IIWMS 6 [Edited]

1.2K 38 1
                                    

A/n: Hello sa mga readers ko!! Mahal na mahal ko kayo. Tuloy niyo lang pagsuporta sa story ko kahit mukhang ewan siya. Thank you din pala. Hehe. ILOVEYOUUU! (Sana may mag ILYT)

IIWMS 6 [Edited]

BLAINE'S POV

Nandito ako ngayon sa salas. Nanonood ako ng TV dahil boring 'dun sa kwarto. Ilang araw narin akong nababagot sa mumunting bahay na 'to. Kase naman e! Hindi naman talaga ako sasama dito but because my mom convince me too much,napasama nalang ako. Ang kulit kasi ni Mommy e.

Nanonood lang ako ng kahit anong pwedeng panoorin sa TV dito. No bad 'din naman kase may cable ang TV dito at flat screen pa. Pati kahit papaano maluwag 'din at maayos ang bahay. Hindi narin masama. Boring lang talaga. Paano ba naman kase puro babae ang kasama ko. Mga may tililing pa. Minsan nga napapaisip ako kung anak mayaman ba talaga si Shiann e. Mukha kasing hindi. And what more? He's calling me 'Mr.Sungit'. Nakakabwiset lang.

Nililipat lipat ko ng channel 'yung TV hanggang sa napunta sa basketball. Tinigil ko doon at nanood. Naalala ko tuloy 'yung pinanood namin 'nung nakaraan na basketball. Medyo magagaling 'yung mga player dito sa probinsya. Medyo lang naman. Wala parin makakatalo sa akin. Joke.

Nanonood lang ako ng biglang narinig ko nanaman 'yung boses ng dalawa mula sa itaas. Nilingon ko iyon at napakunot nanaman ng noo. Ang sakit ng mga boses nila sa tenga. Sobra. Pababa sila ng hagdanan kaya nilubayan ko na sila ng tingin. Tinuon ko nalang ang pansin ko sa TV.

"Uy Mr.Sungit,nandito ka pala?" Tanong ni Shiann at tumabi sa akin kaya umusog ako.

Hindi ko nalang pinansin 'yung sinabi niya. Ang bobo kase. Malamang nandito ako,nakikita niya nga ako diba? Haays. Ano 'bang klaseng tao 'toh?

"Wow,basketball nanaman." Sabi naman ni Nemie na nakaupo sa tabi ni Shiann. Bale tatlo na kaming nakaupo ngayon sa mahabang upuan na 'toh. Nakakairita talaga sila.

"Uy,Nemie,'diba may nakasagutan ka na basketball player 'nung nanood tayo sa covered court?" Sabi ni Shiann. Pinipigil ko naman 'yung ngisi ko. "Ano? Naka move-on kana ba?" Saka siya humagalpak ng tawa.

"Baliw! Bakit ko naman kailangan mag move-on? Sus,e,parang 'yun lang e." Tumawa 'din si Nemie. See? Mukha silang Baliw.

"Eh? Pero pag-uwi natin dito 'nun nakailang baso ka ng tubig kakapakalma sa sarili mo. Remember? Muntik mo pa mabitawan 'yung baso sa sobrang inis mo." Pang-aasar ni Shiann. Hindi ko naman alam 'yun dahil umakyat na agad ako sa kwarto ko pagkadating namin dito.

"Syempre kahit sino naman ganun 'yung mararamdaman kapag may nakasagutan e." Sabi ni Nemie. "Ikaw nga pagkatapos niyo magsagutan ni Blaine kagabi naglumpasay ka sa ibabaw ng kama mo e."

Nilakasan ko 'yung volume sa ng TV dahil ang lakas ng boses nila. Hindi ko na marinig 'yung TV. Ang chismosa naman kase nitong Nemie na 'to e. Pati 'yung kagabi kinekwento pa ngayon. Kagabi kase nagkasagutan nanaman kami ni Shiann dahil ako 'yung pinaghuhugas niya,e,anong alam ko sa panghuhugas? Wala naman akong alam sa kahit anong house holds e.

Natahimik silang dalawa at ramdam na ramdam ko ang mga tingin nilang tumutusok sa akin. Sinulyapan ko silang dalawa saglit at tumingin nanaman sa TV. Tama nga ako,nakatingin sila sa akin.

I'm Inlove With Mr.Sungit [EDITING]Where stories live. Discover now