CHAPTER 4 PART 3

1.6K 72 4
                                    


ISANG pilit na ngiti ang ipinaskil ni Alejandro sa mga labi niya. Bitbit niya ang dalawang malaking paperbags habang nasa labas siya ng gate at hinihintay ang pagdating ng mga pamangkin.

Medyo ngarag at pagod pa siya dahil kababalik lang niya mula sa Mexico. Pero kahit abala ay mas pinili niyang gawin na agad ang plano, bago siya bumalik ng Spain ay namili na muna siya ng pasalubong para sa dalawang pamangkin. Ibinili niya ng mga laruan at mamahaling winter jacket ang kambal.

Napansin niya na medyo luma na ang jacket na ginagamit ng mga ito sa pagpasok sa school kaya bumili siya ng bago.

Kahit medyo nilalamig na siya sa pagtambay sa labas ay matiyagang naghintay siya. Mas mabuti nang makita nila Elias at Rebecca na hindi biro ang effort niya para lang mapalapit sa mga ito.

Ngayon lang siya makikipaglapit sa mga pamangkin, sana lang ay hindi siya pahirapan ng mga ito. Nang makita ang pagdating ng sasakyan ay masiglang kumaway siya. Patakbong lumapit siya at binuksan ang pinto ng sasakyan.

Napaatras siya ng hindi ang mga bata ang unang bumungad sa kaniya kundi ang yaya ng mga ito. Saglit na nagtama ang mga mata nila.
Hindi nakaligtas sa kaniya ang pagkagulat sa mga mata ni Reggy. Biglang namula ang mga pisngi nito at nag iwas ng tingin sa kaniya.

Nagmamadaling bumaba ito ng sasakyan at hindi na siya muling tinapunan pa ng tingin. Itinaboy niya ang init na biglang namuo sa dibdib niya. May kailangan siyang gawin at hindi dapat na mapunta lang sa babae ang buong atensiyon niya.

“Hola!” bati niya sa mga bata.

Nahalata niya ang pagtataka sa inosenteng mga mata ng kambal. Nagkatinginan ang mga ito at parang nag uusap gamit ang mga mata.

Kamuntik na siyang mapailing sa matinding frustration ng balewalang bumaba ng sasakyan sila Elias at Rebecca. Sinundan niya ang mga ito hanggang sa loob ng bahay.

“May pasalubong ako sa inyo, hindi man lang ba ninyo ako kakausapin?”

Ah!!! Fuck!

Umakyat na siguro hanggang pinakamataas pang level ang frustration niya ng hindi pa rin siya pansinin ng mga bata. Nang makarating sa sala ay matamlay na naupo ang mga ito sa long couch at tiningnan lang siya. Naupo siya sa single couch at nakipagsukatan ng tingin sa kambal. Mayamaya ay natigilan siya nang mapagmasdan ang mukha ng mga ito.

Bakit ngayon lang niya napansin na medyo kahawig niya ang kambal? Nakuha ng mga ito ang hugis ng ilong at kulay ng mga mata niya. Kung tutuusin ay hindi naman malaking issue iyon, pero may hatid na ibang damdamin iyon sa kaniya. Para sa isang katulad niya na lumaki sa isang hindi masayang pamilya ay malaking bagay na iyon. Nakakataba ng puso kung iisipin na kahit tiyuhin lang siya ay kahawig niya ang magkapatid.
Ipinilig ni Alejandro ang ulo at malakas na tumikhim.

“May pasalubong ako sa inyo,” sabi niya at inabot sa mga ito ang dala niyang paperbags.

Tinanggap naman ng kambal ang bigay niya pero hindi man lang nag abala ang mga ito na buksan ang paperbags.

“Gracias, tio,” matamlay na pasasalamat ng mga ito.

Kamuntik na niyang batukan ang sarili dahil sa sobrang inis. May mali ba sa ginawa niya? hindi na niya sinungitan ang kambal at binigyan pa niya ng pasalubong ang mga ito.

Dapat lang ay maging masaya na ang mga bata dahil sa pagiging mabait niya. Pero bakit daig pa ng mga ito ang pinagbagsakan ng langit ngayon?

Tiningnan niya si Rebecca, ang napakagandang pamangkin niya. Mukha itong buhay na manyika at kahit pitong taong gulang pa lang ay lutang na ang kagandahan na namana nito sa ina. Siguradong kapag nagdalaga na ito ay marami itong paiiyakin na mga lalaki.

“Que pasa?” nagtatakang tinanong niya kung anong problema ng bata.

Umiling lang si Rebecca at nag iwas ng tingin sa kaniya. Si Elias naman ang sinulyapan niya saka niya inulit ang tanong.

“Nothing, tio, pagod lang po kami,” anito.

Kung walang problema ang mga pamangkin niya, bakit ganoon ang hitsura ng mga ito? Parang nanlulumo at malungkot?

Shit!

Ano ba ang alam niya sa takbo ng isip ng mga bata? Kung hindi sasabihin ng dalawa sa kaniya ang problema ay hindi niya malalaman. Hindi siya manghuhula!

“Sigurado ba kayo? Pwede naman ninyong sabihin sa akin kung may problema.” Giit niya.

“Wala po.” Duet ng kambal at tumayo na.

Nakayukong naglakad na ang mga ito at walang paalam na nilayasan siya. Ilang saglit na natulala si Alejandro. Hindi niya akalain na mas mahirap pang basahin ang isip ng mga pamangkin niya kaysa sa mga babae.

Isang bagay lang ang naisip niyang paraan para malaman ang problema. Si Reggy. Mabilis na tumayo siya at hinanap ang babae. Naabutan niya ito sa kusina na naghahanda ng pagkain ng mga bata.

“Anong problema nila?” tanong niya sa salitang tagalog.

Nasasanay na siyang kausapin ito ng tagalog. Alam niyang fluent sa Spanish si Reggy pero mas komportable siyang kausapin ito sa ibang lenggwahe. Call him crazy or something, pero mas gusto niyang marinig ang accent ni Reggy kapag nagsasalita na ito sa sariling lenggwahe nito dahil nagiging sexy ang dating niyon sa kaniya.

“Wala naman—”

“Ah! Por favor! Sabihin mo na lang sa akin kung anong nangyayari.” Mabilis na putol niya sa sinasabi nito.

Mula sa pagsasalin ng pancake sa platito ay gulat na nag angat ito ng tingin sa kaniya. Hindi siguro nito inaasahan ang biglang pagtataas niya ng tinig.

Tumango ito at nagpaliwanag agad.

“Kinausap ako ng teacher nila Elias at Rebecca, nakipag away ang kambal sa mga kaklase nila dahil binu-bully sila na walang parents. Kinausap na rin ni senyor Facundo ang teacher para maayos ang problema sa school nila.”

“Mierda!” galit na bulalas niya. “At wala kang balak sabihin sa akin ang nangyari?”

Nagbago ang reaksiyon ni Reggy. Naging matalim ang tingin nito sa kaniya. Kung tingnan siya nito ay parang gusto na siya nitong sunggaban sa leeg at sakalin.

“Dapat pa ba, senyor? Parang hindi ka naman interesado sa mga bata kaya mas mabuting sa lolo na lang nila ako magreport.”

“Malakas ang loob mong sagutin ako, anong gusto mong palabasin—”

“Sa pagkakaalam ko, ang papa mo ang magpapasweldo sa akin, pasensiyahan na lang tayo, senyor, pero hindi mo makukuha ang buong respeto ko hanggang hindi maganda ang trato mo sa mga bata.”

Nakipagsukatan ng tingin sa kaniya si Reggy. Wala siyang makitang takot sa mga mata nito. Kulang na lang ay sabihin nito sa klase ng tingin nito na handa itong sumugod sa giyera para sa kapakanan ng mga pamangkin niya.

Isang bagay na hindi kayang gawin ng isang kagaya niyang binata na walang alam sa ganoong bagay. Ano lang ba kasi ang alam niya maliban sa pagpapatakbo ng negosyo at paghahanap ng ligaya sa kandungan ng iba ibang babae sa gabi?

“Please excuse me, senyor.”

Wala ng nagawa pa si Alejandro nang iwan siya ni Reggy sa kusina para asikasuhin ang kambal sa pagkain ng meryenda. Napahinga siya ng malalim at at naiinis na hinampas niya ng kamay ang kitchen counter.

Hindi pala dapat ang mga pamangkin ang unang paamuin niya. Kailangan niyang suyuin ang tigreng yaya ng kambal kung gusto niyang magtagumpay na makuha ang loob ng mga ito.

Just wait and see, Regina Samonte, mapapaamo din kita.

Pangako niya sa sarili.

THE EXPAT HUNTRESS SERIES book 4: YO TE AMO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon