Elaine's POV
Ngayon ang day off ko mugtong mugto ang mata ko kakaiyak
Kakagising ko lang at naisipan kong pumunta ng divisoria
Dahil madami dami din ang kailangan kong bilhin para sa bahay
Nakahanap na din ako ng bagong trabaho kaya bibili din ako ng damit ko
Ang gagamitin kong sasakyan ay ang sasakyan ni Manong Peter na kaibigan ni papa
Bumaba ako pagkatapos ko mag hilamos
Mukhang tulog pa sila dahil ako pa lang ang tao sa baba
Nag prito ako ng itlog at hotdog bumili din ako ng pandesal para sa almusal
Nag timpla ako ng kape nila mama at papa habang kila jay at jaya ay gatas
Kami naman ni Kisslyn ay milo nagsipag babaan na din sila para sabay-sabay kami makakain
Kinalabit naman ako ni kisslyn kaya napalingon ako dito "Bakit?"
Ngumuya muna ito bago sumagot "Gusto makipagkita ni luhan sayo"
Hindi ako umiimik hinihintay ko kung ano pa ang sasabihin ni kisslyn
"Bukas. 9:00 am Green House Subdivision" tumingin ako dito
"Sabihin mo sa kanya magkita kami ngayon hindi bukas dahil hindi ko siya mapupuntahan"
Tumayo na ako para makaligo at makaalis na
Simpleng jeans at white t-shirt lang ang suot ko tapos sneakers
Nag dala din ako ng maliit na bag na kulay itim yung usong maliit na bag ngayon
Bumaba ako para makapag paalam na sa kanila ng text din si kisslyn na mag kikita na lang kami ni luhan sa divisoria.
Pag dating ko sa divisoria ng ikot-ikot muna ako habang hinihintay ko si luhan na dumating
Nakapamili din ako ng shorts at sando bago dumating si Luhan
"Sorry ate kung late ako" pinagpapawisan pa ito siguro tumakbo kakamadali
Pumasok kami sa isang fast food chain ng order si luhan ng makakain
Habang nag aantay ay tumingin ako sa paligid sinadya kong tumahimik para si luhan ang unang mag sasalita.
"Ate sorry sa mga sinabi ko alam ko nasasaktan ka. Nabigla lang ako nung mga panahon na nabitawan ko ang mga salita na sinabi ko."
Hinarap ko ito tinignan ko lang ito at hindi ng salita "Ate sana mapatawad mo ko"
Hinawakan nito ang kamay ko dumating na din ang order namin kaya nabitawan niya ang kamay ko.
Tinago ko naman ito sa ilalim ng lamesa
"Ate mag salita ka naman. Alam ko kasalanan ko nasaktan kita."
Hindi pa rin ako nagsalita tinignan lang ako ni luhan ng malungkot
"Ate" tumikhim ako "Una luhan hindi ako galit, oo nasaktan ako pero hindi ako nagalit. Pangngalawa oo may tama ka sa sinabi mo kung sana nakinig ako edi sana hindi ako nasasaktan ng sobra ngayon."
Tumayo ako "Kahit ano pa ang sabihin mo sa akin basta panindigan mo si mika"
Umalis na ako doon hindi ko na ginalaw yung pagkain dahil busog naman ako
Nagikot-ikot ako muna hanggang sa parami na ng parami ang mga dalahin
Uuwi na sana ako kaso halos hindi ko na mabuhat ang mga pinamili ko
BINABASA MO ANG
The Hugotera Girl
Teen FictionPag may problema ka gusto mo ng makakausap yung bang handa makining sa mga kuwento mo Pag may dinadamdam ka gusto mong mapag-isa o kaya uminom ng alak Pag malungkot ka gusto may isang taong dadamay sayo Taong handang mag bigay ng advice sa'yo Pero...