Chapter Twenty-One

3 0 0
                                    

Rining na rining ang pagbuhos ng ulan na tila may bagyo malakas na ihip ng hangin dala ng patuloy na pagbuhos ng ulan.

"Bumangon ka na anak tumawag ang boss mo kanina sa flower shop isasarado daw muna yung shop dahil malakas ang ulan"

Imbes na tumayo ako ay mas lalo lang ako ng takip ng kumot kung titignan ko ang mukha ko ngayon malamang na namumugto ang mata ko dahil sa pagiyak ko kagabi.

Ilang tissue ang nasa sahig at basang-basa ang side ng unan ko dahil sa pagtakip ng mukha ko kagabi habang umiiyak.

"Ate kumain ka na muna tanghali na hindi ka pa rin bumabangon wala ka nanaman balak maligo dahil malamig ang panahon pero kailangan mong bumangon at kumain" Sabi ni kisslyn

Wala akong nakagawa kundi ang kainin ang niluto ni mama magagalit naman si mama sa akin kapag hindi ko kinain yung niluto niya.

Pagkatapos kong kumain ng ayos ako ng mukha ko at naligo na rin ayaw kasi nila mama at papa na hindi kami naliligo dahil lang sa malamig naman ang panahon.

Pagbaba ko sa sala may nakaupong lalaki pero hindi ko agad makita dahil nakatayo sa harapan nito si papa kaya naman mabilis akong bumaba ng hagdan para makita kung sino ang bisita.

"Sino yang--Anong ginagawa mo dito?" tumalikod ako sa taong nakaupo sa sala namin para pumunta ng kusina sabay takbo pataas para hindi na makita ang mukha ng taong dahilan ng pagiyak ko kagabi.

"Please mag-usap naman tayo" hawak nito ang kamay ko sumunod pala ito sa pagpunta ko ng kusina

"Ano pa bang pagusapan natin? Tapos na kagabi hindi ba?" nakita ko naman sa gilid ng mata ko na pinapanood kami nila mama at papa pati sila kisslyn at luhan sila Jay at Jaya ay wala sa bahay

"Please mag-usap tayo hindi pa tapos kagabi madami pa akong dapat sabihin" hinarap ko naman ito

"Ano pa bang dapat mong sabihin? Hindi ba ikakasal ka na? Oo nga pala yung date ng kasal mo hindi mo pa na sasabi tsaka kung invited ba kami?"

Pumunta naman ako sa sala para umupo habang sila mama at papa ay nasa gilid ko umupo si keth naman nasa harapan namin.

"Kung gusto mo pumunta puwede ka pumunta. Yung kasal para lang yun sa business wala ng iba pang dahilan after eight months maghihiwalay din kami."

Tumawa naman ako ng payak "Sige pupunta ako para masabihan ko yung magiging asawa mo na HUwag ka ng pakawalan"

Hinarap ko ito ulit "Alam mo keth sa ginagawa mo parehas lang tayong nahihirapan pati yung magiging asawa mo pinapahirapan mo at sinasaktan mo hindi mo ba nakikita mahal ka din nung tao sa tingin mo hindi siya masasaktan sa gagawin mo? Pakakasalan mo lang siya para lang sa business tapos hihiwalayan mo din?"

Lumuhod sa harapan ko si Keth "I don't have any choice kailangan ko lang magpakasal para sa business at hindi ko siya mahal ikaw ang mahal ko. Oo masasaktan ko siya pero ikaw ang iniisip ko konting tiis na lang magiging malaya na tayo puwede na kitang pakasalan after eight months."

Tumayo ako sa harapan nito kaya gayun din ang ginawa ni keth "Alam mo keth kung hindi na puwedeng bumalik sa dating tayo, puwede mo ba ako ihatid sa dating ako? Ayokong umabot sa puntong sirang-sira na ko ayokong dumating sa puntong durog na durog na ko at mas lalong ayokong dumating sa puntong wasak na wasak na ko na hindi ko na kayang buohin yung sarili ko kaya puwede ba umalis ka na lang magpakasal ka kung yun ang makakatulong para sa business ninyo."

Umakyat na ako sa taas at ng kulong sa loob ng kwarto ko ayoko ng lumabas lalo na kung nasa baba pa siya at hinihintay pa ako para lang wasakin muli ang puso ko.

Durog na durog na ako simula kagabi at mas lalo lang na dudurog lalo na at ganoon pa rin ang kalalabasan ng usapan namin.

Walang magbabago matutuloy pa rin ang kasal nila matatali pa rin siya sa ibang babae pare-parehas kaming masasaktan o baka panandalian lang yung sa kanila.

Maaaring matutunan mahalin ni keth ang mapapangasawa niya at bubuo sila ng pamilya samantalang ako bunubuo pa lang yung sarili ko.

Maaaring maging masaya sila habang ako umiiyak mag-isa pero hindi ko sila gugulohin hahayaan ko sila maging masaya kahit ako lang yung wasak.

"Ate umalis na si Kuya" umupo si kisslyn sa kama ko "Alam ko naman na nasasaktan ka pero baka puwede mo naman siyang pagbigyan"

Nilingon ko si kisslyn "Naririning mo ba yung sarili mo? eight months! eight months yung sasayangin ko na walang kasiguraduhan na mas lalo lang kaming mahihirapan"

"Ano ba yung kinakatakot mo?" Umiling ako kay Kisslyn "Wala akong kinakatakot kisslyn ang akin lang gusto ko ng matapos ang lahat gusto ko siyang mamili kung sino ang bibitawan niya kaya ko naman tanggapin ngayon pa lang kung yung babae ang pipiliin niya pero hindi ko kayang maghintay hanggang matapos ang eight months nilang magasawa na wala naman kasiguraduhan kung magkakabalikan ba kami."

"Ate nakita kong umiyak si Kuya kanina mukha din siyang walang tulog"

Nagtakip ako ng kumot at hindi na nagsalita wala naman akong magagawa kung kulang siya sa tulog pare-parehas lang kaming wasak ngayon ramdam ko naman na mahal niya pa ko pero after eight months na kasama niya yung magiging asawa niya baka hindi niya na ako mahal o hindi na siya nakakaramdam ng pagmamahal sa akin.

Tumayo ako muli at hinalungkat yung mga gamit ko. Mga gamit na binigay ni keth sa akin dati nilagay ko silang lahat sa iisang box ibabalik ko sa kanya o kaya itatago ko ayoko naman ipamigay sa iba.

Umupo naman ako sa kama ko at tumingin sa labas ng bintana malakas pa rin ang pagbuhos ng ulan malakas pa rin ang hangin na tila sumasabay sa pagpatak ng luha ko.

Para silang nakikiramay sa nararamdaman ko ngayon para silang mga kakampi ko na sila lang ang masasandalan ko sa mga oras na ito.

---------------------------------------------

Thanks for reading!! 💙💙💙

The Hugotera Girl  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon