Chapter One

52 3 0
                                        

Warning: this chapter consist of foul word for all minor readers read at your own risk

Elaine's POV

Ang aga-aga ang ingay-ingay puro sigawan

Ano bang ng yayari at puro ingay ang na ririning ko

"Akin kaya yan! Ibalik mo nga yan!"

"Kunin mo kung makukuha mo"

Bumaba ako para tingnan kung ano ang ng yayari sobrang gulo ng sala namin maraming box at maraming kalat

"Anong ng yayari dito? Bakit ang kalat? Bakit ang ingay ninyo?"

"Gising ka na pala anak! Halika at kumain muna"

Tumingin ako sa paligid lahat sila na katingin sa akin yung mga kapatid ko natatawa ano bang nakakatawa? sa isip isip ko

"Ate anong nagyari sa'yo bakit ganyan ang itsura mo?" tanong ni luhan

"Tigil tigilan mo nga ako luhan"

"Ate kasi...yung itsura mo...daing pa na rape na kinaladkad ng kabayo na samahan mo pa na sinabunutan at sinampal ka ng totoong gf ng bf mo" pag lalait ni kisslyn

"Ang tanong may bf ba? At tsaka kung makapag lait ka wagas ah"

"Ate try mo po kayang tumingin sa salamin baka magulat ka po sa itsura mo po" segunda ni jay

"Ge mamaya"

"Ano ba naman kayo syempre na kalimutan ng maligo at mag bihis ng ate ninyo kagabi sa sobrang antok" pagtatangol ni tatay sa akin

"Eh tay naman kahit inaantok ka po dapat mag palit at mag hilamos man lang si ate po" birada ni jaya

"Oh siya kumain na muna kayo mamaya ninyo na pakialaman ang ate ninyo"

Kumuha ako ng tuyo at kanin sapat na ito para sa amin hindi naman kami maaarte sa ulam basta ang mahalaga may pagkain

Hindi naman kasi kami mayaman or may kaya sa buhay sobrang gipit namin lalo na at binubuhat nila mama at papa ang utang ni tito Gio

"Ma ano ba yang box na yan bakit ang dami?"

"Nako padala yan ng tita lizel mo nabalitaan niya kasing malapit na ang birthday mo"

"Uy si ate tumatanda na" pag-aasar ni jay

"Wala pa ring boypren" singit ni jaya

"Alam mo jaya kumain ka na lang baka mag bago ang isip ko at hindi kita ipasama sa tour tour na yan"

"Ate naman eh joke lang naman"

"Ang joke ay para sa hindi totoo at walang halong realididad kaya huwag mong sabihing joke joke lang real talk kasi"

"Hahaha basag ka nanaman" tawa ni luhan

"At ikaw hindi ka talaga nahiya ikaw pa nililigawan ni Mika bakit ba ayaw mong ligawan si mika?" tanong ko kay luhan

"Eh kasi ate...sobrang bait niya...sobrang yaman pa ano naman ang itatapat ko doon sa mga nanliligaw sa kaniya na may kaya"

"Tanga. Ikaw nga ang gusto eh kahit yung magulang pabor sayo ano pa bang tinotorpe mo?"

"Ate ayoko lang naman siyang ligawan hanggat wala pa akong napapatunayan at tsaka hindi pa sapat na agree na sa akin yung mga magulang eh okay na"

"Ano pa bang patunay ang gusto mo?"

"Ang gusto ko lang naman eh meron akong maipagmamalaki din sa mga nanliligaw sa kanya eh sa ngayon walang wala ako"

"Kailan pa kuya pag pumuti na ang uwak,pag na nganak ng ginto ang manok?" singit ni jaya

"Jaya, diba pag may naguusap na matanda huwag makikisabat"

"Sorry po ate"

Tumingin ako kay Yamelyn na busy sa pag tetext nako malamang sa malamang yung boyfriend niyang sira ulo na manloloko

Ilang beses ko na binalaan patungkol sa boyfriend niyang lagi kong nahuhuli sa bar may kasamang chix.

"Hoy Yamelyn Kisslyn Dela Cruz baka gusto mo munang kumain bago mo itext yang manloloko mong boyfriend"

"Saglit lang ate. Kinikilig na ako eh"

"Kilig? Nakuha mo pag kiligin ginag*g* ka na nga kinikilig ka pa. Hanep ka din eh"

"Ang hard mo naman ate" si jay may pangisi ngisi pang nalalaman

"Oo hard kasing hard nitong sandok na hawak ko. Masarap ipukpok sa ulo mo"

Tinarayan ko si Jay at umakyat sa taas para makapagbihis na pero ang problema sobrang gulo ng closet ko

Hindi ko alam kung ano uunahin ko kung maliligo ba muna ako o aayusin ko muna ang mga damit ko

Kaya na pag isipan ko na ayusin muna yung mga damit ko para madali na lang ang pag kuha mamaya

Habang ng aayos ako ng gamit kinakalkal ko ang laptop ko para tignan ang mga email ng hugot list ko

Puro tanong walang katapusan na tanong

Binasa ko ang isa sa mga tanong. From:@fayyyyeeeee
May karapatan po ba ako mag selos kung hindi naman po kami?

Reply ko:Ang selos ay hindi para sa nararapat lang kung hindi para sa mga may nararamdaman. Pero kung hindi naman kayo ilugar mo ang sarili mo lalo na kung hindi ka naman niya gusto o mahal para hindi ka din nasasaktan. Ika nga ng ilan limit yourself so that you can limit the heartache.

From:@Lovely_145: How can I trust someone who badly hurt me?

Reply ko: Ang tiwala pag nabasag mahirap ng buohin pero kung tanga ka at mahal mo siya handa mong pag katiwalaan kahit sinasaktan ka na. Meaning kung handa kang mag pakatanga dahil mahal mo pagkakatiwalan mo kahit alam mong pupuwede niyang ulit-ulitin na saktan ka.

Pinatay ko na ang laptop ko pag katapos kong sagutin ang dalawang tanong sa ngayon para mag asikaso

Kumarap ako sa salamin para tignan ang itsura ko

"Whaaaaa may multong panget!!!!"sigaw ko

"Anong nagyayari?!"nagaalalang tanong ni tatay

Kaya pala nilalait nila ang itsura ko sobrang gulo ng buhok ko nag kalat ang eye liner at eye shadow ko plus ang gusot gusot kong damit kagabi

Bakit hindi ko na pansin na sobrang dumi ng itsura ko

Plus suot ko pa ang damit ko simula kagabi wala man lang akong bihis-bihis kagabi

Agad pala akong natulog kagabi na hindi ko na nagawang maligo at magpalit

Tumingin ako sa pintuan kung saan pinagtatawanan ako ng mga kapatid ko

Hindi ko alam kung talagang mag kakapatid kami

-------------------------------------------

A/N: Any resemblance to existing accounts is purely a coincidence and the given accounts above are a product of the author's imagination.

Thanks for reading!!


The Hugotera Girl  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon