Elaine's POV
Pagkatapos namin mag simba na pag desisyon ni mama na mamasyal kami isinama din ni luhan si mika para hindi mainip sa bahay nila.
Pero binilinan ko si luhan na huwag pagurin si mika lalo na at buntis ito. Naisip ni mama na sa city of night kami mamasyal.
Sila Jaya at Jay naman ay sumakay sa mga rides na dadaanan namin hanggang sa ng paalam ako kila mama na hihiwalay muna ako sa kanila.
Kasama din namin si Keth pero wala itong kibo simula nung dumating kami sa simbahan hanggang ngayon.
Kaya ko naman na isipan na humiwalay upang bigyan ang sarili ko ng time para mamasyal ng mag-isa.
Habang ng lalakad-lakad ako na daanan ko ang isang salon may promo sila para sa mga mag-gagawa ngayon kaya pumasok ako
Pag pasok ko isang babae ang lumapit sa akin "Ma'am may promo po kami para sa mga mag-gagawa ngayon Set A po ay pedicure at manicure, foot spa, 1 hour massage at hair treatment for only 1,500 dati po kasi ay 3,000 siya Set B naman po ay pedicure at manicure, 1 hr massage at hair cut for 1,600 dati po ay 2,200 Set C naman po ay pedicure at manicure, 1 hr massage at hair color for 1,800 dati po ay 3,500"
Ngumiti ako dito "Hmm...kung kukunin ko yung set b puwede ba mag pa additional?" Tumango naman ito "Yes po ano po ba ang additional na gusto mo?"
"Hair color" ngumit ako dito "Saglit lang po tawagin ko lang po yung manager namin. Upo ka po muna ma'am"
Ngumiti naman ako dito at umupo sa mala prinsesa nilang sofa naglibot-libot ang mata ko sa buong paligid maaliwalas,mabango at malinis
Dumating ang medyo batang babae kesa doon sa babaeng nakausap ko kanina "Oh ikaw pala elaine buti na pa daan ka dito. Siguro hindi mo na ako na tatandaan classmate tayo noon noong high school days anyway I'm Halsey in case you forgot"
Ngumiti naman ako dito tsaka tinanggap yung kamay na nilahad nito
"Set B ang kinuha mo with additional of hair color sige sagot ko na yung hair color mo kaya 1,600 na lang babayaran mo" ngumiti naman ito ulit sa akin na ginantihan ko naman ng ngiti
"Naku nakakahiya naman sayo kung ililibre mo pa yung hair color"
Tumawa ito at tinapik ang balikat ko "Deserve mo elaine kahit noon sobrang sipag mo at alam ko na hanggang ngayon hindi ka pa rin nang babago" tumawag ito ng isang babae
Pinaupo ako nung babae kanina na nakausap ko sisimulan muna nila yung pedicure at manicure pati yung hair cut at hair color.
Pinapili nila ako ng kulay ng mga kuko ko at kulay ng buhok ko
"Beige na lang yung kulay sa kamay at paa ko tapos kulay brown sana ang gusto ko para sa buhok ko. Thank You" ngumiti ako dito at tumango naman ito bago umalis
Lumapit naman ang isang bakla sa akin "Hanggang saan ang gupit ng buhok ko sayang sobrang haba pa naman ng buhok mo?" hanggang bewang ko na kasi yung buhok ko kaya gusto ko naman itong baguhin
"Hanggang dibdib ko po" tinuro ko naman kung hanggang saan "Puwede po bang layered yung pag gupit?" Tumango naman ito medyo nakaramdam ako ng hiya dahil pakiramdam ko ang dami kong request
Ang tagal na din kasi simula nung huli kong punta sa salon siguro after break up namin ni Aron ang huling punta ko sa salon.
Pag katapos ay sa massage naman habang minamasahe ako ang daming tumatakbo sa isip ko
Tulad ng paano kung sumuko bigla si keth paano kung makahanap siya ng bago ang daming gumugulo sa utak ko.
Lumipas ang isang oras at natapos na din ang masahe sa akin kaya ng bayad naman ako nang pasalamat naman ako kay halsey dahil binigyan niya ako ng discount o sabihin na natin na nilibre na ko
![](https://img.wattpad.com/cover/106795905-288-k945871.jpg)
BINABASA MO ANG
The Hugotera Girl
Novela JuvenilPag may problema ka gusto mo ng makakausap yung bang handa makining sa mga kuwento mo Pag may dinadamdam ka gusto mong mapag-isa o kaya uminom ng alak Pag malungkot ka gusto may isang taong dadamay sayo Taong handang mag bigay ng advice sa'yo Pero...