Chapter Two

40 3 0
                                    

Elaine's POV

Pag katapos kong mag bihis ay bumaba agad ako

"Ate aalis ka po kaagad maaga-aga pa ah diba ate monday ngayon alas-diyes pa lang po" buwerta ni jaya

"May aasikasuhin lang ako".

"Bakit ate balak mo na bang mag ibang bansa"

"Gaga aasikasuhin ko lang yung mga orders ni aling kim ng text kasi sa akin na asikasuhin ko daw yung mga order niya para sa kalinderya niya"

Hay buhay alalay habang ng lalakad ako papuntang kabilang kanto eto at kinakalkal ulit ang email ko sa cherry mobile ko ngayon

Taray ng lola ninyo cherry mobile q7i free pa dahil kasama nung bumili ako ng dalawang blouse at dalawang pants na 20% off kaya keri bells na

Na isip kong sumagot sa mga tanong nila sa email ko so here we go again 

From:@aceharmon_542 Paano mo po malalaman kung may nararamdaman na sa iyo ang isang tao?

Reply:Kapag may special treatment siya sa iyo na dati hindi naman niya ginagawa. Kapag sobrang sweet niya at caring niya sa iyo. Kapag napapangiti ka niya kahit buwisit na buwisit ka sa kanya. Kapag unti unti na kayong nagiging close. And most of the time bigla mo na lang nararamdaman wala ng ibang dahilan.

From:@ashiashey: Paano po kung sa ibang tao ganoon din siya paano mo po malalaman kung ikaw ba talaga yung gusto niya?

Reply: Bakit di mo na lang siya tanongin kung gusto ka niya. Wala naman mawawala kung tatanongin mo siya kesa yung aasa ka na meron kayong something tapos same treatment din pala siya sa iba. Uso din kasing mag tanong.

Swear last na ito nakakapagod din kayang mag isip ng isasagot buti pa sila tanong lang ng tanong eh

From:@diana_martin:Paano mo malalaman kung niloloko ka lang ng asawa mo?

Reply: Syempre nararamdaman mo yun, nanlalaming, lagi kayong nag aaway, wala na kayong quality time at mas lalong nakakahinala kapag gabi na siya umuwi tapos lasing at amoy pabango ng babae.

Pinatay ko agad ang cellphone ko pag kadating ko ng kalinderya naabutan ko pag busy si aling kim sa pag aayos

"Bakit ngayon ka lang? Halika dito at tulungan mo ko."

Dali-dali akong tumalima at tinulungan si Aling kim

"Ito ilagay mo sa kusina tapos ito ilagay mo sa bodega tapos ito palitan mo yung mga sapin sa lamesa tapos linisin mo yung mga bagong plato bago mo ilagay sa lalagyanan"

"Ahh Ma'am tulungan ko na po siya magbuhat ng box papuntang kusina"Sabi nung trabahador ng supermarket

"Naku huwag na wala kaming dagdag bayad. Sige na puwede na kayong umalis"

"Ahh hindi ma'am willing naman po ako eh kahit walang bayad"

Hindi na ako nakining sa mga sinasabi nila binuhat ko ang isang box sa isang kamay ko ang isa naman ay yung puro plastik

May dalawa pang box at anim na supot hay kay dami-dami ng pinagbibili hindi naman marunong magsiayos ng mga pinagbibili.

Ang bigat-bigat pati kung hindi lang malaki ang binabayad nila sa akin hindi ako magtitiis sa ganitong trabaho

"Saan ito ilalagay?" presinta-presinta na tutulong hindi naman alam kung saan ilalagay

"Lagay mo lang jan"

"Ang taray mo naman miss. Siguro may dalaw ka ngayon"

"Alam mo kasi KUYA TRABAHADOR NG SUPERMARKET HINDI naman po TAYO CLOSE"

"Eto naman ikaw na nga itong tinutulungan ikaw pa galit"

Tinarayan ko lang siya at hindi na umimik pa ano pa bang silbi sayang lang laway ko sa kanya eh

Biglang dumating ang kapatid kong si
Yamelyn na naka busangot ang mukha mukhang problemado ang isang ito

"Oh bakit naparito ka akala ko ba pupunta ka sa fort bonifacio?"

Naupo ito sa isang plastik chair na ginagamit din pag bukas ang kalinderya

"Hay nako ate naiinis ako kay Josh kailangan pa ba niyang pumunta sa despedida ng ex niya?!"

"Oh ano naman kung pumunta siya sa despedida ng ex niya?"

"Eh kasi mag kikita nanaman sila!!"

"Ano ba kasi ang ikinapuputok ng bunhi mo jan?"

"Eh ayoko nga na magkita sila!!"

"Ayaw mong magkita o ayaw mo silang magusap? Alam mo ang problema sa'yo hindi mo sila binibigyan ng time. Time para mag usap"

"Para saan pa ate tapos na sila!!"

"Oo nga tapos na sila pero bigyan mo sila ng time para magkalinawagan hindi yang naiinis ka kasi ayaw mo silang magkita natatakot ka lang kasi baka marealize ng boyfriend mo na hindi ikaw ang mahal niya kung hindi ang ex girlfriend niya"

"Umuwi ka muna sa bahay doon tayo mag usap pag katapos ko dito"

"Okay po ate"

Pag kaalis ng kapatid ko tumingin naman ako doon sa Supermarket boy

"Umalis ka na kaya ko na yan."

"Paano ka makakauwi eh ang dami pa nito ang dami ng kailangan mong gawin ganto na lang umuwi ka muna tapos ako ng bahala dito mukhang kailangan ka ng kapatid mo eh"

"Wag na baka pagalitan ako ni Aling Kim"

Bumuntong hininga muna si kuya bago sumagot

"Mukhang nakaalis na yung amo mo kaya hindi niya malalaman kung hindi ikaw ang ng buhat ng mga ito at tsaka hindi naman ako humihingi ng bayad basta ba pag kailangan ko din ng tulong nanjan ka."

"Oo na, oo na basta ikaw muna bahala sa kalinderya at tsaka puwede bang wag mo munang iwan yung kalinderya hanggat wala pa ako.Thanks."

"Ang pangngalan ko ay Keth"

"Elaine" sigaw ko pabalik
----------------------------------------
A/N: Any resemblance to existing accounts is purely a coincidence and the given accounts above are a product of the author's imagination.

Thanks for reading!! 💙



















The Hugotera Girl  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon