Elaine's POV
💌BALIK TANAW💌
"Uy balita ko gusto ka daw ni Aron totoo ba elaine?"
"Ano ka ba tsismis lang yun"
"Edi ba may girlfriend siya ngayon Sofia?"
"Sa pag kakaalam ko meron pero ex gf na niya Andrea"
"Kayong dalawa gumawa na lang tayo ng seatwork para mapasa na natin itong pinapagawa ni Sir"
After ng chit-chat naming tatlo pinagpatuloy namin yung seatwork kaso mukhang hindi talaga makontento si Andrea
"Teka nga Elaine lately napapansin ko na lagi ka ng binibigyan ng flower at chocolate ni Aron ah"
"Talaga Andrea?? Bakit di ko alam na lagi ka na palang binibigyan ni Aron! Umamin ka nga Elaine nanliligaw ba siya sayo??"
"Oo na oo na sasagutin ko na yung mga tanong ninyo Oo nanliligaw siya sa akin but clarify ko naman sa kanya na wala pa akong nararamdaman sa kanya"
"Pa? Ibig sabihin may chance na mag kagusto ka sa kanya Elaine??"
"Hmm...Sofia hindi ko naman alam kung anong magyayari sa susunood na araw ang ibig ko sabihin hindi ko din alam kung posible bang mag kagusto ako sa kanya pero hindi naman din imposible"
"Hay ang gulo mo Elaine alam mo pinapaikot mo lang kami eh"
End-----------------------------------
PRESENT
" I just want to explain"
"Explain? Para saan Aron? Para sa ginawa mo, sa dinulot mo, para saan pa?"
Bigla ko na lang naramdaman na may humablot sa aking kamay
"Makining ka nga muna sa akin Elaine oo jerk ako kasi sinaktan kita,iniwan,pinaasa at higit sa lahat niloko pero Elaine sinabi ko na sayo dati ang totoo nakipag pustahan ako akala ko pera-pera lang kaya pumayag ako pero hindi ko naman inakala na isang babae ang pustahan. Please Elaine maniwala ka naman"
"Alam mo Aron ang isang manloloko always be manloloko kaya WAG. AKO."
Umalis na ako at ng lakad wala din naman akong masasakyan dahil nga umuulan mahirap kumuha ng taxi at tsaka basang basa ako kaya no choice mag lalakad na lang ako
Isang oras na akong ng lalakad sa ilalim ng ulan ang sakit sakit na ng paa ko medyo malapit na din ako sa bahay
Sinubukan ko kanina na kumuha ng taxi kaso ayaw nila dahil basang basa ako tapos sinubukan ko din mag hanap ng ibang masasakyan pero walang tumatanggap kahit pedicab na lang sana
Konting tiis na lang nasa bahay na din ako konting pag hihirap na lang makakaupo din ako
"Elaine, sakay ka na sa tricycle ko. Dali basang basa ka na lalo kang mag kakasakit"
"Nako manong estor mababasa ko lang po ang upuan ng tricycle mo mauudlot pa po ang pasada mo po"
"Naku ikaw talaga Elaine. Sige na pauwi na din naman ako. Sumakay ka na"
"Salamat po Manong Estor"
Hanggang sa pagsakay ko sa tricycle ni Manong Estor iniisip ko pa rin kung gaano kasakit nung araw na iniwan niya ako, yung araw na nagmamakaawa ako sa kanya, yung araw na umiiyak ako sa ilalim ng ulan
"Nandito na tayo sa tapat ng bahay ninyo Elaine"
"Salamat po. Ito po manong yung bayad ko po"
"Naku Elaine huwag na lagi naman sobra magbigay mama mo kapag sumasakay siya sa tricycle ko"
"Tanggapin mo na lang po yung bayad manong estor"
"Ah salamat ikaw talaga Elaine ayaw mo pa ng libre"
"Sige po manong estor salamat po"
Pagpasok ko ng bahay lahat sila nasa sala parang ang laki laki ng problema lahat sila puro nakasalubong ang kilay
"Anong nagyari sa inyo?"
"Ate pinapalayas tayo ni Aling Beth dahil hindi na tayo nakakabayad"
"Sige. Kakausapin ko bukas si Aling Beth"
"Pero anak, sabi ni Aling Beth na bibigyan lang niya tayo ng isang oras para makapagbayad sa kanya kahit 2k man lang"
"Ako na ang gagawa ng paraan Tay"
Dali dali akong umalis ng bahay namin maghahanap ng mahihiraman ng pera
Pag bayad kay aling beth kung hindi palalayasin niya kami sa bahay saan na kami pupulutin
"Good evening Ms. Beautiful! Saan ka pupunta gabi na ah?"
"Ikaw pala yan Keth may pupuntahan lang"
"Samahan na kita delikado sa daan lalo na at gabi na"
"Ikaw bahala hindi ka ba hinahanap sa inyo?"
"Hmm...Hiwalay na ako kila mama at papa simula nung 20 years old ako"
"Wala ka bang kapatid?"
"Meron. Twins sila actually"
Buti na lang tumila na yung ulan habang kasama ko si Keth ibang tao ang iniisip ko, iniisip ko sa dami dami ng araw na makikita ko siya bakit ngayon pa
Bakit hindi kahapon bakit hindi nung nakaraang taon bakit hindi nung isang linggo ang daming tanong na gusto kong masagot
"Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah"
"Pasensya ka na. Iniisip ko kasi kung kanino ako maghihiram ng pera"
"Para saan ba?"
"Pag bayad ng upa. Pinapalayas na kasi kami ng may-ari"
"Hmmm. Puwede kitang pahiramin ng pera. Magkano ba?"
"Kahit 2k pag hulong kaso nakakahiyang mag utang ng pera sayo"
Bigla na lang inabot ni Keth yung pera ng walang sabi-sabi
"Huwag kang mahihiyang mautang sa akin hindi ako mag dadalawang isip na tulungan ka"
-----------------------------------------------------------
Thanks for Reading!! 💙💙💙
![](https://img.wattpad.com/cover/106795905-288-k945871.jpg)
BINABASA MO ANG
The Hugotera Girl
Teen FictionPag may problema ka gusto mo ng makakausap yung bang handa makining sa mga kuwento mo Pag may dinadamdam ka gusto mong mapag-isa o kaya uminom ng alak Pag malungkot ka gusto may isang taong dadamay sayo Taong handang mag bigay ng advice sa'yo Pero...