Chapter Fourteen

7 3 0
                                    

Elaine's POV

Walang suklay-suklay or kahit ano para lang umayos ang sarili ko. Bumaba agad ako pagbaba ko samutsaring ingay ang naririning ko

"Gisingin mo na si ate mo doon sa taas luhan magtatanghali na hindi pa yun kumakain" sumilip naman ako sa baba pagsilip ko nakita ko agad si keth na kausap si tatay

Halos ayoko ng bumaba kung nandoon siya na pilit ko ng iniiwasan hindi makalimutan ng isip ko yung nakita ko kagabi.

Ayoko ng mag-conclude agad pero bakit naman niya yayakapin yung babae kung hindi niya ito gusto o kahit sabihin na natin na umiiyak ito at gusto lang nitong patahanin.

Pero kahit naman ako kapag umiiyak ako hindi naman niya ako niyayakap ng ganoon sobrang higpit ramdam yung pagmamahal niya at... para sa akin ramdam yung sakit sa puso ko.

Bumaba ako at kinuha ko yung ipit na nakapatong sa ref tsaka umupo para makain "Nak tinanghali ka ng gising dati ang aga-aga mong magising" sabi ni nanay

Ako naman ay tinatali ko ang buhok ko pa-bun "Ate kain ka na ang ulam natin ngayon ay nilagang baka at pritong isda" nilagyan ako ni luhan ng kanin at ulam

Tulala lang ako habang nilalagyan ako ni luhan ng pagkain. Tinawag naman ni jaya sila tatay para makakain

"Anak gising ka na pala. Hindi man lang kita namalayan kanina" ngumiti lang ako ng tipid kay tatay

Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na nagtinginan sila mama at papa umupo naman sila sa kanya kanyang puwesto

"Nak may problema ka ba?" Tanong ni nanay bakas sa mukha nito ang pagaalala

Umiling ako at nagpatuloy sa pagkain "Ate gusto mo pa ng baka?" Tumango lang ako kay luhan

Kada mauubos na ang pagkain sa bibig ko agad kong kakainin ang pagkain sa kutsara ko para iwas sa pagsagot sa mga tanong nila

Nagmatapos nagpaalam ako kila mama at papa upang makapagasikaso na din tatayo na sana ako kaso pinigilan ako ni keth

"Teka puwede ba tayong magusap kahit saglit lang" nilingon ko ito "Tsaka na puwede naman tayo magusap mamaya"

Umalis na ako doon at nagasikaso para sa trabaho. Nag makabihis na nilagay ko sa isang bag pack ang damit ko para mamayang gabi

Balak ko din makitulog kila Danica mamayang gabi pupuntahan ko na lang ito sa coffee shop mamaya

Kaya nagdala din ako ng pagtulog at damit para bukas kung kila Danica ako makikitulog may pamalit ako.

Dahil wala talaga akong balak makipagusap kay keth at hanggat maari ay maiwasan ko ito

Bumaba ako at pumunta agad sa kalinderya na pinapasukan ko

Naabutan kong may luto ng paninda kaya may mga kumakain na din kaya sinuot ko ang apron at kinuha ang mga order nila

Mag gagabi na ng matapos kami at nakita ko si keth naghihintay sa akin pero tumalikod ako dito pumasok ako sa banyo para makapagbihis

Nagmakalabas ako nandoon parin si keth kung saan ito naghihintay kanina kaya pumasok ako sa kusina sa likod ng kusina ay may pintuan para makadaan sa likod

Pumara ako ng taxi sa gilid ng tulay pero may humablot ng kamay ko "Let's talk" hinila ako ni keth sa tabi

"Kailangan ko ng umalis malalate ako sa isa ko pag trabaho kung hindi pa ako aalis. Puwede naman tayo magusap mamaya" inalis ko sa pagkakahawak ni keth sa kamay ko pero hinuli pa rin nito at mas lalong ihigpitan

The Hugotera Girl  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon