***17***
SARAH'S POV
"Kailangan ba talaga nating sumabay doon kay Juliann?"
Kanina pa kami nag-aaway dito ni Cassey dahil kay Juliann daw dapat kami sumabay. Eh ayaw ko nga eh! Pwede naman kami mag-commute nalang. Hindi naman na kami bata.
"Oo naman. Pati ayun ang utos ng Daddy mo eh." Sabay lagay niya ng lipstick sa mga labi niya.
Umupo ako sa may kama at tiningnan siya sa may salamin. "Commute nalang kasi tayo."
Humarap siya sa akin sala nagpamewang. "Bakit ba ayaw mong sumabay kay Juliann?"
Malamang nakakabwiset siya! Hmp!
"Kasi nga... Ano... Ahm.." Kumamot ako sa ulo ko.
Ngumisi lang naman siya. Isa ka rin eh! "Ano?"
Umirap ako sa kaniya saka bumuga sa hangin. "Alam mo? Pwede naman talaga ako mag-commute mag isa eh. Mag-sama kayo ng tigre na iyon!" Saka ako tumayo.
Lumapit ako sa may kinalalagyan ng purse ko at hinablot iyon.
*BEEP!*
"Andiyan na si Juliann. Let's go." Sabi niya pagkaharap sa akin.
Nataranta naman ako sa sinabi niya. No! Hindi pwedeng makita ko iyon! Aish!
"Ayos ka lang ba,Sarah? Bakit parang nakakita ka ng multo?" Kumaway kaway pa si Cassey sa harapan ng mukha ko.
"H-hindi. A-ano." Pinunasan ko ang namuong pawis sa noo ko.
"Tara na nga!"
Bigla nalang niya hinablot ang kamay ko. No way,Cassey! Ayoko talaga!
Nagpahatak na ako sa kaniya dahil kahit anong pagpupumiglas ang gawin ko ay hindi naman umuubra sa kaniya. Jusko po,Cassey! I don't want to.
Tuluyan na kaming nakarating sa labas at nasa gilid kami ng kotse ni Juliann ngayon. Lumabas si Juliann mula sa may Driver's seat at nakita ko na naka shades siya. Hindi ko allam kung bakit pero bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko. Barang may mga kabayo nanaman sa loob ko na nagre-race.
"Cassey! Sarah!" Sigaw niya sa aming dalawa at lumapit.
"Hi Juliann. Ayos pormahan natin ngayon ah?" Sarkastikong sambit ni Cassey.
Ako naman itong napakatahimik pero nag paparty parin yung mga kabayo sa loob ng puso ko. My goodness! Ano na ba ang nangyayari sa akin ngayon? The last time I feel this way back in highschool. Pero hindi pwedeng mangyari ito! Not for him! No! Never!
Marahang humalakhak si Juliann dahil sa sinabi ni Cassey at binuksan ang pinto sa backseat.
"Hop in." Sabi niya.
Naunang pumasok si Cassey at papasok narin sana ako pero hinawakan ni Juliann ang pulsuhan ko saka isinara ang pintuan kaya napatingin ako sa kaniya.
"Juliann, sa tabi nalang ako ni Cassey." Sambit ko sa kaniya at sinubukang kumawala sa kamay niya pero mas lalo pa niya itong hinigpitan. Ano nanaman ba ang problema nito?
"Juliann!" Saway ko sa kaniya pero nanatili lang siyang tahimik. Kumukurba narin ang labi niya.
Binuksan niya ang pintuan sa passenger's seat pero nanatili akong nakatingin sa kaniya na nakataas ang kilay.
Unti-unti na ring nagsasalubong ang kilay niya. "Pasok na,aba!"
Wala sa sariling pumasok ako sa kotse niya. Pinagpapawisan nanaman ako kaya ipinaypay ko ang kamay ko sa aking mukha pagkapasok sa kotse niya.
YOU ARE READING
I'm Inlove With Mr.Sungit [EDITING]
Fiksi RemajaLanguage:TagLish Author:@trisha_mae_mae Tittle:I'm Inlove With Mr.Sungit Main Characters: Blaine Maximino Servacio. Shiann Nicole Patrianca Lofranco Damiel Punzalian Nemie Vey Sevillana