CHAPTER 3 part 1

2.2K 82 7
                                    

"ES que todo lo que necesitas?" tanong ni Alejandro sa pinsan niyang si Mario.

"Oo, ang project proposal mo lang ang kailangan ko," sagot naman nito sa tanong niya. "Madadala mo ba agad dito sa opisina ko?"

"Si, nakauwi na ako sa bahay ko para kunin ang papeles na naiwan ko, I'll be there in an hour." Sabi niya at pinutol na ang tawag.

Mabilis ang mga kilos na bumaba na si Alejandro ng kotse. Kailangan niyang madala agad ang mga papeles kay Mario bago magsimula ang meeting nila.

Nahagod niya ang batok nang makaramdam siya nang pangangalay. Wala pang dalawang oras ang tulog niya kagabi dahil tinapos niya ang panibagong project proposal niya. Kailangan niyang mabawi ang tiwala ng pamilya niya kaya dapat lang na mas maging doble pa ang effort niya sa trabaho.

"Petra!" tawag niya sa nag iisang kasambahay niya. Parang gusto ng uminit ng ulo niya ng hindi niya ito makita.

Nagugutom na siya at balak sana niyang magpahanda muna ng pagkain dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya kumakain. Pero nasaan na ba ang maid niya?

Pumasok na siya sa loob ng malaking bahay at muling tinawag si Petra. Kamuntik na siyang mapamura sa inis nang marinig ang echo ng malakas na tugtog na nanggagaling sa dirty kitchen. Mahilig makinig ng mga lumang kanta si Petra at alam niyang kapag wala siya ay halos gibain na nito ang bahay niya sa lakas ng tugtog sa speaker na inirequest pa nito noon sa kaniya na ipa-install niya sa kusina.

"Ah! Por favor!" parang puputok na ang mga litid niya sa ulo sa lakas ng pagdagundong ng speaker ni Petra.

Hindi na siya magtataka kung kahit ito ay mabingi na sa soundtrip nito at sa sunod ay hearing aid naman ang hingiin nito sa kaniya. Mayamaya ay nagtaka siya nang maalala na bandang hapon pa lang, bakit nagluluto na agad ng pagkain ang maid niya? may bisita ba ito?

Dios mio!

Natampal niya ang noo nang maalala na ngayon nga pala darating ang mga pamangkin niya. Kaya pala napakalinis ng buong sala at parang excited sa buhay si Petra ay dahil may pagkakaabalahan na ito, maliban sa pagtunganga sa bahay niya. Wala naman kasi itong masyadong ginagawa dahil palagi siyang wala sa bahay at madalas pa na sa labas na siya kumakain. Ang mahigpit na bilin lang niya sa matandang babae ay kailangan na pagpatak ng alas diyes ng gabi ay nasa loob na ito ng kwarto. Hindi kasi magandang tingnan na uuwi siyang may kasamang babae at makikita sila nito na sa garahe pa lang ay naghahalikan na.

Nang maalala ang mga pamangkin ay napapalatak si Alejandro. Isang beses pa lang niyang nakita sila Elias at Rebecca. Patawarin siya ni Robertita pero wala talaga siyang amor pagdating sa mga bata. Kahit nga ang mga pamangkin niya sa pinsan ay hindi niya magawang kaaliwan man lang, sariling mga pamangkin pa kaya niya sa kapatid?

Nagtungo siya sa sala at didiretso sana sa dirty kitchen nang mapadaan siya sa mahabang sliding door. Ganoon na lang ang pagkabigla niya ng aksidenteng mapalingon siya sa labas at makita na may ulo ang biglang lulubog-lilitaw sa swimming pool. May taong nalulunod sa swimming pool niya!

"Jesus Christ!" kamuntik nang malaglag sa sahig ang puso niya sa takot nang makita ang nangyayari.

Natatarantang binuksan niya ang sliding door at tumakbo sa swimming pool. Hindi na niya nagawang hubarin pa ang suot na black coat at basta na lang siya tumalon sa tubig para sagipin ang.....babae?

Namilog ang mga mata ni Alejandro nang maramdaman sa braso niya ang kurba ng baywang nito.
Babae pala ang iniligtas niya!

Itinaboy niya ang pagkabigla sa isip at hinaklit sa baywang ang babae. Panay ang ubo at iyak nito habang buhat niya. Umahon siya sa tubig at dinala ito sa gilid ng swimming pool. Gusto na niyang sigawan ito pero natigilan siya nang mapansin ang hitsura nito. Nakaupo ito sa sementong sahig at yakap ang sarili habang humahagulhol ng iyak.

Sino ba ang babae ito? Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan nito. Hindi ito nakasuot ng swimsuit, ibig bang sabihin ay aksidente lang ang pagkahulog nito sa swimming pool? Parang may bakal na kamay ang pumisil sa puso niya nang marinig ang pag iyak nito. Nakabuka ang bibig nito habang umaatungal ng iyak at panay ang punas ng mga luha sa magkabilang pisngi.
Jesus! Parang bata na inagawan ng candy ang hitsura ng babae. Ilang minutong pinagmasdan niya ito at hanggang sa isang imahe ang biglang lumitaw sa isip niya. Natigilan siya nang maalala kung saan niya ito unang nakita. Ito ang babaeng bumangga sa kaniya sa parking lot ng chapel!

Ano bang meron ang babaeng ito at palagi na lang akong napeperwisyo kapag nakikita ko siya?

Morena ang babae at medyo chubby. Mahaba ang tuwid at kulay itim na buhok nito. Ayaw man niyang aminin ng tuluyan sa sarili pero alam niyang nagagandahan siya sa babae. Hindi ito kagaya ng mga babaeng nakakasama niya, but he cannot deny the fact that he find her beautiful. May kung anong epekto ito sa sistema niya na hindi niya mabigyan ng pangalan.

Lumuhod siya para magpantay silang dalawa. Hinawakan niya ito sa balikat para kunin ang atensiyon nito.

"Estas bien?" pangangamusta niya sa kalagayan nito.

Hindi ito nagsalita, mabagal na nag angat ito ng tingin sa kaniya. Nang magtama ang mga mata nila ay daig pa niya ang tinamaan ng kidlat nang makita niya ang sariling repleksiyon sa mga mata nito.

Ano ba ang nangyayari sa akin? Parang napapaso na bibitawan na sana niya ito ng bigla nitong hilahin ang isang kamay niya. Nagimbal siya ng halos ihagis na nito ang sarili sa kaniya. Nanginginig at umiiyak na yumakap ito sa katawan niya.

"Salamat! Salamat sa pagliligtas mo sa akin, kung wala ka siguradong paglalamayan na ako ng pamilya ko sa 'pinas."

Naintindihan niya ang sinabi nito kahit ibang lenggwahe ang gamit nito. Kagaya ng lola Caridad niya ay isa rin pala itong Filipina! Napaungol siya nang maramdaman ang matinding takot nito at halos ayaw na nitong bumitiw sa kaniya.

"Estas bien, senyor? Anong nangyari?"

Ang nag aalalang boses ni Petra ang bumasag sa pagkawala niya sa sarili. Mabilis ang mga kilos na kumawala siya sa mahigpit na yakap ng babae. Nagmamadaling tumayo siya at hinarap si Petra.
"Nagawa mo pa talagang tanungin kung ayos lang ako? Dios mio, Petra! Bakit nagpapapasok ka ng ibang tao sa bahay ko?" bulyaw niya sa kasambahay.

Mabilis na umiling ito at itinuro ang umiiyak na babae.

"No, senyor! Siya ang yaya ng mga pamangkin mo,"

"Ano?" halos hindi na niya nabigyan ng pansin ang sagot ni Petra dahil nag ingay na ang cellphone sa loob ng black coat niya. Himalang gumana pa iyon kahit nabasa na ng tubig.

Fuck! Bakit ba puro kamalasan ang nangyayari ngayon sa buhay ko?

THE EXPAT HUNTRESS SERIES book 4: YO TE AMO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon