Chapter Four

14 3 0
                                    

Elaine's POV

Ang hirap talaga kapang ang daming umoorder na kakapagod tapos isa ka lang na kumukuha ng order nila tapos mag-isa ka din na mag hahatid sa mga pagkain pero malaki naman ang kita kaya okay lang

Nagsara ng bandang ala singko kaya may oras pa ako para magayos dahil ala sais pa naman ang simula ng pagiging hugotera girl ko

"Sige na puwede ka ng umuwi ako ng bahala dito"

"Salamat po Aling Kim"

Pag katapos kong tanggalin ang apron ko takbo doon takbo dito ang ginawa ko sobrang bagal ko pa naman mag bihis tapos kailangan ko pag maligo madali naman matuyo ang buhok ko ang problema ko na lang matagal akong mag ayos.

"Nagmamadali ka nanaman" bungad ni mama sa akin

"Eh ma kailangan ko pag mag ayos mag vj pa ako"

Agad-agad akong umakyat ng malalaki ang hakbang bahala na kung mahulong ako sa ginagawa ko ang mahalaga  mabilis akong makakaakyat

May isang oras pa ako para mag ayos kaya dali-dali ako na ligo siguro mga 5mins lang ako na ligo tapos makeup lang na pag fresh lang ang dating ootd ko ngayon ay  black ripped jeans, white t-shirt pinatungan ko lang ng leather jacket tapos black heels

Pagkatapos kong mag bihis hinati ko lang sa gilid yung buhok ko at hahayaan lang na matuyo ng kusa dinala ko din ang black kong shoulder bag di ko talaga favorite ang black *sarcastic* Bumaba na ako para mag paalam kila mama at papa

"Ma aalis na po ako"sabay halik sa pisngi nila

"Hindi ka po ba sasabay sa amin kumain ate?" tanong ni jay sa akin

"Hindi na ako makakasabay traffic pa naman papuntang studio"

Pag labas ko ng bahay nasalubong ko si Yamelyn umiiyak at namumula pa yung pisngi

"Bakit ka umiiyak?! Bakit mapula yang pisngi mo?!"

"Ate...nakita ko sila...naghahalikan...hindi ko natiis kaya sinampal ko yung babae...kaya...gumanti din yung babae"

Pag katapos niyang sabihin sa akin yun niyakap ko agad siya ayoko na sanang pumasok pa sa trabaho lalo na at alam kong nasasaktan ang sarili kong kapatid pero kailangan kong mamili

"Huwag kang mag alala bukas na bukas susugod ako sa bahay ng piste mong boyfriend at sa kalandian nito"

"Sa ngayon kailangan muna ni ate magtrabaho sana maintindihan mo. Okay?"

Tumango lang ito kaya kinalas ko na ang yakap ko sa kanya at sumakay na ng jeep

--------------------------------------
Pag dating ko sa studio dali-dali akong umupo para mag simula na ang programa

"Late ka ng ten minutes ah" puna sa akin ni Jazz isa sa mga kaibigan ko dito sa studio

"Pasensya na traffic kasi eh"

"Ready! Malapit na tayong mag on air at count of Three! Two! One!"

Pumula na yung on air kaya simula na ng magiging Hugotera Girl ko

"Miss Hugotera girl, kasalanan ko po ba kung umasa po ako na merong kami kasi po yung ex ko po mahal ko pa tatlong beses niya na po akong nasaktan sa ika-tatlo po akala ko po merong kami kaya tinong ko po kung meron nga po kami. Sabi niya po wala kaya sobra po akong nasaktan sobrang sweet niya po kasi ng iloveyou-han kami sa isa't isa may call sign din kaya akala ko po may relasyon po talaga kami."

"Sa totoo lang huwag kang masasaktan ah pero oo ikaw ang mali wala naman kasing sinabi yung tao na umasa ka at hindi naman porket may call sign kayo at ng iloveyou kayo sa isa't isa eh kayo na. Hindi naman matutukoy kung kayo na talaga mas mabuti pa na hindi ka na lang umasa para hindi ka nasasaktan kasi hindi ka bato na walang nararamdaman, tao ka na may nararamdaman  at sa panahon ngayon napakadali na lang sabihin yung mga salitang i love you  pero mahirap malaman kung totoo at galing sa puso"

"Hello Hugotera Girl, nanliligaw ako sa isang babae lahat lahat naman ginagawa ko para sa kanya pero sinabi niya sa akin na tumigil na ako pero umiiyak naman siya. Ititigil ko ba or ipagpipilitan ko pa?"

"Medyo mahirap ang situation mo kasi hindi kasi sigurado yung girl may iba kasi na babae na kapag sinabi nilang itigil na kabaliktaran yung gustong magyari may iba naman na hanggat maaga pa ay itinitigil na. Ang magandang solusyon jan tanongin mo siya ulit kung sure na sure na ba talaga siya sa gusto niyang magyari kapag sure na siya itigil mo ng isang linggo sa loob ng isang linggo at hindi ka niya kinakausap,iniiwasan at lumalayo na siya sayo itigil mo na at maghanap ka na ng iba mas makakabuti kung mag focus ka muna sa sarili mo at kung sa loob naman ng isang linggo bigla ka niyang kinausap lambingin mo at sabhihin mo: "Mahal na mahal pa rin kita kahit ayaw mo na handa akong mag hintay kung kailan ka magiging handa" kapag niyakap ka niya ligawan mo ulit kapag tumakbo siya habulin mo. Baka sa ganoong paraan maramdaman niyang mahalaga siya sayo baka sa ganoong paraan masabi niya na ang swerte niya dahil meron siyang manliligaw na katulad mo."

Kung ako yung babae bakit ako iiyak? ako na ng sabi na itigil ko na tapos ang ikikilos ko parang labang pa sa loob ko yung gusto kong iparating.Para ano? Para makipaghabulan? Para masaktan lang si boy tapos magsisi bandang huli

"Last Caller, on the go"

"Hello Ms. Hugotera Girl good evening po!"

"Good Evening din! Mukhang happy ka naman anong problem mo?"

"Ms. Hugotera Girl, lately po kasi parang wala ng gana yung boyfriend ko sa akin parang hindi na tulad dati na masaya kami, lumalabas na nonood ng sine or date kami ngayon po kasi parang sawa na siya sa relasyon namin wala na po siyang oras para sa akin. Ano po ba yung gagawin ko?

" Bakit hindi mo na lang kausapin yung boyfriend mo malay mo may dahilan pala siya kung bakit parang wala na siyang gana or parang sawa na siya. Pero sana handa ka sa kahit anong rason niya kasi sa narining ko mukhang....dahan dahan ka niyang inihahanda sa break up ninyo. Pasensya na pero iyon talaga ang totoo wala naman akong nakikitang ibang magandang dahilan kung bakit nagiiba ang kilos ng boyfriend mo kung hindi gusto na niya na talagang bumitaw alam kong gusto mo pang makapiling siya pero siya mismong ayaw na kaya sana palayain mo na. Alam kong hindi ka pa handa pero sana kapag dumating ang oras na sasabihin niya na bibitaw siya sana palayain mo siya dahil ang totoong ng mamahal ay handang mag palaya."

"Thank You po Ms. Hugotera Girl. Alam ko pong darating ang araw na sasabihin niya din na ayaw na niya suko na siya pero sana sa araw na rin na yun sana handa ko din po siyang palayain."

-------------------------------------------------
Thanks for reading!!!💙💙💙



The Hugotera Girl  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon