Chapter Eight

31 3 0
                                    

Elaine's POV

Balak ko sanang kausapin ngayon si Josh para malaman ang side niya baka naman kasi may problema siya kaya niya nagagawa ang mga bagay na alam naman niya na mali ayoko naman maging one sided sa kanilang dalawa

Pero mas ayokong mangialam sa kanilang dalawa kaya gagawin ko ito bilang isang hugotera girl

Kasalukuyan akong naglalakad papuntang bahay nila Josh kadalasan ay mas madaming bata sa kanila sa gabi naman ay maraming tambay at nagiinuman

Kumatok ako sa isang brown na gate pinagbuksan ako ng tiyahin ni Josh na nagalaga sa kanya noong bata ayon sa kuwento sa akin ni kisslyn

"Magandang umaga po nandito po ba si Josh?"

"Ahh si Josh oo kaso hindi pa gising eh"

"Puwede ko po ba siyang hintayin sa loob?"

"Sige sige pasok ka"

Sa pagkakaalam ko ay matagal ng hiwalay ang kanyang magulang may iba't ibang pamilya na din kaya naiwan siya sa tiyahin niya

"Josh anak, may naghahanap sayo"

"Sino daw po ba ma?"

Sobrang close pala niya ng tiyahin niya kasi mama ang tawag niya I wonder kung tinatawag din niya ang totoo niyang mama

"Ate Elaine, Ano pong ginagawa ninyo po dito?"

"Gusto sana kitang makausap. Hindi ko na patatagalin pa...gusto ko lang sanang malaman kung bakit...biglang nagbago ka..."

"Ate alam ko naman po na galit kayo sa akin alam ko naging g*g* ako nakasakit ako lalong lalo na si Yamelyn"

"Oo nagalit ako sayo pero alam kong may dahilan ka. Bakit? Bakit mo yun ginagawa sa kapatid ko? Handa akong makining alam mo yan"

"Ate kasi sa totoo lang...gustong makipagbalikan yung ex ko ...ate...kasi mahal ko pa rin siya ...kahit ang tagal-tagal na namin hiwalay...ang tagal na namin ni Yamelyn...hindi pa rin siya naaalis sa puso ko"

"Nasabi mo na ba kay Yamelyn yan?"

"Ate...hanggang ngayon hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya...ayoko siyang masaktan...pero alam ko ate...mas lalo ko lang siyang sinasaktan"

Hindi ko inaasahan na ganito ang maririning ko sa kanya hindi ko akalain na sa loob ng maraming taon na mag kasama sila ni Yamelyn mahal pa rin niya yung ex niya

"Bakit ngayon lang?! Kailan mo balak sabihin sa akin?! Ah! Kapag sobra ng sakit?! Kapag sumuko na ko?! Minahal kita!! BAKIT SIYA PA RIN??!!" Hindi ko namalayan na nakapasok na pala si Yamelyn sa bahay nila Josh

"Yamelyn huminahon ka!"

"Hindi ate! Matagal mo na kong ginag*g* pero minahal pa rin kita!! Tapos ngayon maririning ko sayong mahal mo pa ang ex mo!!"

"Ano ba Yamelyn Kisslyn Dela Cruz!! Sinabi ng huminahon ka!"

Humagulgul ng malakas si Yamelyn alam kong nasasaktan siya pero hindi naman na dadaan ang lahat sa galit puwede namang pagusapan ng mahinahon

"I'm sorry Yam alam kong nasaktan kita ng sobra-sobra patawarin ko please"

"Hindi madaling magpatawad lalo na kung baguhan lang yung sakit. Itigil na natin ito matagal na pala tayong naglolokohan"

The Hugotera Girl  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon