CHAPTER 8 PART 2

1.5K 60 3
                                    

Pagsapit ng umaga ay maganda ang gising ni Reggy kahit puyat siya. Maagang nagising si Alejandro para lumipat ng sariling kwarto nito. Siya naman ay inasikaso ang kambal at hinatid na ang mga ito sa eskwelahan.

Simula nang mabully sa dating school ay bumalik siya sa dating routine, kasama na ulit siya nila Rebecca at Elias mula sa pagpasok sa school hanggang sa pag uwi sa bahay.

Para hindi mainip sa paghihintay sa mga alaga niya ay nagfacebook live na lang muna siya. Thirty minutes bago matapos ang huling klase sa umaga ng kambal ay nagsign out na siya sa facebook. Mula sa pagtambay niya sa malawak na garden ay naglakad na siya sa hallway para puntahan ang classroom ng magkapatid.

Pero ilang minuto pa lang siyang naglalakad ay nag ingay na agad ang cellphone niya. International call iyon mula sa kapatid niyang si Amy.

Kinabahan agad siya, alam niyang hindi tatawag ang bunsong kapatid niya kung hindi importante ang sasabihin nito.

“Hello, Amy? May problema ba?” nag aalalang bungad niya nang sagutin niya ang tawag nito.

“Ate, may problema tayo, ang n-nanay i-isinugod namin siya sa ospital, bigla na lang siyang hinimatay kanina—”

“Ano?!” parang sumabog ang ulo ni Reggy sa narinig.

Hindi na natapos ni Amy ang pagpapaliwanag dahil nag iyakan na silang magkapatid. Humahagulhol nang iyak na tumigil siya sa paglalakad at pilit na pinakinggan ang paliwanag ni Amy kahit wala naman talaga siyang maintindihan maliban sa sinabi nito na nastroke ang nanay nila.

Umiiyak na tinakpan niya ng palad ang mukha niya. Nanginginig na siya dahil sa matinding tensiyon at pagkabigla.


Diyos ko! Sana okay lang po si nanay,kakayanin ko po lahat ng problema basta hindi iyong ganito na may nagkakasakit sa pamilya ko. Tulungan mo po ako…

THE EXPAT HUNTRESS SERIES book 4: YO TE AMO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon