Elaine's POV
Pagkatapos namin magusap ni Aron ay ang pag tawag sa akin ni kisslyn "Ate pinapatawag ka ni mama may sasabihin daw"
Tumango naman ako dito sabay akbay ko dito "Tara na para makausap na natin si mama"
Masaya kaming ng lakad ni kisslyn habang kumakanta ito pagdating namin sa bahay ay nakaupo sila mama,papa,jay,jaya at luhan kami na lang ang hinihintay.
"Maupo na kayong dalawa may sasabihin ang papa ninyo" umupo naman kami ni kisslyn kaya nagsalita na si papa
"May na tanggap kasi ako na trabaho" biglang nagsigawan sila jay at jaya
"Talaga pa? Malapit lang ba dito?" pinatahimik naman ni mama yung dalawa
"Tumahimik na muna kayong dalawa patapusin ninyo muna ang papa ninyo"
Kaya tumahimik sila jay at jaya "Kasi mga anak malayo ang work place ko malayong-malayo"
Bumaksak naman ang balikat nila jay at jaya kami naman ni kisslyn ay naka-kunot ang noo habang si luhan ay walang reaction.
"Saan yan Pa?" tanong ko "Sa Australia nak niyaya ako ng tita lizel mo may alam daw siyang trabaho na puwede kong pasukan sa Australia"
"Pero Pa kailangan ka po namin dito" tumango-tango naman si papa sa sinabi ni jay
"Alam ko naman yun kaso malaki ang paghihinayang namin ng mama mo kung hindi ko tatanggapin"
"Pero Pa paano po yung trabaho ninyo dito?" tanong ni kisslyn na may halong pagaalala
"Ipapaalam ko sa kanila bukas sa ngayon kailangan ko muna ng desisyon ninyo"
Napabuntong hininga ako kaya na halata ni papa "Ikaw Elaine? Anong masasabi mo dahil ikaw ang panganay"
Napaisip ako kung sasabihin ko na ba ang tungkol sa trabaho na inalok ni Aron
Wala naman akong pagpipilian kundi sabihin din sa kanila ang plano kong pagalis "Ang totoo kasi papa nakatanggap din ako ng trabaho sa US"
Hindi ako makatingin sa kanila kaya sa sahig lang ako nakatingin narining kong napasinghap si kisslyn at mama "Sino naman ang ng offer sayo ng trabaho?"
"Katrabaho ko po sa studio may pinsan daw po siyang director naghahanap ng gagawa for book cover" umiling naman si mama "Hindi masyadong malayo yun dito ka lang"
Umangal naman si kisslyn "Ma mas kaya ni ate mag ibang bansa kesa kay papa matanda na kayo ni papa tsaka maiintindihan naman ni ate kung bakit siya magiibang bansa"
"Kaya ko pa naman nak" pagpipilit ni papa "Pero Pa mas madaming offer na mabibigay kay ate dahil bata pa siya"
Hindi naman nakakibo sila mama at papa "Ma, Pa payagan ninyo na ko malaki din naman sasahurin ko doon at hindi ko naman po makakalimutan na padalhan kayo dito"
"Tama naman si kisslyn na mas madaming offer na willing ibigay sayo dahil mas bata ka pero paano ka doon magisa ka lang?" tanong ni mama na halata ang pagaalala sa boses at mukha nito
"Kaya ko naman po tsaka may makakasama naman po akong filipino din" ngumiti ako kay mama para mabawasan ang pagaalala nito
"Sigurado ka ba na kaya mo mag-isa doon anak? Mahirap sa ibang bansa lalo na kung wala kang kilala" ngumiti ako kay papa at tumango-tango
"Opo Pa kaya ko po" tumango-tango naman sila mama at papa "Osige pinapayagan ka namin sa isang condition ipakilala mo sa amin yung kaibigan mo sa studio na nag offer sayo"
BINABASA MO ANG
The Hugotera Girl
Teen FictionPag may problema ka gusto mo ng makakausap yung bang handa makining sa mga kuwento mo Pag may dinadamdam ka gusto mong mapag-isa o kaya uminom ng alak Pag malungkot ka gusto may isang taong dadamay sayo Taong handang mag bigay ng advice sa'yo Pero...