***18***
CASSEY'S POV
Kanina pa ako nagsasalita dito sa kotse pero single words lang ang isinasagot nila Juliann at Sarah sa akin. Kung hindi 'Oo'...'hindi' naman ang sasabihin. Aish! Kanina nga tinanong ko si Sarah kung anong balak niya pagkatapos ng summer job na ito. Aba! Nag kibit-balikat lang! Tsk tsk! Ano ba kasi ang nangyayari sa kanilang dal'wa?
Nilabas ko nalang yung cellphone ko at saka nag browse sa facebook. Click here,scroll there! Wala namang ganap ngayon eh! Maliban nalang sa....
.....bagong kanta ng BTS! Lahhh! Napatigil ako sa pag-sscroll para makita at mabasa pa iyon.
Euphoria [MV] BTS (Bangtan Sonyeondan)
Clinick ko ang play button pero hindi parin nagpe-play. Ay,nakess! Free data lang pala ang gamit ko! Wala bang wifi si Juliann dito sa kotse niya?
Ganun pa man ay napatili parin ako. "AAHH!"
Mula sa sulok ng mata ko ay nakita kong napapitlag ang dalawa at napatingin pa sa akin si Sarah. My gosh! Bakit hindi ako updated? Ang dami na nilang bagong kanta pala!
"Cassey! Anong nangyari?" Tanong ni Sarag pero hindi ko iyon pinansin.
"OMG! O.M.G!" impit kong sigaw.
"Cassey!" Sigaw ulit ni Sarah.
This time, ako naman ang napa pitlag. Tiningnan ko siya ng nakakagat sa labi para mapigilan ko ang sarili ko.
"Sarah! Oh my gosh Sarah!"
"Ano ba ang nangyayari diyan? Ano?" Nakatingin parin siya sa akin. Sa sobrang excitement ko hindi ako makapag salita!
"Ang BTS..." Mariin akong pumikit at ibinaon muli ang ngipin sa aking labi. Waaah!
"Huy. Anong meron sa BTS?" Tanong niya at sandaling sumulyap kay Juliann na na hindi mi malaman kung natatawa ba o hindi.
"Look!" At dahil hindi ako makapagsalita.. Inabot ko nalang sa kaniya yung cellphone. Malapit na kami sa shop.
Kinuha niya iyon at binasa. Unti unti siyang nagtataas ng kilay na parang sinasabi sa cellphone ko na 'so what?'. Army kaming dalawa ni Sarah pero bakit parang wala lang sa kaniya yung mga kanta nilang ni-launch?
Inabot niya sa akin ang cellphone ko kaya kinuha ko ito. Tiningnan niya ako ng lukot ang kaniyang mukha. Parang sinasabi sa aking 'really? Is that all?'.
"Yun lang 'yon? Ang Oa ah." Aniya at tumingin nanaman sa daanan at tumahimik na.
Sumimangot lang ako. Nakita ko pang nagpipigil ng tawa si Juliann habang tinitingnan ako sa likod. Bakit ba ang weird ni Sarah ngayon? Dati nga kapag may mga gantong ganap nakikihiyaw din siya sa akin eh. Siguro alam niya na ang tungkol dito tapos hindi niya lang ako ininform. Ang damot lang.
SARAH'S POV
Nandito na kami sa tapat ng shop kaya tinanggal ko na yung seatbelt ko. As long as na nakadikit yun sa balat ko ay ganun din katagal ako hindi makahinga. Hindi ko rin alam kung bakit.
Lumabas na si Cassey sa may backseat at bumuntong hininga ako bago binuksan ang pintuan sa passenger's seat saka iniwan na si Juliann sa loob. Mukha naman kasi siyang walang balak na lumabas. Ni-hindi pa nga niya tinatanggal yung seatbelt niya eh.
"Sarah, anong oras daw tayo uuwi?" Tanong ni Cassey habang sinusuklay ang buhok niya gamit ang sariling daliri.
Narinig ko rin na lumabas na si Juliann sa kotse niya dahil sa kalabog ng pintuan nito. May mahinang tigidig nanaman na namumuo sa dibdib ko. Argh!
YOU ARE READING
I'm Inlove With Mr.Sungit [EDITING]
Teen FictionLanguage:TagLish Author:@trisha_mae_mae Tittle:I'm Inlove With Mr.Sungit Main Characters: Blaine Maximino Servacio. Shiann Nicole Patrianca Lofranco Damiel Punzalian Nemie Vey Sevillana