Elaine's POV
~Gumising ka ng makita mo
~ang tamis ng sandali
~ng kahapong di magbabalik
Ang aga-aga yung boses agad ni kisslyn at jaya yung naririnig ko mukhang hanggang kabilang bahay umaabot yung boses nila.
Nagsuklay ako at naghilamos bago bumaba isang malaking gulo at kalat ang nakita ko binuksan na pala nila yung mga pinamili ko kahapon
"Anak nanjan ka na pala tinanghali ka ng gising. Anong oras ka ba dumating kagabi?" tanong ni papa habang ng titimpla ng kape nya
"Hindi ko na po matandaan eh" pumunta ako sa kusina para kumuha ng makakain "Anak bakit ang dami mong binili?"
Uminom muna ako ng tubig bago sagutin yung tanog ni mama "Hindi naman po galing sa pera ko yung iba"
Nagsalin muna ako ulit ng tubig "Eh kanino kay Keth?" halos maibuga ko yung iniinom kong tubig "Kay kuya Keth galing yung iba?" tanong ni jay
Pumasok naman si Jaya sa kusina "Dumating na si kuya Keth?" umiling-iing ako kaya napakunot ng noo sila
"Eh kanino galing?" sabay-sabay na tanong nila jay,jaya at mama "Kay Aron" sagot ni Kisslyn pinandilat ko ito ng mata dahil ayoko sanang malaman ni Mama
"Ibalik mo sa kanya lahat ng pinamili niya" halata sa boses ni mama ang inis at seryoso ito "Pero Ma merong sapatos doon na maganda halatang hindi si ate yung bumili"
Nagpadyak-padyak pa si Jay dahil sa gustuhan sa sapatos na nakita "Hindi puwede. Hindi tayo tatanggap sa bagay na binigay ng taong yun"
Umalis si Mama sa kusina kaya naman lumapit sa akin si Kisslyn "Ikaw naman kasi napakaingay mo" sabay kurot ko sa tagiliran nito
Umakyat ako para makapagasikaso may pasok pa ako ngayon. Pagkatapos ng aking ritual ay bumaba na ako
"Aalis ka na agad? Hindi ka pa kumakain" nagsapatos ako gyun din si Kisslyn "Opo Ma. Sa kalinderya na lang po ako kakain"
Pagdating ko sa kalinderya ay lumapit sa akin si Aling Kim "Iha, pasuyo naman ako nakalimutan ko kasing mag padeliver nito sa grocery puwedeng bang ikaw na lang bumili?"
Tumango naman ako at kinuha yung listahan pati yung perang pagbili. Pagdating ko sa grocery kumuha ako ng basket tutal konti lang yung mga dapat bilhin.
Nag ikot-ikot ako kung saan mahahanap yung mga bibilhin na kita ko ang chili powder sa left corner ngayon naman ang hinahanap ko ay tomato paste.
Kumaliwa ako para mahanap kung nandoon kaso iba yung nakita ko isang taong gustong-gusto kong makita.
Lalapitan ko sana ito ngunit naunahan ako ng isang babae yumakap ito sa likod niya unti-unti siyang humarap sa babae habang ako ay na estatwa sa nakikita.
Nandito lang pala sa Philipinas o kababalik lang niya o baka sinundo lang niya yung babae sa kung saang planeta.
Liliko na sana ako para makaiwas sa kanila kaso sa kakamadali ko nasanggi ko yung iilang gatas kaya yung iba nalaglag.
Gumawa iyon ng ingay sanhi para mapalingon sila sa akin hindi ko balak na humarap sa kanila pero siya na mismo ang lumapit sa akin.
"Gusto mo ng tulong Ms?" hindi ko ito pinansin mas lalo kong tinakpan ng buhok ang mukha ko pero alam kong wala itong silbi
Hinawakan nito ang isang braso ko na tila pinapatayo ako kaya tumayo ako pero hinila ako nito paharap kaya nakita nito ang mukha ko.
Gulat na gulat si Keth na makita ako habang ako parang maiiyak na. Ang sakit na ang tagal kong hinintay pero may kasama ng iba.
Unti-unting lumuluwag yung kapit niya sa braso ko kaya agad akong umalis para makaiwas sa kanya at sa nagbabadya kong luha.
Hinanap ko ng mabilisan lahat ng sangkap yung iba sa palengke na para lang hindi na muli kami magkita.
Hindi pa ako handa at siguro never magiging handa kahit sabihin na natin na namimiss ko yung tao pero hindi pa talaga ako handa.
Nasasaktan din ako sa nakita ko kanina bakit parang ang bilis para sa akin ang tagal niyang bumalik tapos sobrang bilis napalitan.
Hindi ko alam kung tatanggapin ko na lang ba na may iba na siya na mas masaya siya kasi kasalanan ko naman.
Pero at some point masakit pa rin pala hindi ako naging handa kung sakali man na may kasama na siyang iba o masaya na sa piling ng iba.
Tinahak ko pabalik ang kalinderya at nilapag ang mga sangkap umupo muna ako habang tulala sa dami ng iniisip.
Pagkatapos ko sa kalinderya ay sa flower shop naman ako pero umuwi muna ako sa amin para makapag palit ng damit.
Nasalubong ko pa si Kisslyn at tinanong ako nito kung may gagawin ba ako mamayang gabi dahil gusto daw akong gawing guest vocalist mamaya sa gig niya.
Pumayag naman ako dahil mamayang 12 pa naman ang gig niya pagdating ko sa flower shop ay may ilang customers na din ang nandoon.
"Hi Ma'am what kind of flower do you want?" tanong ko sa babaeng nasa middle 30's "I like sunflower gustong-gusto kasi ito ng anak ko" nakangiti nitong sagot
Binalutan ko naman ng kulay white ang flower na gusto nito "Thank You for coming Madam" ngumiti ito muli sa akin
Papasarado na ang shop ng may pumasok na babae ito yung babaeng kasama ni keth kanina sa supermarket "Can I talk to you for a while?" ngumiti ito ng matamis kaya tumango na lang ako
"First of all, I know na may past kayo ni keth you saw him kanina na kasama ako" nanatili akong tahimik "By what you saw I think may clue ka na kung anong relasyon ang na mamagitan sa amin"
I only smile and stand straight hindi pa rin ako ng salita "I guess I won't need to explain any futher"
Huminga ako ng malalim bago ng salita "Ano po bang gusto mong iparating?" ngumiti ito "I just want to tell you that if you have plans on talking to him don't bother"
Lumapit ito sa akin "We are getting married soon so, I hope you won't be a barricade" ngumiti ito ng mas matamis at mas malawak kesa sa ngiti nito kanina
Ngumiti din ako pabalik "Don't worry I won't be a barricade. Huwag ka masyadong mangamba sa aura ko walang aagaw kay keth puwera na lang kung ito na mismo ang lumapit"
Tinalikuran ko ito at inayos ang mga bulaklak "Then we will see" umalis na ito kaya tumawa ako "Who makes her think na gagambalain ko sila" umiling-iling ako bago ko isarado ang store
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Thanks for reading!! 💙💙💙
BINABASA MO ANG
The Hugotera Girl
Teen FictionPag may problema ka gusto mo ng makakausap yung bang handa makining sa mga kuwento mo Pag may dinadamdam ka gusto mong mapag-isa o kaya uminom ng alak Pag malungkot ka gusto may isang taong dadamay sayo Taong handang mag bigay ng advice sa'yo Pero...