Chapter Twenty

4 0 0
                                    

Nang gabing din yun ay niyaya ako ni Kisslyn na kumanta sa gig niya kaya pumayag ako pero sa pinakadulo na ako kakanta

Madalas na kinakanta nila ay puro love song dahil puro couple ang restaurant na ito nitong nakaraang buwan ay napapansin ko na sumisikat na ang resturant na ito sa dami ng mga taong pumupunta

Ang ilan ay mga college students na paghapon at gabi na umuuwi yung iba naman ay callcenter agent

May iilan din na matatanda na senior na mukhang suki na ng bar and resturant na ito

Dumating ang oras na kailangan ko ng kumanta ito na ang huling awitin kaya ang kakantahin ko ay kathang isip

Di ba nga ito ang iyong gusto
O ito'y lilisan na ako
Mga alaala'y babaon
Kalakip ng tamis ng kahapon
Mga gabing di namamalayan
Oras ay lumilipad

Habang kumakanta ako ay may papikit-pikit pa ako habang iniisip kung tama pa bang patuloy ko pa rin siyang mahalin dahil mukhang malabo ng buohin

Mga sandaling lumalayag
kung sa'n man tayo mapadpad
Bawat kilig na nadarama
sa tuwing hawak ang iyong kamay
Ito'y maling akala,
isang malaking sablay

Siguro masyado lang akong madaling ma-fall yung konting sabihan lang ng matamis na salita kikiligin na agad hulog na hulog na ko tapos hindi naman pala ako sasalohin

Pasensya ka na
sa mga kathang isip kong ito
Wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo
Ako'y gigising na
sa panaginip kong ito
At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo, lalayo sa

Yung ang sarap lang sa panaginip na akin ka pa yung hanggang sa panaginip na lang kita makikita na ako yung may hawak sa kamay mo yung ako pa yung babaeng mahal mo

Gaano kabilis nagsimula
Gano'n katulin nawala
Maaari ba tayong bumalik sa umpisa?
Upang 'di na umasa ang pusong nag-iisa

Sana kaya pang ibalik sa umpisa para alam ko na kung anong magyayari para maihanda ko na yung sarili ko na dapat hindi ako mahulog ng sobrang lalim para hindi din sobrang sakit yung nararamdaman ko

Pero kahit sa'n man lumingon
Nasusulyapan ang kahapon
At sa aking bawat paghinga
Ikaw ang nasa isip ko, sinta

Hanggang sa pagtulog ko ikaw pa rin yung naiisip ko, hanggang sa pagdilat ng mga mata ko na lubos na lumuluha sa tuwing naalala ka, hanggang sa pagsapit muli ng dilim na hindi ka kasama

Kaya't pasensya ka na sa mga kathang isip kong ito
Wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo
Ako'y gigising na
mula sa panaginip kong ito
At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo, lalayo sa

Kapag ng kita tayo sabihin mo lang na pakawalan kita papakawalan na kita, sabihin mo lang na ayaw mo na bibitawan na kita, sabihin mo lang na sumusuko ka na hindi na kita pipilitin pa kahit mahal pa rin kita.

Pagkatapos kong kumanta agad akong pumunta sa banyo para umiyak pinigilan kong umiyak habang nasa stage

Kumatok ng kumatok si kisslyn alam kong si kisslyn yung kumakatok dahil panay ito sa pag tawag ng ate

Alam ko din na nakita ako nitong lumuluha habang papunta sa banyo. Alam din nito ang pagyayari na nakita ko si Keth kasama yung babae pati ang pagpunta nito sa flowershop

Naghumupa na ang pagiyak ko tsaka lang ako lumabas ng banyo ang una kong nabungaran ay si kisslyn

"Ate okay ka lang ba?" tumango lang ako dito tsaka na ako lumabas ng gusali

Kailangan kong makakuha ng fresh na hangin para din pakalmahin ang puso kong wasak

"Ang ganda ng boses ah na miss ko" lumingon ako sa ng salita muntik pa ko muling umiyak ng makita ko ang taong dahilan kung bakit ako umiiyak at durog ang puso

"Bakit ka nandito?" Hindi ko ito tinignan hindi ko na sinubukan makipagtitigan sa kanya dahil baka lalong lumalim pa ang pagmamahal ko sa kanya

"Alam ko kasi na dito kita makikita" isang mahabang katahimikan ang namagitan sa amin

"Yung nakita mo pala kanina sa--" pinutol ko na siya sa pamamagitan ng pagsagot sa dapat niyang sabihin

"Yung babae? Fiancee mo diba? Kailan ang kasal? Invited ba ko?" sabay tumawa na lang ako na halata naman na peke yung tawa ko

"Let me explain please" hinawakan pa nito ang kamay ko tapos pinaharap ako nito sa harap niya

"It just for business baby. The marriage display lang yun for business puwede kaming mag divorce after" hinawakan pa nito ng mahigpit ang kamay ko

"Please baby understand me for now please after this sayong-sayo na ko" umiling ako nakita ko pa ang pagkunot ng noo nito dahil sa pag iling ko

"Wala naman kasiguruhan kung makakapaghiwalay pa kayo at isa pa ang marriage hindi isang laro na puwede kang mag-quit kapag pagod ka na pagmatagalan yan kaya dapat ngayon pa lang may final decision ka na,sino ba talaga sa amin ang bibitawan mo?"

Umiling-iling ito na tila ayaw marining ang mga sinabi ko "No baby you don't understand yung kasal para lang yun sa business hindi ko siya mahal hindi ko siya kayang mahalin. Hindi siya ang nakikita kong magiging asawa ko"

Inalis ko sa pagkakahawak ng kamay niya sa kamay ko "Ano lokohan? Magpapakasal ka for business tapos ako paghihintayin mo ulit? Huwag mo kong gawing tanga Keth ang tagal ko ng naghintay sayo tapos pagbalik mo may kasama ka na pa lang iba ang malala ikakasal na kayo. Baka naman kapag pinaghintay mo ko ulit at ako naman si tanga maghihintay na bumalik ka at pagbalik mo may karga ka ng bata bumubuo ng sarili mong pamilya"

Hinawakan nito muli ang kamay ko pero iniwas ko ito hinihila ako nito palapit sa kanya hanggang sa tuluyan na akong napayakap sa kanya

"Alam mo Keth mas madali kung mamimili ka kung sino sa aming dalawa ang kaya mong bitawan o kaya mong ipaglaban. Wala akong pakialam kung para sa business mo pa yan ang akin lang tama na, masakit na sobra kaya please lang mamili ka na lang para matahimik na ang buhay natin"

Kinalas ko ang pagkakayakap nito sa akin hanggang sa lumakad ako pauwi na hindi ko alam kung paano ako nakauwi ng matiwasay habang punong puno ng luha ang mga mata.

---------------------------------------------

Thanks for reading!! 💙💙💙

The Hugotera Girl  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon