CHAPTER 4 PART 2

1.6K 66 2
                                    

"IF this is my last night with you, hold me like I'm more than just a friend. Give me a memory I can use, take me by the hand while we do what lovers do, it matters how this ends. 'Cause what if I never love again?"

"Ah, fuck! Mahinang napamura si Alejandro nang paulit ulit na magplay sa utak niya ang sikat na kanta ni Adele.

Ang masaklap lang ay hindi si Adele ang kumakanta sa utak niya kundi ang mismong yaya ng mga pamangkin niya.

Muli siyang napamura at pabagsak na inilapag ang wineglass sa bar counter. Wala siyang pakialam kahit halatang nabigla ang bartender sa pagdadabog niya. Mainit ang ulo niya ngayon dahil sa maraming bagay na hindi niya maintindihan. Hindi niya alam kung bakit bigla ay binagsakan siya ng mga problema. Nabigo na nga siya sa project proposal ay naging guardian pa siya ng mga pamangkin niya.

At idagdag pa ang atribidang yaya ng kambal. Naisaloob niya. Alam niyang hindi natatakot sa kaniya ang yaya ng mga pamangkin dahil ang kaniyang ama ang boss nito.

Una pa lang ay nahalata na agad niya na palaban ito dahil sa ginawa nitong pagsagot sagot sa kaniya noong isang araw. Hindi siya sigurado kung sadyang palaban lang ang babae o talagang malakas lang ang loob nito dahil sa kaniyang ama.

"At bakit ba parang naenjoy ko pa ang panonood sa mga videos niya sa facebook?" inis na naihilamos niya ang mga palad sa mukha at malalim na bumuntonghininga.

Hindi pa naman siya lasing pero parang ganoon na ang pakiramdam niya. Nakakaramdam siya ng kung anong init sa tuwing maaalala niya ang pagsasayaw ng yaya ng kambal sa mismong kitchen niya.

What's her name again? Pumikit siya at umiling nang maalala ang pangalan nito.

Maliban sa mga videos na napanood niya sa facebook-courtesy of Petra na sinuhulan pa niya para lang mag espiya-ay marami siyang nalaman tungkol kay Reggy.

Regina Samonte pala ang buong pangalan nito, twenty seven years old at undergraduate ng Education course. Kagaya ng ibang kwento ng mga ordinaryong Filipino ay breadwinner din ito ng pamilya at isang single mother. Social media star ito at sumikat dahil magaling itong kumanta. Hindi niya akalain na umaabot sa kalahating milyon pataas ang mga views ng videos ni Reggy sa facebook.

Ngayon ay naintindihan na ni Alejandro kung ano ang ginagawa ni Reggy nang maabutan niya itong sumasayaw sa harap ng camera. Hindi naman masagwa ang pagsasayaw nito at wala naman siyang makita na problema doon.

Maliban na lang sa personal na problema niya dahil parang nagkandaletse letse ang araw niya nang mabitin siya sa sayaw nito. Kung hindi pa nga niya siguro napigilan ang sarili ay baka napasigaw pa siya ng 'More!' habang pinanonood ito.

Oh Jesus! Napailing na naman siya at inisang tungga ang iniinom na wine.

"It's Saturday night, Alejandro, hindi mo na kailangan mag isip ng kung ano pa tungkol sa babaeng 'yun. Just enjoy your fucking night, okay?" pilit na pangungumbinsi niya sa sarili.

Siguro naman kung maghahanap siya ng isang babaeng papawi sa uhaw niya ngayon gabi ay hindi na paulit ulit na magsusumiksik sa isip niya ang imahe ni Reggy habang nagsasayaw ito? Hindi na siya matutulala kapag naaalala ang malusog na dibdib at kurba ng balakang nito?

Damn it!

Tatayo na sana niya at gagawin ang plano na maghanap ng ligaya ngayong gabi ng biglang lumapit sa kaniya ang pinsan niya at bunsong kapatid ni Mateo na si Giovanni. Nakasimangot ito nang tapikin siya sa balikat.

"Alejandro Jose! Pinapahirapan mo ako," anito.

"Why? Anong problema mo?" nagtatakang tanong niya.

THE EXPAT HUNTRESS SERIES book 4: YO TE AMO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon