo.

Ngumisi naman sa akin si Nemie na mapang-asar. Si Blaine nakatingin sa akin habang nakapatong ang mga siko sa table at humihigop ng kape. Suot niya 'yung T-shirt na dapat ay isusuot ko sa kaniya kagabi. Ramdam ko na uminit ang pisngi ko kaya umiwas na ako ng tingin at linampasan na sila para kumain ng almusal.

"Problema niyo?" Sabi ko habang naglalakad.

"Wala naman." Sagot naman ni Nemie. "How's sleep?" May tono ng pang-aasar.

"Not so good." Saka ako umupo sa harapan ni Blaine na parang sinasabing kasalanan niya iyon.

Inaamin ko,naiilang ako sa kaganapan kagabi pero syempre dapat cool lang tayo. Duh? Magkatabi kasi kami matulog kagabi. Nakayakap siya sa akin,nakayakap din ako sa kaniya. Topless siya. Sino ba naman ang hindi maiilang doon? Urgh!

"Why? I thought mas malambot ang kama ni Blaine kesa sa kama natin?" Tumawa pa ang walang hiyang si Nemie. Tiningnan ko na ng masama kaya natikom ang bibig niya.

"Maliligo lang ako." Umalis na si Nemie.

Pagkaalis niya ay walang nagsasalita sa amin ni Blaine. Kumakain lang ako dito at siya naman ay nakatingin parin sa akin. Alam ko na nakatingin siya sa akin dahil tumitingin ako sa kaniya paminsan-minsan at tuwing napapatingin ako sa kaniya ay ngumingiti siya. Urgh! Mas lalo tuloy akong naiinis.

Nung hindi ko na matiis ang katahimikan naming dalawa ay nagsalita na ako. Dahil kung hindi pa ako magsasalita dito ay baka matunaw na ako sa titig ni Blaine.

"Mabuti at hindi ka nagkahangover?" Tanong ko.

Narinig ko naman ang malalim niyang paghinga.

"Actually,nagkahangover ako kanina. Ayaw ko lang ulit magpaasikaso sa iyo dahil andami mong sinasabi sa akin kagabi habang lasing ako-" Ngumiti pa ang mokong.

Nabilaukan naman ako sa sinabi niya. Alam niya iyon? Akala ko ba lasing siya?! Aaaah! Kainis ka Blaine!!!!

Tumayo agad si Blaine at kumuha ng tubig saka binigay sa akin. Ininom ko naman iyon at buti nalang at nahimasmasan ako. Ang sakit sa lalamunan!

"Thank you." "Thank you." Sabay pa kami na nagsabi 'nun.

Tiningala ko namang siya. "Huh?"

Umupo siya sa inuupuan niya kanina. "Sabi ko thank you."

"Para saan?" Umaasa ako na sana ay wala siyang maalala.

"Para sa pag-asikaso sa akin. Mula sa party hanggang sa pag-uwi." Kumurba ang labi niya. Namula naman ako.

Nanlaki agad ang mata ko sa mga sinabi niya. "A-alam mo? Na-naaalala mo?"

Tumingin naman siya sa malayo at uminom ng kape niya. "O-oo."

"Aaaah! Naalala mo iyon so ibigsabihin hindi ka lasing?! Kainis ka,Blaine! Pinahirapan mo ako!! Argh!" Todo suntok pa ako sa kaniya at sinasalag naman niya iyon gamit ang braso niya.

"W-wait! Haha! Chill ka lang!" Tawa pa siya ng tawa.

Nung napagod ako ay tinigilan ko na siya. Hingal na hingal ako. Kagigil kasi si Blaine e! Grr!

"Lasing talaga ako 'nun so I don't know what I'm doing that time. Naaalala ko lang siya ngayon. Kahit 'yung paghatak ko sayo at pagyakap 'nung patulog na ako ay naalala ko pa. So...I'm sorry." Ngumiti nanaman. Umirap nalang ako.

"Ewan ko sayo!" Tinuloy ko nalang ang pagkain ko. Tumawa naman siya na kinainis ko.

"I think hindi ko naman na kailangan mag sorry. You enjoy it,right?" Nag evil smile siya.

"Ang kapal mo,Blaine! First of all,hindi ko na-enjoy 'yon at hinding hindi ko maeenjoy! Naiinis nga ako e!" Umirap ako at tuluyan nang tinapos ang pagkain ko.

Tawa lang ng tawa si Blaine habang nilalagay ko ang pinagkainan ko sa lababo. Ako naman naiinis na sa totoo lang. Kanina pa nga e. Walang hiyang,Blaine! Urgh! Kainis talaga!

Pagkatapos ay hinarap ko na siya kaya natigil siya sa kakatawa at tiningnan ako. Naghihintay sa sasabihin ko.

"Bilang kabayaran sa mga kalokohan na ginawa mo kagabi,you'll take all the house chores here for today. Except sa room namin ni Nemie. Kami na maglilinis 'dun." Ngumiti ako ng mapang-asar.

Bumagsak naman ang mukha niya. Haha! I know this is his weakness! Ito lang ang katapat mo,Blaine! Haha!

"What? Oh,you're so unfair,Shiann." Umayos siya ng upo. "Washing the plates is enough."

Lumakad na ako palabas ng kusina. "No,Blaine. Do it all. Period." At tuluyan na akong umalis.

Narinig ko pa siya na umaalma pero wala na siyang nagawa. Haha! Mabuti 'yan sayo,Blaine! If he's evil...I'm more evil. Sabi na nga ba at house chores lang ang magpapabagsak sa'yo. Now I know. Lols. Hahaha!

Kinuha ko ang cellphone ko sa kuwarto namin ni Nemie at humiga sa kama ko. Sinubukan kong tawagan sila Ate Clarissa.

"Hi,Shiann! Kamusta?" Pambungad ni Ate sa akin.

"Okay lang. Bisita naman kayo dito ni Kuya paminsan minsan! Miss ko na kayo e." Nagpout ako.

"Oo. Pupunta kami diyan ni Chris. And sometimes,isasama namin si Alliah."

Napangiti ako ng malaki sa sinabi ni Ate! Yeheeyyy!!! Sobrang miss ko na silaaaaa! At isasama daw si Alliah dito!! Waaaaah! Sobrang saya nun.

"I can't wait, Ate! Kelan?"

"Next week? I dunno. Kung kelan free si Chris." Aniya. Mejo nadismaya naman ako kase laging busy si Kuya e. Baka matagalan sila huhu!

"Okay, kausapin ko si Kuya. Nandiyan ba?"

"Wala. Nasa office e. Mamaya pupunta din ako dun."

"Busy?"

"Ahm, hindi naman. May inaasikaso lang dito pero di naman sobrang busy. Don't worry pupunta kami diyan next week."

Ngumiti ulit ako.

"Kamusta kayo diyan? Si Blaine nasaan?" Aniya.

"Ayun, nasa baba pinaglilinis ko. Kase may kasalanan sakin HAHAHA!"

"Weh, ikaw lang nakagawa ng ganyan kay Blaine! I salute you! HAHAHA!" tumawa lang din ako. "Anyway, mag aayos na ako, lilsis. Pupunta na ako sa office."

"Okayy! See you next week, Ate."

"See yah, I love you!"

"Love you too!"

At doon natapos ang call namin ni Ate.

I'm Inlove With Mr.Sungit [EDITING]Where stories live. Discover now